RRII 8

90 5 0
                                    

Naglalakad papuntang cafeteria si Ayi. Usual pinagtitinginan na naman siya ng ibang estudyante. Yung iba pailalim kung tumingin, may nagtataas baba ng tingin sa kanya na tila kinukutya siya at yung iba naman ay nagbubulungan kuno pero dinig na dinig niya o sadya lang talagang ipinaparinig sa kanya.

Napaface palm siya. Wala siyang pakialam sa mga ito. Iba ang iniisip niya. Okay naman ang umpisa ng klase dati pero nang dumating si Naya ay tila nagkagulo. Ni minsan ay walang nagbanggit ng pangalan ni Zabrina. Pero nang dumating ito ay halos araw-araw na niyang naririnig ang pangalan ng dati nilang kaklase...at kaibigan niya.

Flashbacks:

Bitbit ang apat na makapal na libro at isang folder ay mabilis ang hakbang na naglalakad siya sa hallway. Hindi na niya napansin ang babaeng paparating kaya nagkabanggaan sila. Ang masaklap napaupo siya at nagsihulog Ang mga dala niya.

" I'm sorry. Okay ka lang?"

Mabilis na in-offer nito ang kamay sa nakasalampak na si Ayi.

" S-salamat. O-okay lang ako." Aniya matapos makatayo at mapagpagan ang damit.

" Pasensya ka na ha, nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin."

" Okay lang."

Inabot nito ang mga libro sa kanya.
" Transferee ka ba dito?"

" Oo. Ako nga pala si Ayi."

" Ako naman si -"

" Zab!"

Napatingin silang dalawa sa babaeng palapit.

" Tara na Zab, hinahanap ka na nina Kam. May practice pa tayo."

" Oh oo nga pala. Sige Ayi ha, we need to go. Bye! See you around."

Nasundan niya ng tanaw ang papalayong dalawang babae. Nagagandahan talaga siya sa nagngangalang Zab. Nang mapansing Wala na pala ang tinatanaw niya ay agad na naglakad papuntang library si Ayi.

Tahimik lang siya habang mag-isang nagbabasa.

Engrossed na engrossed siya sa kanyang binabasa nang may umupo sa harap niya.

" Ops sorry. Oaky lang ba na maki-upo?"

Napatitig siya sa mukha ng kaharap. Napalunok pa siya nang ngumiti ito sa kanya at inulit ang tanong.

Naipilig niya ang ulo at tumango.
Ngumiti naman ito saka nagsimula na ring magbasa ng libro na dala nito.

Itinaas ni Ayi ang libro para matakpan ang buong mukh niya pero kalaunay dahan dahan niyang ibinaba hanggang sa masilayan uli niya ang mukha nito.

Ang gwapo!!! Ang kapal ng kilay niya. Ang tangos ng ilong. At ang ganda ng mga labi niya.

Nang mag-angat ng tingin ang lalaki ay mabilis na itinaas uli ni Ayi ang libro sa mukha niya.

Ano ba naman yan! Mukhang nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ang tanga mo Ayi!

Halos isang oras din siya sa library nang tumayo ang lalaki at nagpasalamat sa kanya. Pagkalabas nito ay agad niya ring inayos ang mga gamit at lumabas pasunod dito.

Nasan na yon?

Humantong si Ayi sa cafeteria at nagpasyang kumain. Bitbit ang tray ng pagkain ay naghanap siya nang mesa.

" Ayi!"

Bumaling ang tingin niya sa sumigaw ng pangalan niya at napangiti nang makilala ang babaeng kumakaway sa kanya.

Lumapit sa kanya si Zab at iginiya siya sa mesang inookupa nito at ng mga kaibigan nito.

" Who's she?" Maarteng tanong ni Kam.

" Oh guys this is Ayi. She's a new friend and a transferee here. Ayi these are my friends. This is Kamila Magno, Zoe Ann Palma, Janna Icey Campos and Nathalie Yazz Fuentes."

" K-kumusta, ako nga pala si Ayesha Ina Cruz. Nice to meet you."

" So Zab, tuloy pa ba tayo sa bahay niyo later?" Tanong ni Kam.

" Of course. Kailangan nating tapusin ang project and after that we will have a party. "

" Okay! I'm so excited. Pero okay lang ba sa parents mo?"

" Oo naman. Although nasa Europe sila  for a 2 weeks vacation, nagpapaalam naman ako sa kanila. Tsaka nandon naman si Tita Brea."

" Ehh, baka naman strict yong Tita mo."
Tanong ni Jai na kumakagat ng fries.

" Oh no. Tita Brea is so cool. And besides guys, were not going to get wild naman right? It's just a party for us girls."

" Of course naman Zabby."

" So, how about her?" Tanong ni Naya.

Napatingin si Zab kay Ayi at napangiti.

" You can join us too Ayi. "

" Ha? Naku wag na. Nakakahiya."

" Duh? Nakihalubilo ka nga sa amin eh tapos nahiya ka pa?"

" Kamila?!"

" Oops sorry my bad. What I mean is, wag ka ng mahiya Ayi. It's really okay if you join us."

" T-talaga?"

" Yeah! Ininvite ka ni Zab, kaya dapat pumunta ka." Ani Naya na nginitian siya.

Napangiti naman si Ayi at napatango.

" Hey Zab, here's your food."

" Aww Ang sweet talaga ni Vanzel. Nasaan yong sa amin?"

" Oh I'm sorry Kam. I thought nagda-diet ka?"

" Hmp! Sabihin mo, fave mo talaga si Zab sa amin kaya siya lang palagi ang may free delivery na food from you."

Natawa sina Zab at Van.
" Kam, marami ang in-order ni Van, share tayo okay?"

" Sus! Eh di kayo na. Pahingi nga ng fries mo Jai. Zoe can I have a bite of your burger?"

" Baka gusto mo ring humingi ng carbonara ko, Kam. Masarap siya." Ani Naya na nanunukso sa nakapout na si Kamila.

Hala! Magkakilala pala sila ni Zab? Ano kaya nila ang isa't isa?

" Oops my bad. Uhm Van this is Ayi. And Ayi this is Van. "

" Oh hi. Ikaw yong sa library di ba?"

" Ah o-oo ako nga iyon."

" Nice meeting you Ayi. Ah Zab, can we talk for a minute?"

Tumango naman si Zab at lumayo sila ng konti sa mesa nila. Nasa gawing likuran kasi sila.

" Ang sweet nila no?" Ani Zoe.

" O-oo nga."

" They're best friends. " Ani Naya. " And Zab and I too.

" T-talaga?"

" Yeah. At malamang magkakatuluyan in the end. Naka-arrange marriage na ang dalawa, baka after nila mag-graduate ay ikasal na sila." Ani Kam na nakatitig sa kanya.

" Ah...Kaya pala. B-bagay sila."

" Of course. Zab is gorgeous and so is Van. They're both came from wealthy and famous family. Kaya bagay na bagay sila."

" Pero hindi pa sila mag-on."

" Yeah. They're just best of friends."

" Pero sa kasal din naman ang tuloy nila."

Napayuko si Ayi at ipinagpatuloy ang pagkain. Pasulyap sulyap siya sa dalawa na nag-uusap. Nang mapansing nakatitig sa kanya si Kam ay yumuko na lang siya ulit.

RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon