RRII 15

47 5 0
                                    

" V-van! Anong ginawa mo kay Zab?"

" Ayi!"


" P-pinatay mo siya?"


" No! Of course not! Aksidente ang nangyari. We were quarreling and then it happened so fast I almost couldn't believed it.I swear Ayi."


" Ano nang gagawin natin sa kanya? Should we call an ambulance?"


" N-no no Ayi. Uhm they might think I did this to her."



" But she's bleeding. Baka mapano siya andami pa namang dugo oh. V-van baka kung anong mangyari kay Zab."



" Uhm we... we should not let anybody know this Ayi. Please help me." Nanginginig na pakiusap nito.



" What's with you?! Bakit mo ginawa iyon kay Zab?"



" Aksidente nga diba?"



" You looked strange too. "


" Andami mong napupuna Ayi!Sasabunotan kita diyan eh!" Tili ni Van.


Nanlaki ang mg mata ni Ayi.
" Y-you're..."


Natigilan si Ayi nang biglang tumalikod si Van at pumasok sa cr na nasa loob ng kwarto. Paglabas nito ay may dala ng first aid kit. Agad namang tumulong si Ayi sa pag gamot kay Zab.


Nalinis na nila ang sugat sa noo pero wala pa ring malay ang kaibigan. Samantalang hindi pa rin kumakalma si Van at panay ang paroot paritong paglalakad.


" Pwede ba tumigil ka? Kanina ka pa eh."

" How can I?"

" Sana naisip mo yan bago mo sinaktan si Zab."

" I didn't mean to do it. Nangyari na lang. She scared me to death."


" Ano ba kasing nangyari?"

" It's a long story. Anyway, nasaan ang mga girls?"


" Ayon, tulog sa may sala. Pero si Jai, iniwan ko sa may kusina."

" Sure ka na hindi siya sumunod sayo?"


" O-oo. Ano ba kasing nangyari? At bakit gusto ko pero ayaw ko naman na itanong kung totoo ba talaga itong nakikita ko."


" A-ayi...please wag ka ng magtanong. What you see is what it is. I don't plan to explain. But please keep this secret of mine."


" S-so totoo nga. K-kaya ba kayo nag-away? Kasi nalaman niya?"


" It's worst than you thought. Zab knows the whole truth about me but she accepted all of it. Pero nung makita niya ang pictures namin ni Paul which I never expected na lalabas, she got hurt and scared the hell out of me. She said she'll going to let my parents know what kind of a person I am. Natakot ako. Dad once caught me being like this and beat the shit of me. He threatened me and nang sabihin ni Zab na isusumbong Niya ako sa parents ko, Hindi ko alam kung anong nangyari. I swear Hindi ko sinasadyang saktan siya."


" T-talaga ba? Ba-bakit iba ang nakita ko kanina?"

Nanlaki ang mga mata ni Van sa narinig.




Flashback

" What's the meaning of this Van?"


" How could you do this to me?!"

Napatigil si Ayi sa paghakbang. Boses iyon ni Zab at tila galit.



" Let me explain, babe."

Napansin ni Ayi na bukas ang pinto sa gawing kanan niya at narinig niyang doon nanggaling ang tila nag-aaway na sina Zab at Van.


" Don't call me babe!"



" Please Zab listen to me first."


" No! How dare you lie to me?! How dare you!"

Hala! Nag-aaway ang dalawa. Bakit kaya?



" Let me explain!"



" No! Save it and explain to your parents. I'm leaving! I'm going home!"

Uuwi si Zab? Pero bakit?


Lumuhod si Van. Kumapit ito sa mga hita ni Zab.



" Zab please don't do this. "



" But you promised! Sabi mo Hindi mo ako lolokohin. I accepted the real you because you promised me, you'll change. Sabi mo mahal mo ako but you cheated on me. You asshole!"


" Hindi ko sinasadya Zab!"



" Talaga hindi? Eh bakit pangtatlong mms na ito na pinadala ni Paul? How could you do this? I trusted you. I wholeheartedly accepted you. But you always chose to break my heart. Hindi ako naniwala sa unang dalawang pictures na sinend niya kasi sabi ko mahal kita, pagkakatiwalaan kita  kahit ang sakit sakit na. Pero itong pangatlo Van, my God! Ito yong time na hindi mo ako sinipot sa lakad natin kasi sabi mo emergency. Emergency nang pagiging malandi mong bakla ka! "


" Bawiin mo ang sinabi mo!"mababa pero pigil ang galit na Sabi ni Van.


" Bakit ko babawiin? Totoo naman di ba? Kahit anong pagmamahal ko sayo, paglalambing ko sayo hindi ka makontento kasi nga iba ang gusto mo! Lalabas at lalabas pa din talaga ang pagiging berde ng dugo mo! I hate you! Uuwi na ako at bahala ka na sa buhay mong bakla ka!"



" Zab please!"



" You looked pathetic, d'you know that? And I despise you to death Van. I'll tell tito what you've done to me."


" No! Please I'm begging you. I'll do everything I can just please don't tell them."




" Shut up! You can't stop me! Maghihiwalay din kayo ng lalaki mo!"


Mabilis na hinablot ni Van ang kamay ni Zab kaya napatigil ito. Pilit na niyayakap Niya ang dalaga pero panay ang pagpiglas nito.

" You can't do this to me Zabrina! You can't!" Tili ni Van at ginamit nito ang buong pwersa sa dalaga.

Nanlaban si Zab at nang umigkas ang kamay nito ay nasuntok nito ang mukha ni Van. Pero hindi pa rin nito hinayaang makawala ang dalaga.


Nang makabwelo ito ay sinampal nito ang dalaga at sinakal.



" Hindi kita hahayaang isumbong ako sa papa ko Zab. At Hindi ko rin hahayaang paghiwalayin kami ni Paul. Dahil mahal ko siya, bruha ka!"



Kitang kita ni Ayi nang biglang ihampas ni Van sa gawing tokador si Zab nang dalawang beses at nasubsob ito doon. Ginulo nito ang buhok sa galit.



Natigilan si Van at nilapitan ang dalaga. Napansin kasi niyang Hindi na ito gumagalaw at napatakip ito sa bibig nang paharapin nito si Zab at makitang may malaking sugat na ito sa noo. Tumama pala ang noo nito sa trophy na nakalagay doon at ngayon ay may bahid ng dugo ni Zab. Panay ang pagdaloy ng dugo sa noo nito.




Naibukas ni Ayi nang tuluyan ang pinto at napaiyak sa nakita. Natigilan naman si Van at tila nahintakutan nang makita si Ayi. Kitang kita Niya Ang takot sa mukha nito habang nagpalipat lipat Ang tingin sa kanya at sa duguang si Zab.








😘



RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon