RRII 7

68 7 0
                                    

Napasigaw sa inis si Jai nang makita si Naya na papasok ng room. Nagulat ang lahat nang mapansin din nila ang ayos nito.

" Wala ka ba talagang ibang trip na babae ka at kinokopya mo talaga siya? Mahiya ka naman ui."

" I don't get you."

" Tanga-tangahan? Playing dumb Naya? Really? Are you a die hard fan? Hindi ka na nakontento na kaibigan lang niya, now tinatry mo din na maging siya? How pathetic!"

Napangisi si Naya. " Affected ka masyado Jai. And no, hindi ko siya kinokopya. Ganito naman talaga ako mag-ayos."

" Oh come on Naya. Stop bullshiting us!  Patahimikin mo na siya!"

" Sino ba ang tinutukoy mong nananahimik?"

" Cut the crap bitch! Wala ka ba talagang magawa at koma-copy cat ka na? Ah epekto siguro ito no? Dapat hindi ka na pumasok pa. Mali ata ang pinasukan mo, dapat sa mental ka dumiretso."

" How dare you!" Galit na sigaw ni Naya na nagpabigla sa kanila.

Parang may kakaiba sa pagkakabigkas ni Naya ng mga salitang iyon. May napatakip ng bibig, may nanlaki ang mga mata at may napahaplos sa mga braso nila.

Napasigaw ang isang estudyante dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya.

" Wala ka na di ba?! Bakit nandito ka pa?!" Malakas na sigaw nito at tinakbo si Naya.

Nabigla ang lahat ng sakalin nito si Naya. Mabilis naman na nakalapit si Van at pilit tinatanggal ang kamay ng babae mula sa pagkakasakal.

" Shit! Let go of her!"ani Van na ginamit ang lakas para matanggal ang kamay nito sa leeg ni Naya.

" P-papatayin kita! Papatayin kita!"tila Wala sa sariling sigaw ng babaeng estudyante.

" Hala anong nangyayari sa kanya?"

" Bakit niya papatayin ni Kate si Naya?"

" Oh my Gosh nakakatakot yong mukha ni Kate. Galit na galit talaga siya o! "

" Naku baka nasisiraan na din ng bait yan."

" Bitiwan niyo ako! Papatayin kitaaaa!"
Nagpupumiglas na sigaw ni Kate.

" Anong nangyayari dito?"

Napatingin ang lahat sa bagong dating na professor. Agad nitong napansin ang isang estudyante na nagwawala at pilit na humuhulagpos sa pagkakahawak ng dalawang lalaking estudyante habang matalim na nakatingin kay Naya na sapo ang leeg at umuubo.


Hindi makapaniwala si Ayi sa nasaksihan. Bakit ang laki ng galit ng kaklase niya kay Naya to the point na sakalin nito ang huli? Napansin din niyang malikot ang mga mata nito. Kapag napapatingin ito kay Naya ay nagwawala naman ito at gusto na namang daluhungin si Naya.

Napaka-odd naman. Nababaliw din ba ang isang ito? Bakit napaka-impulsive niya? Parang anytime soon na mapakawalan siya ay itutuloy niya talaga ang pagsakal kay Naya. Ano ba itong nangyayari?"






" I'm sorry Mrs. Soria. Tumawag na ho kami sa hospital para humingi ng tulong. We couldn't contact you earlier so we have no choice. Nagwawala ho ang anak niyo at nakapanakit na ng ibang estudyante. She even tried to kill her classmate."

" Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa anak kong yon?!"

" May problema ho ba sa inyo Mrs. Soria o si Kate kaya siya umaakto ng ganon?"

" Nitong mga ilang buwan ay napapansin kong palaging binabangungot si Kate. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil sa twing tinatanong ko siya ay hindi naman sumasagot. Pero nitong huling araw, palagi siyang balisa. May time na kinakausap niya ang sarili niya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa anak ko Ma'am."

" Hindi naman ako nagkulang sa kanya. Palagi ko siyang kinakausap pero siya naman ang ayaw makipag-usap. Palagi siyang nagmumokmok sa kwarto niya. At hindi din ako makalaniwala  na nagawa niyang manakit ng kapwa lalong lalo na ang magtangkang pumatay. Mabait ho ang anak ko kaya hindi ko ho maintindihan na nangyayari ito sa kanya."

" Naiintindihan ko ho kayo Misis. Tinurokan ho agad ng pampakalma
ang anak niyo kanina kasi masyado siyang malakas. Yong estudyante na sinakal niya ho ay okay naman na. "

" Naku maraming salamat po Ma'am. Ano po ba ang pangalan ng estudyanteng iyon?"

" Naya po Misis. Paano ho, kailangan ko na pong umalis. Sana ho ay maging okay na si Kate pagkagising niya. "

" Sana nga Ma'am.Mag-iingat ho kayo."



" I still can't get over with what I saw kanina Ayi. "

" Ako din."

" Bakit gustong patayin ni Kate si Naya?"

" Yan din ang iniisip ko. It's odd. Between her and Naya, mas mabait si Naya kaya nakakapagtakang mayroong may galit sa kanya. "

" And naalala mo yong sinigawan niya ako?! Oh my! Isa lang ang kilala kong ganon sumigaw ng ganong mga salita. It's her signature words. Ang creepy. Feeling ko si Zab yong sumigaw eh!"

" Ewan ko Jai. Nitong mga huling araw, everything's odd. Pero ngayon ko lang mas narealized yon. "

" Posible kaya na totoo ang sinabi ni Zoe na nagbalik siya?"

" Jai? Do you understand what you're saying? Kailan pa nagbalik ang patay?"

" Well...pero kasi..."

" O baka naman nagpapanggap lang si Naya bilang Zab? Baka dahil sa guilt kaya binubuhay niya ito. And she want us to suffer too. She want us to feel guilty too."

" Nakakatakot Ayi. I don't want to end up like Zoe. Paano kung sabihin na lang kaya natin."

" Yan ang wag na wag mong gagawin Jai. This is just a trap. Alam naman natin kung ano ang kalalabasan kapag inamin natin ang nangyari."

" Pero ayokong mamatay Ayi. Gusto ko pang mabuhay."

" Ano bang pinagsasabi mo? Walang mamamatay okay? ".

" Eh yong kay Zoe? Paano natin ipapaliwanag yon?"

" We will just say na we tried to save her. We persuade her na wag magsuicide but she's stubborn. We pleaded pero ayaw niyang makinig. And that the reason she committed that were her parents. "

" I-ikaw na ang bahalang magsabi niyan ha?"

" Sure. "

" Kailangan ko munang pumunta ng restroom. Nai-stress ako sa nangyari kanina. Pati na kay Naya."

" Sige. Hintayin na lang kita sa cafeteria."








" Okay ka lang ba?" Tanong ni Van kay Naya nang makaupo sila sa isang bleacher sa ilalim ng isang puno.

" O-okay na ako, salamat."

" Nabigla talaga ako sa ginawa ni Kate. I mean she's not like that. She's a shy person and what she did to you earlier had me taken aback."

" Ako din. She's my blockmate before. She's sweet at palangiti. Hindi ko alam na may galit pala siya sa akin na hahantong sa pagsakal niya. Anong ikinagagalit niya to the point na gusto na niya akong patayin?"

" That I don't know. But know this, I'm here for you. You and Zab were best of friends and everyone who loves her were my friends too. "

" Ang swerte ni Zab sayo no? Pero bakit ganon? Bakit nangyari yon?"

" I...I have to go Naya."

" Okay. Thank you ulit." Aniya na inihatid ito ng tingin. Huminga siya ng malalim. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina.

😘

RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon