RRII 6

72 7 0
                                    

" Anong nangyari? Bakit ka nag alsa balutan?"

Napaiyak si Ayi sa tanong ng kaibigan. Nag-aalala namang niyakap siya nito.

" Tara na muna sa loob. Wala sina ate, umalis sila ni Kuya Jacob, tingin ko pupunta sila sa probinsya ng asawa niya. "

" O-okay lang ba kung..."

" You can stay for as long as you want, ano ka ba! Besides kilala ka naman ni ate and kuya kaya akong bahala sayo."

" T-talaga?"

" Oo naman. Tara pasok na tayo. Malaki naman yong bed kaya kahit magpagulong-gulong ka ay okay lang."



" Thank you Jai."



" Nga pala, pupunta ako bukas sa wake ni Zoe after ng class."


" S-sasama ako."

Tumango lang si Jai saka sila tahimik na pumanhik sa taas papuntang kwarto nito.



" Wow!"



" Do you like my room?"


" Oo naman. Ang ganda."



Masayang umupo si Ayi sa kama at natuwa siya sa kalambutan nito.


" You seemed so amazed. "

" Ah haha, tinetest ko kung gaya ba siya ng kama ko sa amin. Mas malaki nga lang ang kama mo."



" I see."

Kinuha ni Jai ang suklay at umupo sa harap ng salamin. Mula doon ay kita niya ang repleksyon ni Ayi na nakaupo.




" So...napag-isipan mo na ba ang sinabi ni Zoe?"



" Jai..."



" Kasi alam mo yon? Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga sinasabi niya. Parang, totoo talaga ang nakita niya. She won't peed on her skirt if she's not really scared."


" Jai naman."


" What if totoo nga ang sinasabi niya? Nagbabasa din naman ako ng mga blogs and nanunood ng mga videos, hindi naman siguro imposibleng totoo ang sinasabi niya. Although sinabi ko noon na hindi ako naniniwala, sinabi ko Lang naman yon kasi ayokong takutin ang sarili ko."

" Tumigil ka na Jai. Walang multo okay? Nag-eexist lang sila dahil pinaniniwalaan natin na nag-eexist talaga sila. Tayo ang gumagawa ng multo, okay? Kung hindi natin iisipin na may multo, Wala naman talagang magpapakita. Tinatakot mo kasi ang sarili mo eh. "


" Pero hindi ba basehan yong nakita nating takot sa mga mata ng kaibigan natin? Hindi pa ba sapat na nawala siya dahil sa nakita niya?"

" Okay, stop this issue Jai. Hindi natin dapat ini-entertain ang mga ganitong thoughts. Ang dapat nating pagtuonan ng pansin ay ang pag gawa ng alibi sa mga magulang niya kung bakit nagpakamatay ang anak nila."


" Pero what if one of these days ay tayo naman ang sumunod?"


" Tigilan mo na ang pagiging nega okay? Nai-stress ako sayo eh."


" Pero"


" Pwede Jai, pagpahingahin mo muna ang sarili mo? Stop overthinking. Walang multo, walang kaluluwa. Nagpakamatay si Zoe dahil may problema siya sa mga magulang niya. Ako na nga lang ang bahalang magpaliwanag sa kanila bukas. Now, pwede na ba akong magpahinga?"




RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon