Chapter 5

1.7K 83 2
                                    

"Aalis ka?" Usisa ni Rose kay Dimitri.

Katatapos niya lang magligpit at maghugas ng pinagkainan. Isinampay niya ang pamunas na ginawang panuyo ng kamay.

Lumapit siya kay Dimitri na noo'y inabot ang baril nito at isinuksok sa holster sa baywang.

Pagkatapos nilang mag almusal kanina ay pumasok ito ng banyo.

Paglabas ay nakapaligo at nakabihis na.

Pinaglandas niya ang mata sa binata. Suot ang medyo faded na cargo pants.

Itim na kamiseta na pinatungan siyempre
ng paborito nitong leather jacket.

At walang kamatayang combat shoes ang sapin sa paa.

Basa pa ang buhok ni Dimitri kaya't hindi pa nakatali.

May bagong tubo na balbas na hindi na nito pinagka-abalahang ahitin.

Anupa't sangganong-sanggano ang datingan.

He looked more of a dangerously handsome hitman. That makes her swoon over him.

She can't denied her attraction to this daredevil man.

Matagal na niya iyong inamin sa sarili.

Pero hindi ito ang pinapangarap niyang lalaki.

She preferred a well-educated man. Subalit nakialam ang wild niyang puso, sa isang mamamatay tao pa siya nahumaling.

Tiningnan siya ng binata at tumungo.

"Saglit lang ako." Anito.

"Mga ilang oras naman kaya iyang saglit mo?" Tanong niyang nakairap.

Napipikon na siya sa lalaki.

Hindi siya manhid para hindi maramdaman na iniiwasan siya ni Dimitri.

Nitong mga nakalipas na araw ay kausapin dili siya ng lalaki.

Laging siya ang unang nagbubukas ng usapin at nakakapagod mag-isip ng paksa na maaari nilang pag-usapan.

Nahihirapan tuloy siyang maarok ang tunay na saloobin nito.

Hindi umimik si Dimitri sa halip ay inilapag nito sa mesa ang isang pistol.

"Alam mo naman kung paano gamitin ang baril na ito, hindi ba?"

Nagtatakang napatingin siya sa baril.

"Hindi ako sigurado sa oras pero bago lumubog ang araw ay nakabalik na ako," dagdag ni Dimitri.

"Kailangan ko ba talaga ito?" Tanong niya na kinuha ang baril at pinag-aralan.

"Ligtas ka rito, pero mabuti na iyong nakakasiguro at handa ka rin."

Sa sinabi ng lalaki ay dinaluhong siya ng pangamba.

May naa-amoy siyang kung ano at hindi niya nagugustuhan.

Ilang beses na nagpabalik-balik si Bugoy sa bahay, may pinag-uusapan ito at si Dimitri.

Hindi naman niya matukoy dahil laging sa labas ng bahay nag-uusap ang mga ito.

Kung anuman iyon ay pihadong nakasalalay ang kanyang kaligtasan.

"Kung nais mo palang makasiguro ay bakit kailangan mong umalis at iwan akong mag-isa rito sa bahay?"

"Magiging ligtas lang ako pag kasama kita." Mahinang sambit ni Rose.

Hindi malaman ni Dimitri kung ano ang isasagot sa dalaga.

Alam niyang nilulukob ito ng takot.

Ipakita man ni Rose
na matatag ang loob nito ay babae pa rin ito at mahina.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon