Tunog nang pumaradang sasakyan ang naulanigan ni Rose mula sa labas.
Lumapit siya sa may bintana at sumilip sa munting siwang na ginawa.
Isang Lexus RX ang natanaw niyang nakahimpil sa 'di kalayuan.
Napangiti siya nang bumaba mula roon si Dusan Aguirre.
He looks stunningly handsome in his off-white suit.
Mag-isa lang ang lalaki at wala ni isang bodyguard na kasama.
Limang taon ang nakalilipas ay nakilala niya si Dusan sa isa sa mga press conference sa Cotabato.
Bagong halal pa lamang noon ang lalaki bilang alkalde ng San Fabian.
Bagama't bago sa larangan ng public service ay umani ito ng mga papuri't parangal.
Kinakitaan niya ng kababaan ng loob ang lalaki. Maginoo subalit mabalasik.
Napatunayan niya iyon nang minsang bastusin siya ng isa sa mga kaalyado nitong congressman sa isang ambush interview.
Medyo lasing na noon ang nasabing pulitiko.
Sa pag-akalang isa lamang siyang ordinaryong mamahayag sa crowd ay naging bastos ang lalaki sa mga pahayag nito sa ginawa niyang panayam.
Hindi nakatiis ang kaibigan at walang pag-aatubiling binasag nito ang mukha ng nasabing bastos na kongresista.
Aktibo rin ang binatang alkalde sa mga livelihood program upang sa ganoon ay magkaroon ng hanap-buhay ang mga maralitang mamamayan.
Pangunahing adbokasiya at aspirasyon rin ng butihing alkalde ang pagmamantine ng peace and order sa bayan.
Tungo sa mapayapang kapaligiran at makataong komunidad.
Hindi lingid sa lahat na naging balwarte ang San Fabian ng mga makakaliwang kilusan.
But what she admires him most is his ability to inspire others.
He will also make tough decisions.
At ang walang kamatayang integridad nito.
Napahanga siya ng batang alkalde Kaya naman ay nakuha nito ang simpatya niya.
Nagkapalagayan sila ng loob ni Dusan at naging malapit na magkaibigan.
At ngayon nga ay sinusundo siya ng lalaki upang dumalo sa isang pagtiripon.
Wala raw itong makuhang companion kung kaya't pinakiusapang siyang samahan ito sa gabing iyon.
Hindi siya naniniwala sa kaibigan.
Ito pa ba ang mawawalan ng kapareha?
Sa dinarami ng mga nahuhumaling sa alkalde, ilang beses na ba siyang napagtaasan ng kilay ng dahil sa kaibigan niya.
Namilog ang mata niya nang kumaway ang lalaki.
Mukang napansin nitong nakamasid siya mula sa bintana.
Nagmamadaling inabot niya ang sling purse na nakasabit sa likod ng pintuan ng kanyang kuwarto.
Pinulot ang sandalyas sa lapag at nagmamadaling isinuot iyon.
Bago tuluyang lumabas ay binistahan niya ang sarili sa salamin.
Napangiti siya nang makita ang sariling repleksyon.
Isang white formal crop top and pants terno coordinates ang naisip niyang suutin.
Alinsunod sa tema ng pagtitipon.
BINABASA MO ANG
🌹The Forgotten Love🌹 (COMPLETED)
RomanceAng kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na pagm...