RRII 17 (finale)

37 2 0
                                    

Biglang humiyaw si Van kaya napatingin dito si Ayi.

" Damn I am not dreaming! It's really Zabrina! Shit! What the fuck!" Tili ni Van.

Tumalim ang mga mata ni Ayi. Pero napalitan iyon ng takot nang biglang bumalasik ang mukha ni Zab at iwinawasiwas ang latigo at tumama iyon sa binti niya dahilan para mapaluhod siya sa sahig.

" S-shit ang sa-sakiiit."hiyaw niya.

" Hello old friend..." Parang galing sa lupa ang boses na narinig nila.

" Z-zab!"

" Is that really you Zabrina?" Tila ayaw pa ring maniwala ni Van. Kahit nanginginig ay umakma siyang lumapit para rin mapaluhod uli dahil natamaan siya ng latigong hawak ni Zab.

Nanlaki ang mga mata ni Ayi dahil nakita niyang nakalutang ang mga paa ni Zab o Naya. Para siyang mababaliw sa nakita. Totoo ba talaga ito? Paanong nagbalik ito? Paanong naging si Zab si Naya? Multo ba talaga ito? O magic? Totoo ba talaga ang paranormal? Kinukulam ba sila?  Ah hindi niya alam. Gulong gulo ang isip niya. Pero isa lang ang nasisiguro niya, ang takot na unti unting lumukob sa kanya. Gusto na niyang lamunin ng lupa, naghatid ng kakaibang kilabot ang nakikitang galit sa mata ng dating kaibigan. Nakakanginig ng laman, nakakapanindig balahibo ang nakikita niya.

" Zab buhay ka! Thank God!"

Nanlaki ang mga mata ni Ayi nang tingnan si Van. Alam niyang bakla ito pero alam na alam din niyang may puwang sa puso ni Van si Zab. Kahit paano ay may pinagsamahan ang dalawa. Zab was Van's childhood friend or sweetheart. Pero naiinis siya sa inaakto nito. Bakit parang hindi ito salarin ng pagkamatay ng dating kaibigan niya? Nahihibang na ba ito?

Pero nang narealize ni Ayi ang inaakto ni Van ay natawa siya sa isip.

Napapaniwala din ba ang mga kaluluwa o multo?

Van felt his knees trembling. But he managed to control it. Alam niyang pinaglalaruan lang sila ng kaharap. Kailangan lang naman nilang makipaglaro din at makakuha ng tiyempo para mapaikot ito.

Pumaling ang mukha ni Zab at sa isang iglap ay nakalapit na ito kay Van. Sakal nito ang nanlalaking mga mata ng  kababata. Halos mawalan ito ng ulirat nang mapagtantong hindi na nakaapak sa lupa ang mga paa niya.

" Van!" Sigaw ni Ayi. Hindi nga siya pinaglalaruan ng mga mata niya. " Oh my God! Van!"

Parang namanhid si Ayi nang makita ang pagbalandra ng katawan ni Van sa pader. Nahintakutan siya nang makitang napaubo ito ng dugo.

" Z-zab..." Nanghihinang bigkas ni Van.

Lalong nanlaki ang mga mata niya nang makitang sakal sakal ulit ito ni Zab. Ni hindi nga niya namalayan na nakalapit na pala ito.

" V-van...oh my God!"

Unti unti na namang lumitaw sa ere sina Zab at Van. Namumula na ang mukha ng huli dahil sa pagkakasakal at tila mapupugto na ang hininga nito. Marami na rin itong sugat sa katawan likha ng pagkakalatigo dito kanina. Nanginginig sa takot si Ayi. Hindi niya malaman kung natatae ba siya o naiihi lang.

" Z-zabby... I... I'm...I'm so...so-sorry." nahihirapang bigkas ni Van. " S-sorry."

Parang nanlaki ang ulo ni Ayi nang bumulusok paibaba ang katawan ni Van. Nauna ang ulo nito kaya nabali ang leeg at dilat na dilat ang mga mata habang sumasargo sa bibig nito Ang maraming dugo.


Nanginginig man sa takot ay pikit matang tiniis ni Ayi ang sakit at dahan dahang tumayo at tumakbo. Napalingon siya kay Van at nag iiyak habang tumatakbo palayo. Alam niyang siya na ang susunod na pagbubuntunan ng galit at paghihiganti ni Zab.

RESTROOM IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon