"This is the last thing he wanted?"
Alexander gritted his teeth.
Muling pinasadahan ang bahagi ng testamento kung saan nakasaad ang kahilingan ng ama.
"To baby sit his child?" Naikuyom niya ang mga palad.
"Are there options we can do, Lance?" Baling ni Alexander sa kaibigan.
Kasalukuyan silang nasa opisina at nire-repaso ang will na iniwan ni Don Manolo.
Humarap si Lance kay Alexander. Inayos ang salamin at nagde-kuwatro.
"Afraid so Xander, but the will is authentic," sagot ni Lance.
"Wala akong makitang butas na maaaaring magamit upang mabago ang nilalaman," paliwanag nito.
"Isa pa, iyan ang pinakamahalagang bagay na ipinakiki-usap ng iyong ama na kailangan mong sundin," seryosong sagot ni Lance.
"And one more thing lest you forget, your father not only wants you to baby sit his child, he also demands you to marry his woman," wika pa ni Lance.
"Nang sa ganoon ay maging totohanang legal ang pagiging Zaavedra ng bata,"
pa-alala ng kaibigan."That's ridiculous! Marrying his trash? He's crazy," padabog na reaksyon ni Alexander.
"Why the hell not? Kung diyan nakasalalay ang mga mamanahin mo?" Diin ni Lance. "Isa pa..."
A mischievous smile formed in Lance mouth.
"Don't you find her interesting? Your father had a taste in choosing women," nakangising sagot ni Lance.
Alexander chuckled with astonishment written in his face.
"Come on, Alexander. Baka akala mo ay hindi ko pansin ang mga panakaw mong sulyap kay Ms. Montilla?" Biro ni Lance.
"She only intrigues me. That's all," pangangatwiran niya.
Sukat humulakhak si Lancelot.
"I know that kind of look. Intrigue by her flawless skin huh?" He teased.
"Shut up," angil ni Alexander.
Lance continued grinning .
" Anything you say man. anything you say," biglang seryoso sagot ni Lance.
Alexander shrugged his shoulder and also grinned.
Mapapasubalian niya ba ang sinabi ni Lance kung maging ito ay napansin ang katangiang iyon ng babae.
"Hey, have you noticed her reaction everytime she took a glance at you?" Buweltang sambit ni Lance kay Alexander.
"May mga kakaiba sa mga titig niya. Something weird, I should say," Lance added seriously.
Natigilan si Alexander.
Hindi lang pala siya ang nakapansin sa bagay na iyon.
Sa burol ng ama ay talo pa ni Rose ang natuka ng ahas sa pagkakatitig sa kanya.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay dagling tinakasan ng kulay ang mga pisngi nito.
Bagay na labis niyang pinagtatakhan.
"Talo pa niya ang nakakita ng multo sa tuwing napapatingin sa iyo," wika pa ni Lance.
Kibit-balikat na sumandig sa swivel chair si Alexander at hindi na pinansin ang obserbasyon ng kaibigan.
"Hindi naman sa pinagtatabuyan kita attorney, but there's a lot of work to do," putol niya sa kaibigan.
Gusto na niyang tapusin ang usapin patungkol sa babae ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED)
RomanceAng kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na pagm...