RRII 1

443 17 0
                                    

" Hay nako Ayi, mabuti pa mag retouch ka na lang at pwede nang pagpretuhan yang mukha mo girl. Ang oily eh." Ani Zoe na itinulak sa may sink si Ayi.



Nauna nang pumasok si Jai sa kanila dahil tinatawag na daw ito ng kalikasan.



" Eh Di ikaw na ang fresh."


" Diyan ka na nga. Di ko na rin kaya eh.".



" Oh natatae ka rin?"

" Yuck ka talaga girl. Kadiri yang term mo. Naiihi lang. Baka si Jai ang natatae kasi ang tahimik eh."



" Hoy naririnig ko kayo. Eh ano ngayon? Tatlong araw ko kayang inipon to."


" Ewww kaya pala ang baho. "



" Ang aarte niyo. Akala niyo naman hindi kayo tumatae."



Natawa at napailing na lang si Ayi saka inayos ang sarili sa harap ng salamin.




Tinanggal niya ang pagkakatirintas ng kanyang buhok at sinuklay iyon. Akmang ititirintas niya sana uli nang magpatay sindi ang ilaw.  Nang biglang nahulog ang suklay niya sa sahig. Agad siyang yumuko at pinulot ang suklay nang tumigil ang pagpatay sindi. Kinakabahang tumayo siya. Hindi niya kasi maipaliwanag ang kilabot na nadarama.



Pagharap niya uli sa salamin ay napatili siya sa gulat. Nanginig siya sa takot. Halos hindi siya makagalaw nang makita sa repleksyon na palapit ng palapit ang duguang mukha ng dalawang babaeng magkamukha. Pinagigitnaan siya ng dalawa. Gustuhin man niyang tumakbo ay parang may kung anong pwersa ang mahigpit na pumipigil sa mga paa niya.





" Waaaaag. P-please wag niyo akong saktan..." Nakapikit siya habang umiiyak dahil sa takot.





" Hoy girl, anyare sayo?"




" Hala! Ba't nagsisisigaw yan?"




Inalog alog ni Zoe si Ayi. " Girl dumilat ka! Ano bang nangyayari sayo? "




Napadilat si Ayi at nanlaki ang mga matang tumingin kay Zoe. " M-may d-duguang mga babae kanina sa salamin."




" Ha? Duguan? Duguan talaga girl? Asan?" Tanong ni Jai na nagsasabon ng kamay.





" Pero nakita ko. Meron talaga kanina."



" Sus girl, tayong tatlo lang dito. Anong mga babaeng pinagsasabi mo? Ano to? Horror? Girl, it's 2020, hindi na uso yang horror horror na yan. Sa libro, socmed at pelikula lang yan nangyayari. Gasgas man but I don't really believe in ghosts."






" P-pero "




" Yes girl, I agree with Zoe. There's no such thing as ghosts. Duh, naiinis nga lang ako kapag nanunuod ng horror film eh kasi mas lamang pa yong patayan kaysa takutan. Gutom lang yan."





" Let's go to the cafeteria since wala naman tayong class sa susunod din na subject eh. Eh kain mo na lang yan."




" Hay! Siguro nga. Grave! Baka nga nag iimagine nga lang ako or gutom lang to. Tara sa cafeteria. Libre niyo 'ko."





" Ay sus. Eh di gutom ka nga talaga. At magpapalibre ka talaga ha? Poorita ka girl? Poorita ka?"




" Hmp! Kayo nagyaya eh. Tara na nga!"





Was it really my imagination? Bakit parang totoo? Aish! Baka nga gutom lang yon. Makakain na nga lang!










Pagkatapos ng klase ay agad na nagsilabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang room. Tuwang-tuwa sina Zoe, Jai at Ayi dahil hanggang 6:00pm lang ang klase nila ng araw na iyon. Block mates kasi silang tatlo at parehong Tourism ang mga kurso.






Pagdating sa may entrance ay agad na nagpaalam si Zoe dahil naghihintay na sa kanya ang sundo niya. Samantalang si Jai ay agad na nilapitan ng Kuya Jacob niya, agad na sumakay ang mga ito sa sasakyang nakaparada di kalayuan sa kanila.




Nahabol na lang ng tingin ni Ayi ang mga kaibigan.




" Uy Ayi, nasaan na ang sundo mo?"




Napalingon si Ayi sa nagtanong. " I-ikaw pala Van. Ah hindi pa kasi dumadating. Siguro na traffic."




" Ah OK. But if you want, I can give you a ride. Di ba magkalapit lang naman ang subdivision natin?"




" H-ha? Ah wag na. Nakakahiya naman sayo. Tsaka nagtext yong sundo ko, parating na daw siya eh."



" Oh okay. I'll go ahead na lang Ayi. See you when I see you."




" Haha, okey. See you tomorrow."



Nagwave lang si Van saka naglakad palapit sa kotse nito. Napahinga ng maluwag si Ayi nang makaalis na ang sasakyan ng kaklase.




" Asan na ba kasi ang sundo ko? Nakakainis naman eh!" Bulong niya sa sarili na napapadyak pa.




Naglakad na muna si Ayi saka tinext ang kanyang sundo na sa seven eleven na lang siya sunduin. Malapit lang iyon sa university na pinapasukan niya.





Habang naglalakad ay naalala ni Ayi ang nakita kanina sa salamin sa rest room. Kahit anong pilit niyang wag ng alalahanin ang nakita ay pilit naman iyong ngsusumiksik sa utak niya.





" Ay kabayo naman eh!" Inis na bulalas niya.




" Ano ba ale! Hindi ka ba tumitingin sa daraanan mo?!" Singhal niya sa babaeng nakabangga.





" I-ikaw yong bumangga sa akin hija. Nakatayo lang ako dito."




" Eh di dapat nong nakita mo akong palapit dapat tumabi ka!"




" Aba hija, wag mo naman akong singhalan. Ikaw ang papalapit, ako nananahimik lang dito at nag aabang ng masasakyan. Ikaw dapat ang umiwas na mabangga ako. Nasa gilid lang ako oh."





" Wag mo nga akong paliwanagan. "




" Ibang klase ka ne. Ikaw na nga ang bumangga, ikaw pa ang galit. Walang respeto."




" Bakit? Teacher ba kita? Nanay ba kita para respetuin? Mukha ka ngang namamalimos lang eh!"





" Ang sakit mo namang magsalita. "




" Eh totoo naman ah? Mukha kang batang gusgusin. Siguro modus mo to no? Kunyari babanggain mo ako tapos api-apihan ang peg mo para maawa ako sayo saka ka hihingi ng Pera? Tama ako no?"




" Wala ka na ngang modo, bintangira ka pa. "




" Sus ale. Wag ako okay? Alam na alam ko ang ganyang drama eh. Sa iba ka na lang manloko kasi hindi ka uubra sa akin."




" Eh di wow! Akala mo hindi ko alam ang ginawa mo? Perfect ka te? Uso ang karma. At itong pagpapahiya at pambibintang mo sa akin, maibabalik din sayo. I know what you did. Karma is a bitch girl. Wait for your own dose of medicine."  Galit na umalis ang ale na binigyan muna siya ng matalim na tingin.






Natawa ng pagak si Ayi. Totoo ba yong narinig niyang sinabi nito? Umi-english pa talaga. Pero natigilan siya nang marealize ang sinabi nito. Kunot ang noong tingnan niya ang dinaanan ng ale pero hindi na niya ito nakita. She felt a pang in her chest. Biglang lumakas ang tahip ng dibdib niya.









🌸
A/n:
Hello guys! I'm back!

This is my second story of Restroom😀.

I hope y'all like it. Please don't forget to comment and vote please. Well if like niyo lang. No worries.




Anyhow, anyway hi way please do check my other stories. I'm gonna owe you a lot. Thankies!


mie😘

RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon