Chapter 6

1.6K 91 1
                                    

"Narito lang ako."

Anang boses na nagpalingon kay Rose.

Naa-aninag niya sa dilim ang bulto ni Dimitri.

Naninigarilyo ang lalaki at nakaupo sa bangkong kawayan habang nakasandal sa may pader ng bahay.

Nang maramdaman niyang tahimik at wala nang paggalaw sa sala ay nagsimula siyang kabahan.

Agad siyang lumabas ng kwarto, tahimik at malinis na sa kusina ngunit wala ang lalaki.

Mabilis niyang tinungo ang pinto palabas.

At dahil sa pag-atake ng nerbiyos ay hindi niya napansing nasa tabi lang ang binata.

Marahil ay nagpapatunaw ng kinain o nagpapahangin.

Humakbang siya pabalik, gumaan ang loob at naglaho ang takot.

Kanina sa silid ay tumaas-baba ang dibdib niya sa iba't-ibang emosyong naramdaman.

Nagpapadyak siyang parang bata, nakakatawa.

Tunay na naiwala niya ang composure.

Oo, aminado na siya.

Nagseselos nga siya kay Lita.

Para siyang batang inagawan ng paboritong laruan sa unang pagkakataon.

Laruan?

Ang laruan ay maaari mong ipahiram o ipamahagi sa iba.

Hindi niya maaaring ihalintulad ang katulad ni Dimitri sa isang laruan.

Ang tipo nito ay yaong kadamot-damot ibahagi sa kung sinumang babae.

Ang tanong kanya ba ang lalaki?

Nasa bukana na siya nang maudlot sa pagpasok sa bahay.

Narinig niyang nagsalita si Dimitri.

"Siguro naman maige ka na? Maaari na ba tayong mag-usap?"

Unang approach iyon ng binata kaya hindi agad siya nakatugon. Sadyang nakakapanibago.

Umusog si Dimitri upang bigyan siya ng espasyo na makaupo sa tabi nito.

Walang pag-aalinlangan na inokupa niya ang pwestong binakante nito.

Pinuno ng katahimikan ang sumunod na mga sandali.

Pareho silang nagpapakiramdaman.

"Galit ka pa ba?" si Dimitri.

Marahan at sunod- sunod na iling ang ginawa niya.

Para tuloy siyang batang sinesuweto at naghihintay na maparusahan.

Naramdaman niya ang paggalaw ng lalaki, nagbago ito ng posisyon.

Nakita niyang itinukod ni Dimitri ang mga siko sa tuhod.

Nailang siya, kahit latag ang dilim ay ramdam niyang nakatitig ito sa kanya.

Ang mga mata nito ay nagkulay ginto sa dilim.

Mga matang mahihintakutan ang sinuman 'pag nakita itong nag-aapoy sa galit.

But for her those pair are perfect indeed.

Nakakalunod, at nais niyang siya lamang ang tinititigan ng mga matang iyon.

"I'm sorry, I almost lost my temper."

"Wala iyon."

Pinitik nito ang natitirang upos ng sigarilyo.

Tumingala sa langit at nagpakawala ng malalim na pag-hinga.

Ramdam ni Rose na may bumabagabag sa lalaki.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon