RRII 10

72 5 0
                                    

" Kanina ka pa tulala Jai. Tuloy pa ba tayo?"


Napalingon si Jai kay Ayi. " Pasensya na. Tuloy pa rin tayo. "







" Bakit ka nga pala hindi sumipot sa cafeteria? Tas nang makita naman kita, hindi mo na ako pinansin. "







" Ah sorry ulit."






" May problema ba?"







" Wa-wala. Ah nagtext si Manong nasa parking area na sya. Bilisan na natin."







Naiwang naguguluhan si Ayi. Pero nang makitang malayo na ang tinakbo ni Jai ay mabilis siyang tumakbo pasunod. Mamaya na niya kukulitin Ang kaibigan.











Marami ng tao nang dumating sila sa wake ni Zoe. Andon din ang ibang estudyante at alam nila na ang pinagbubulungan ng mga ito ay tungkol sa kanila. Mabilis na lumapit sila sa kabaong ni Zoe.





Napapikit si Ayi sa nakitang kalagayan ng dating kaibigan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kinahinatnan nito.








" Ang...ang sabi niya...sabihin natin ang totoo."






Napalingon si Ayi kay Jai. " J-jai..."







" Inuna na siya... S-sino ang susunod?" Mahinang tanong ni Jai na sa loob ng kabaong ang tingin.







" Jai...wag kang magsalita ng ganyan."







" Wa-wala na siya."







" Oo at kailangan nating tanggapin yon."






" Salamat sa pagdating niyo, Jai... Ayi."





Agad na nabaling ang atensyon ni Ayi sa nagsalita.





" Nakikiramay po kami, Tita."






" Salamat. "









" Zoe... Bakit ang daya mo? Bakit mo kami iniwan? " Napasigok si Jai.






" Bakit nga ba Jai?"






" Naya!" Nabiglang usal ni Jai sa pangalan ng dating kaibigan. Nilingon niya si Ayi pero kausap nito ang mama ni Zoe na umiiyak sa di kalayuan.





" Kahit ako Jai, nagtaka ako sa ginawang ito ni Zoe. Hindi naman siya suicidal."






" Ano bang alam mo?" Pigil ang boses na asik niya kay Naya.







" Tinatanong mo ba talaga sa akin yan?"







" Cut the crap Naya. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?"






" Ikaw? Ano ba ang huli niyang sinabi bago siya magpakamatay?"





" Naya!"







" O bago niyo siya hinayaang mamatay?!"






Nanlaki ang mga mata ni Jai sa narinig.








" May hiniling siya di ba? "






" Paano mo nalaman ang tung-"







RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon