Chapter 10

1.8K 93 1
                                    

"Alexander at Rose sa bisa na iginawad sa akin ng Saligang Batas, kayong dalawa ay idini-deklara kong tunay nang mag-asawa." pagtatapos ni Judge Arevalo sa seremonya.

Si Rose ay labis ang nadaramang tensyon.

Kanina pa niya hindi maunawaan ang sinasabi ng hukom.

Napakislot siya nang maramdaman ang paggagap ni Alexander sa mga palad niya.

She slowly looked up to him.

Ubod tamis sa pagkakangiti ang lalaki.

She gasped by the sight of his handsome profile.

Marahan siyang hinawakan ng lalaki sa magkabilang pisngi.

Kung pagsuyo man ang nababanaag niya sa mga mata nito ay hindi niya mawari.

He vows his head to give her a tender loving kiss.

Ganun naman, 'di ba bibigyan ka ng marubdob na halik ng iyong napangasawa.

Bilang parte ng seremonya.

Mariin niyang naipikit ang mga mata nang lumapat ang mga labi ni Alexander.

Nagtagal din ng ilang minuto ang mga halik nito.

Nang unti-unti siya nitong pakawalan ay gusto niyang madismaya.

Siya na rin ang napahiya sa naisip.

Binati at kinamayan sila ni Judge Arevalo.

At maging ni Lance na siyang tumayong witness sa kasal.

Sa tulong ng abogado ay mabilis na nai-proseso ang kanilang kasal ni Alexander.

Ngunit nanatiling lutang ang isip niya sa mga nangyayari.

Animo bagyo sa bilis ang pagdating; sin lakas ang bugso at nang humupa ay nakaka-tuliro.

'Rose," bulong ni Alexander.

Nagtatakang nilinga niya ang lalaki.

Umangat ang mga kilay ni Alexander at nag-isang linya ang mga 'yon.

Nagtatanong ang mga mata nito.

Kumibot-kibot ang labi na tila may itinuturo.

Subalit napatitig lamang siya sa lalaki na tila na-hipnotismo.

Hindi niya magawang lubayan ito ng tingin.

Tama ba ang rinig niya sa judge asawa na niya ang kaharap?

"Ah... Mrs. Zaavedra maaari niyo nang pirmahan ang kontrata ng inyong kasal,"
anang staff ni judge na pumukaw sa kanyang ulirat.

Namumula ang pisnging binalingan niya ang may edad nang babae.

Inalis niya ang pansin kay Alexander na nahuli niyang nangi-ngiti.

Itinuon niya ang mata sa kasunduang nasa harapan.

Pirmado na iyon ni Alexander at kanya na lang ang kulang upang masa-pinal ang sertipiko.

Sa nanginginig na kamay ay nagsimula siyang pumirma.

She took a deep breath after.

"Congratulations, darling!'

Boses na nag-echo sa buong silid.

Sabay-sabay silang napalingon sa pintuan.

Ang babae ay isa na ata sa may pinakamagandang mukha na nakita ni Rose.

Ang suot nitong itim na bodycon off-shoulder dress ay hakab na hakab sa maganda nitong pigura.

Kapara nito ay modelong hinugot mula sa kilalang Playboy magazine.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon