Punyemas! Mura ni Dimitri.
Ano bang nakain ng babaing iyon?
Kundi lutong pansit lang naman ni Ka Goring.
Kanina, habang papunta siya ng bayan ay nadaaanan niya ang matanda.
Nagbilin itong daanan siyang muli dahil nagluto raw ito ng pansit para sa panauhin niya.
Kitang -kitang na nagustuhan iyon ni Rose, mukha ngang mahilig sa ganoong pagkain ang babae.
Hindi niya matagalan ang presensiya nito.
Wala itong ginawa kundi ang ngitian siya ng ngitian at tila nananadya pa.
Ang epekto nito bilang babae ay tunay na nakakaligalig.
Hindi nararapat na gawin nito ang mga ganoong bagay.
Dapat ay ikinokonsidera nitong isa pa rin siyang estranghero.
Ngunit sa malas ay sadyang mabilis magtiwala ang babae.
Ang ginawa nitong pagyakap kanina ay isa nang indikasyong
nakuha na niya ang loob at pagtitiwala nito.Saksi siya kung paanong nagliwanag ang nahihintakutan nitong mukha; kung paanong nabuhayan ng loob mula sa
pagka-bagabag.Paano na lamang kung katulad rin siya nila Baltik, pihadong may kinalagyan na ito.
Sinuri niya ang silid, wala sa ayos ang higaan.
Naiwan pa ang bakas ni Rose doon. Para tuloy gusto niyang managhili sa unan at kumot na nagkaroon ng pagkakataon na makaulayaw ang babae.
Nakaramdam siya ng pagpapawis ng noo at pag-init ng pakiramdam.
Anak ng putsa! Masama ito. Wika niyang muli sa sarili.
Sinaway niya ang mga nakakakiliting sensasyong tumatakbo sa isipan.
Ano na lamang ang magiging kaibahan niya kila Baltik kung ganoong
nang ganoon ang magiging reaksyon ng katawan niya kay Rose.Rose...kay gandang pangalan.
Akmang-akma sa babae.
Maganda, mahalimuyak ang naturalesa nitong bango ngunit, naroon ang
'di matatawarang tinik na pumoprotekta dito.Naihagod niya ang kamay sa buhok. Mukhang kakailanganin niya ang masidhing pagtitimpi para sa sarili.
Siya na ang kusang nagligpit ng higaan.
Pagkatapos ay muling lumabas ng silid bitbit ang sniper rifle niya.
Pumuwesto siya sa may sala at inabala ang sarili sa paglilinis ng baril.
Ngunit hindi niya maiwasang sulyapan ang nakatalikod na babae.
Abala na ito sa paghuhugas sa maliit niyang lababo.
Hindi niya maiwasang kumunot ang noo.
Nakapatatakang marunong sa gawaing bahay ang bisita.
Kung ibabase niya sa kung paano ito kumilos ngayon ay malayo sa kung paano ito makipag-usap.
Kanina nang atasan niya itong magligpit ay wala siyang narinig na reklamo mula rito.
Tingin pa nga niya ay gamay na gamay nito ang kumilos sa kusina, tipong sanay sa mga gawaing bahay.
Napansin niyang bumagay ang mura at simpleng kulay dilaw na bestida na umabot hanggang tuhod nito ang laylayan.
Lalong lumitaw ang maputing kompleksyon ni Rose.
BINABASA MO ANG
🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED)
RomanceAng kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na pagm...