RRII 2

193 13 0
                                    

" Oh balita ko eh kinausap ka daw ni Van kahapon? Close na uli kayo? Di ba type na type mo yon?"usisa ni Zoe habang may kinakalkal sa loob ng kanyang bag.

Napaangat ng tingin si Ayi mula sa pagkakayupyop sa kanyang mesa. Kakatapos lang nila sa unang subject ng umagang iyon.

" Sino namang lokaret na nagchismis niyan sayo girl? Like duh? Noon yon hindi na ngayon."

" Sus! Denial ka girl. If I know you're so kilig cause he makes lapit na to you. Aba! It's been 3 months since that incident. I'm so glad nga at lumalapit na siya sa yo kaya meaning, one of these days ay maibabalik natin ang grupo." Ani Jai na salitang itinaas taas ang dalawang kilay.


" Whatever! Mag move on na kayo okay? It's all in the past. If bumalik ang grupo natin then good but please stop talking about that incident."

" Oo nga pala. Sorry. You know, I'm just sad lang kasi nangyari yon but okay sabi mo eh. "

" I've heard, nag-enroll uli si Naya sa University. "

" R-really?"

" Yes. At sa isang reliable source ko iyon nalaman. "

" Di ba mas close kayo non?" Tanong ni Zoe.

" Noon yon. Tsaka pwede ba, wag na nga nating pag-uusapan yon. Eh ano kung bumalik siya? Maybe she has moved on."

" Whatever girl. Nakakaloka kang ka-talk. "

" Speaking of the devil."

Napaayos ng upo ang mga estudyante nang pumasok ang kanilang Prof.



" Students, good morning. We have a late enrollee. I know some of you were familiar to her since dito din siya nag-aral last semester. Miss Fuentes please introduce yourself."

" Uhm hello everyone. I'm Nathalie Yazz Fuentes. Nice to meet you all."


Namutla si Zoe nang makita ang mukha ni Naya. Slowly her face change at gusto niyang maihi sa nakita. Her face became so pale and blood starts to stream from her eyes while eyeing her. She close her eyes for a moment and then sigh in relief. Saka napailing. Bumalik na uli sa dati ang mukha nito.

" Uy di ba siya yong close friend ni Zab? " Bulong ng isang estudyante sa katabi nito.

" Oo natatandaan ko siya. Akala ko nga nag migrate na siya after what happened eh. "

" Nakakaloka yong nangyari kay Zab no? Kung ako din ang napunta sa lugar niya ay made-depressed din ako."

" Shh Tama na nga. Baka marinig tayo."


" Please take your seat Miss Fuentes. And welcome uli dito sa University. Anyway, please get your books. We'll have some discussion and prepare yourselves for a quiz after."


Tahimik na umupo si Naya sa bakanteng upuan katabi ni Ayi. Habang ang huli ay panakaw sulyap ang ginawa sa una.


Nang matapos ang klase ay agad na nagsilabasan ang mga estudyante papuntang cafeteria.

" Ayi, tara na sa cafe. I'm famish na. I'd love to eat carbonara and fries."


" Ah mauna na muna kayo ni Zoe sa cafeteria Jai. Susunod ako."

" Why? Hindi ka sasabay sa amin?"

" May kakausapin lang ako. Paki-order na lang din ako ng food ha? Promise it won't be long."

" Oh! Okay. Let's go Jai. I think she's going to have a lil chitchat with an old friend. "

" Oh Sige. Bilisan mo ha?"

RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon