Chapter 11

1.7K 94 13
                                    

Mula sa simbahan ay tumuloy si Rose sa hotel kung saan ang wedding reception.

Katatapos lang ng magarbong kasal ng tanyag na siruhano na si Clark Zantillan at ng pamosong modelo na si Anya Collins.

Dinaluhan ito ng mga kilalang personalidad at malalapit na kaibigan ng pamilya.

Sa seremonya ay hindi niya maiwasang humanga sa ikinakasal.

Isa sana sa major sponsor ng mga ito si Don Manolo kung nagkataong nabubuhay pa sana.

Sa isiping iyon ay hindi niya maiwasan  ang malungkot.

Pinagmasdan niya ang magkapareha.

Bagay na bagay sa isa't-isa.

At last the playboy bonafide finally met his match.

Nag-plaster ang ngiti sa kanyang mga labi.

Minsan nang naging laman ng article niya si Anya Collins. At labis siyang pinahanga ng babae.

Sino ang hindi mabibighani rito?

She's a tough woman.

So beautiful inside and out.

Higit sa lahat napakasimple at napakababa ng loob.

Hindi naging lingid sa kanya ang istorya  ng dalawa.

Love, hatred and survival.

Till love wins.

Rose sighed.

Mag-isa siyang dumalo sa kasal, kahit na naka-address sa kanila ni Alexander ang imbitasyon.

Ayon sa lalaki, may mahalaga itong aasikasuhin.

Kaya hindi siya masasamahan sa simbahan.

Mangyari ay susunod na lamang daw ito sa reception.

Hindi na niya pinilit si Alexander.

Wala namang kaso kung mag-isa lang siya.

Nandiyan naman si Mang Berto para  ipagmaneho siya.

Nitong mga nakalipas na araw ay pansin niya ang palagiang pag-iwas ni Alexander.

Magkasama nga sila sa silid, subalit ni hindi naman sila nagpapanagpo.

Maaga lagi itong umaalis ng mansion at late naman umuuwi sa gabi.

Minsan ay nakatulugan pa niya ang paghihintay sa lalaki sa sofa sa kanilang silid.

Nais niya sanang makausap ang asawa.

Gusto niyang malinawan sa itinatakbo ng kanilang pag sasama.

Ngunit paggising niya kinabukasan ay wala na rin ito sa kama.

Halatang sinasadya nito ang bagay na iyon.

Kung mayroon man itong hindi nakakaligtaan gawin,
iyon ay ang responsibildad nito kay Raven.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang madalas na pagkikita nito at ni Avira.

Lagi na'y magkasama ang dalawa. 

At hindi i-ilang beses na gustong mag-dalamhati ng puso niya.

Inaamin na niya ang pagkahulog ng damdamin kay Alexander.

Sa reception ay hindi maiwasang mamangha ni Rose sa stunning floral  wedding design nito.

Sinunod nito ang pagkahilig ng modelo sa mga bulaklak.

Tahimik lang siyang nakamasid sa paligid.

Kanya-kanyang kuwento ang mga bisita.

Batian dito, beso roon.

🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon