Umabot ng isang linggong gano'n ang setup. Nakayanan naman iyon ni Wendy dahil kita niya naman na nagsusumikap na si Felix para sa kanila ngunit alam ni Wendy na hindi 'yon sapat para sa gastusin sa bahay. Hindi naman pwedeng bumalik siya doon sa dati niyang pinagtatrabahuhan at baka malaman ni Felix ito kung kaya't naghanap siya sa mga jobsite. Ang daming trabaho ngunit puro full time ito, 7 to 7. May mga part time naman pero ang lalayo. Hindi maaari dahil lihim lamang iyon ni Wendy sa kanyang boyfriend.
Sumuko naman si Wendy sa paghahanap at tumayo muna saglit para kumuha ng maiinom at pamaypay saka bumalik sa paghahanap. Damang dama nito ang init dahil sa wala paring kuryente. Hindi pwedeng sumuko siya agad kaya nagbrowse lang ng nagbrowse si Wendy hanggang sa marating niya na 'yung dulo. Sakto namang may nakita siyang tutorial center sa jobsite na 'yon. 9 am to 3 pm lang ang oras ng pasok. Hindi na nagdalawang isip si Wendy na mag-apply sa site na nakita.
Tumayo ito sa pagkakaupo at pumunta sa kanilang kwarto ni Felix. Napadapo naman ang kanyang mga mata sa closet nila. Walang pasubaling binuksan niya iyon at tumambad ang mga magaganda nitong mga dress. Kailan nga ba ako huling nagdress? Tanong pa ni Wendy sa kanyang sarili.
Kinuha nito ang ilan sa mga gamit at dinala sa may sala para mapicturean. Mga dress na sa tingin niyang hindi na magagamit, mga bag, at mga sandals na maliit na sa kanyang paa. Matapos niyang picturean ito, ay agad niya itong pinost sa bentahan online app. Kakapost pa lamang niya ay marami nang nagtanong about dito at 'yung iba naman ay nagmine na. Mahigit tatlong libo din 'yon kaya agad niyang itinabi 'yung pera, ilalabas niya na lamang ito kapag inabutan na siyang sweldo ni Felix para pangbayad ng mga utang dito sa bahay.
Dumating ang mga araw at nakakapagbenta si Wendy ng mga gamit niya. Maging ang kanyang mga make-up ay ginive up niya na para lamang magkaroon ng pera. Halos mangonti ang kanyang gamit kaya unti unting nagtakha si Felix dito.
"Bakit parang nangongonti 'yung mga gamit dito sa bahay?" nakakunot na tanong nito habang naglilikot ang kamay na parang may hinahanap.
Kabado namang humarap dito si Wendy at agad na nakaisip ng palusot. "Naglinis kasi ako dito sa bahay, hon. Wala naman akong magawa kaya tinapon ko na 'yung mga iba kong gamit."
Tumango tango naman si Felix bago umalis ng bahay para pumasok sa kanyang trabaho. Si Wendy naman ay nag-ayos na para sa kanyang pagsusulit. Dahil sa perang naipon nito ay nakabayad siya sa mga utang nito sa school kaya allowed siyang magtake ng exam.
Matapos niyang magtake ng exam ay sakto namang nagring ang kanyang phone dahilan para malaman na may nagnotif. Isang napakagandang balita para ngayong araw dahil minessage siya ng pinag-applyan niyang tutorial center. Halos umabot hanggang tengga ang kanyang mga ngiti pero nawala din iyon ng mapagtantong hindi niya pala maipagmamalaki iyon sa kanyang boyfriend.
Isinuot ni Wendy ang pinakaformal niyang dress. Pulbo at lipstick lang ang meron na lang siya dahil lahat ay binenta niya. Sinuklay nito ang mahaba niyang buhok na hanggang bewang. Mahaba pa ang oras kung kaya't dumeretso siya sa salon para ibenta ang kanyang buhok. Ang mahaba niyang buhok na dati hanggang bewang ay ngayo'y hanggang batok na lang. Pinagupit niya ito ng pixie cut na siyang bumagay naman sa kanya dahil sa ganda ng hugis ng kanyang mukha.
Pagkarating doon ni Wendy ay masigla siyang binati ng mga teachers doon hindi tulad sa mga taong nasa condominium, na magaspang ang pakikisama.
Nagalak naman si Wendy sa kanyang nasilayan. Ang daming bata sa bawat kwarto. Eto ba ang kanilang mga tuturuan?
"Ms. Wendelle Laciste?" isang guro ang lumapit sa kanya na nakangiti. "I'm Cindy Santos. Samahan na kita, kahit na maliit 'to ay baka malito ka." pabirong sabi nito dito. Pumayag naman si Wendy dito at sinuklian niya ng mga ngiti.
Habang papunta sila sa faculty ay nagkuwento lang si Cindy para hindi ma bored ang kasama. "4 months na rin akong nagtatrabaho dito. Sobrang matutuwa ka sa mga batang nandito, puro disiplinado, kaunti na lang ang mga hindi mapagsabihan pero makakaya mo 'yon." May humarang naman na bata sa dadaanan nila kaya nainterrupt si Cindy sa kanyang pagkukuwento.
"Titser, cr." sabi ng batang lalaki habang hawak hawak ang maselang parte. Nakatingin lang kay Wendy 'yung bata na tila nababaguhan sa kanyang paningin.
"Dadalhin ka namin ng bago mong teacher sa CR ha, siya si Ms. Wendelle. Be good, okay?" hinawakan ni Cindy ang kamay nito at dinala nito sa banyo.
"Tenkyu, mam and mith Wendel." magalang na sagot ng bata matapos siyang madala sa banyo.
Nagpatuloy naman si Cindy sa kanyang pagkukuwento na siyang ikina-interesado ni Wendy. "Dati akong nagtatrabaho sa Klient as a room attendant. Mga 6 months din itinagal ko doon sa condo na 'yon."
"Cindy name mo 'di ba?" tanong ni Wendy dito. Tumango lang si Cindy dito na may halong pagtataka. "I think I heard your name somewhere sa condo." si Wendy na pilit inaalala kung saan niya narinig ang pangalan ni Cindy. "Oh, room attendant ka ba sa room 416?"
Nagtaka naman si Cindy dito. "Why do you know?"
"Unang pasok ko doon ay na-assign ako sa room 416, I think hinahanap ka noon ng may-ari ng unit na 'yon." pagkukuwento dito si Wendy.
Natahimik naman si Cindy kung kaya't tumigil sa Wendy sa kanyang pangungusisa.
"Walang tumatagal sa room na 'yon dahil sa ugali rin ng may-ari. Nagtakha nga ako nung unang apply ko, they didn't ask about my educational background, tinanong lang nila kung marunong akong maglinis ng inidoro." nagulat naman si Wendy sa kinuwento ni Cindy. Ganoon din ang kanyang naranasan nung unang mag-apply niya dito. "Ayun pala ay naghahanap na sila ng bagong room attendant sa room na 'yon. Tsaka malibog 'yung may-ari don, kaya mabilis ako maglinis no'n."
"Mabuti na lang ay nagre-sign na ko." nawala na ang hinayang ni Wendy sa condo na 'yun ng malaman nito ito kay Cindy.
"Oo, mabuti nga. Ang daming opportunity para maggrow dito tsaka mabilis makaipon." ani Cindy. "Tsaka ang daming pumupunta dito na galing Klient(condo), isa na ako. Kaya I'm sure mabilis ka lang makaka-adapt dito. Madali lang silang pakisamahan. Gaya mo rin sila, mga may anak o kaya iniwan ng asawa."
Agad naman na nagreact si Wendy about sa huling sinabi ni Cindy, "Ay hindi naman gano'n. Boyfriend pa lang meron ako, live-in partner."
"Ay gano'n ba? Sorry." natawang pagpapaumanhin nito dito. Hinawakan na ni Cindy ang doorknob at binuksan niya ito. Bumungad naman ang maingay at nagsisiyahang mga tao sa faculty.
"Good morning! This is Ms. Wendelle Laciste, ang bago nating makakasama." pakilala ni Cindy dito.
Ramdam na ramdam ni Wendy na welcome na welcome siya dito kung kaya't labis ang galak nang dito siya magtrabaho at sa gitna ng kasiyahan ay may tumawag sa kanya kaya agad naman siyang nagpaalam sa mga ito.
"Oh, hi, hon." kinakabahang bati nito. Ang kanyang mga palad ngayon ay basang basa. Baka kasi marinig nito ang ingay ng mga bata na nanggagaling sa kabilang kwarto.
"Nasaan ka?"
Halos mawalan ng kabog ang kanyang dibdib sa narinig niyang tanong ni Felix. "S-Sa bahay."
"Pauwi na 'ko. I'll be there in a minute, nasa Lahore na 'rin ako."
Halos magulantang si Wendy sa kanyang narinig at agad na kumaripas ng takbo sa hallway. Hindi na siya nakapagpaalam at ang tanging nasa isip niya ay makauwi ng bahay.
BINABASA MO ANG
A Million Dreams [Completed] - Revision
Short StoryA couple was recognized as happy and ideal, realizing all of their goals and aspirations in tandem. What happens to a union that was once strong and united when one person leaves? Will they ever reach the very top of their dreams? ©2020