RRII 9

75 6 0
                                    

Napahinto sa paglalakad si Ayi. Di kalayuan sa kanya, alam niyang kilala niya ang babaeng nakaupo doon.  Pati na ang lalaking kaaalis lang.

Napakunot-noo siya. Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Ang alam niya ay si Zab ang gusto ni Van.

Nagbago na ba ito dahil wala na si Zab at si Naya ang napili nitong ihalili sa puso nito? Ganon lang ba nito kadaling nalimutan ang kababata?

Naikuyom niya ang mga kamay. Hindi siya papayag. Kung totoo nga ang hinala niya kina Naya at Van, pwes pasensyahan na lang. Dahil hindi siya papayag.

Flashback

" Guys feel at home. Magpapagawa lang ako ng merienda ha?" Paalam ni Zab sa kanila.

Agad na nagsiupo sina Jai, Zoe at Naya. Samantalang si Kam ay sumalampak sa sahig at inilabas ang laptop.

Wow ang ganda pala ng bahay nina Zab. At ang laki pa. Wish ko din noon na makatira sa ganito kagandang bahay eh.

Namangha si Ayi habang nakatingin sa napakaganda at mamahaling chandelier. Inilibot niya ang tingin at natulala habang nakatingin sa malaking portrait ng pamilya nina Zab.

Kapwa nakangiti ang apat sa painting. Natigilan siya. Mabuti pa si Zab, buo ang pamilya. Naalala niya tuloy ang tatay niya. Kung buhay sana ito ay masaya sana sila.

Nagningning ang mga mata ni Ayi nang makita ang pagkaing inihanda ng katulong nina Zab. Snacks lang ba talaga ang inihanda nito?


" Ayi okay ka lang ba? Tatapusin pa kasi namin yong project namin eh. Para hindi ka mabore, you can stroll naman here or stay with us. Or you can go outside, may pool doon, pwede kang magpahangin and we have a garden also andoon lahat ng magagandang flowers ni Mom." Ani Zab habang kumakain sila.

" O-okay lang ba sa labas?"

" Of course naman. Mas maganda ang view doon lalo na kapag mag-isa ka lang." Sabi ni Kam na panay ang kagat ng spicy chicken.

" Kung bet mong tumunganga sa amin, okay lang din." Ani Jai na napahagikgik.



Ngumiti lang si Ayi. Sa totoo lang ay hindi siya komportable sa mga bagong kakilala pero nagpapasalamat siya at nakilala ang mga ito. Kahit na alam niyang medyo alangan siya sa mga ito ay hindi siya nagpahalata. Kung tutuusin ay maswerte siya na makasama ang mga ito dahil kahit baguhan pa lang sa University, alam niyang hindi basta-basta ang mga ito.



Alas siete en punto nang matapos sila sa kanilang project. Sila, dahil tumulong na rin si Ayi na ikinabilib ni Zab. Natuwa siya dahil mas bumilis sila dahil sa tulong nito. Ang totoo ay mas matatawag pa ngang project nilang dalawa ni Ayi ang tinapos nila. Wala naman kasing naitulong talaga ang tatlo.




Agad na dumulog sa dining area ang lima para maghapunan nang may dumating na bisita.



" Good evening ladies." Bati ng kararating lang na bisita.



" Uy Van. You're here. " Ani Kam na tinaasan ng kilay ni Kam.



" Ah napadaan lang."


" Sus, dinadalaw mo lang si Zab eh." Ani Naya na nagsandok ng kanin.


" C'mon join us. Kakatapos lang namin gawin yong project. Thanks to Ayi here, mas napabilis pa."

" Oo nga, matalino pala siya." Sabat ni Zoe habang ngumunguya.



" Mas may naitulong pa siya keysa sa 'min. Thanks Ayi ha?"



RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon