Chapter Seven

27 7 0
                                    

Nang magising si Felix ay halos mapahiyaw ito habang hawak ang kaniyang ulong nananakit dahil sa hangover . Nagising naman si Wendy sa hiyaw ni Felix kung kaya't tinanong niya kung anong nangyari dito. Hindi naman umimik si Felix at umalis na lang ng kwarto at pumunta sa ibaba.

Sumunod naman si Wendy dito. Walang imik si Felix na nagbibihis habang nakaharap sa salamin maging si Wendy ay tahimik siyang pinanonood sa ginagawa. Tumingin sa kanya saglit si Felix at umiwas din.

"Hon, okay ka na ba? Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?"

"Ayos na 'ko, gastos lang 'yan."

Natahimik naman si Wendy sa sinabi ni Felix bago umalis ng bahay. Gustong umiyak ni Wendy sa mga oras na 'yon pero pinigilan niya ito at nagsimula nang mag-ayos para sa kanyang trabaho.

Si Felix naman ay hindi dumeretso sa kanyang trabaho bagkus ay sa mga kaibigan nito. Nakahanda na ang mga alak at ang bilyar para laruin. Isang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Felix bago humawak ng alak at itinagay ito.

Hindi lang bilyar ang kanilang ginawa pati na rin ang pagsusugal gamit ang baraha. Madami rin siyang nainom na alak kung kaya't napakalakas ng loob nito na pumunta sa bar na kanyang pinagtatrabahuhan. Pumasok ito sa bar at doon nagwala. Hinagis niya ang mga upuan doon at nagsisisigaw.

"Mga hayop kayo!" madaming nagsitabing mga tao na kanina lang ay panay ang indak sa gitna. "Mga hayop!" nagtatangis na sigaw ni Felix sa mga ito kasabay nang pagtumba niya ng lamesa na may mga pagkain at wine. "Ano bang kasalanan ko sa inyo?!"

Agad namang pumunta doon ang mga bouncer para awatin siya nito pero nagpupumislas siya't natamaan sa leeg ng relo ng bouncer. Lumapit na rin ang mga waiter na nakakakilala kay Felix doon para umawat at sila na mismo ang umasikaso dito. Ipinasok naman siya sa loob at kinausap.

"Pre, lasing ka na." ani Romeo. "Mabuti pa ay akin na ang contact number ng girlfriend mo para—"

"Bakit? Bakit nila ako tinanggal sa trabaho?" pagmamaktol ni Felix. Tatayo pa sana ito para pumunta ulit doon pero agad na itong pinigilan ni Romeo. "'Wag mo ko pigilan, pare."

Hindi ito nagpatinag at pilit pa ring pinapakalma ang lasing na si Felix. "Bakit nila ako tinanggal? Eh pinagtanggol ko lang naman si Grace. Isipin mo pare, kapag girlfriend mo 'yon, anong gagawin mo? Syempre susuntukin mo, gugulpihin mo." paliwanag ni Felix dito.

"Oo, pare, tama ka. Pero problema na ni Grace 'yon. Hindi ka dapat nangialam lalo na't mayaman ang nakatapat mo. Ayan tuloy..."

"Edi sinasabi mong dapat hinayaan ko siya?" iyak tawa nitong tanong kay romeo. "Ikaw pala 'yung baliw. Sumama ka sa kanila!"

Nagsasalita pa si Romeo na tiyak na ikabubuti ni Felix pero ngunit isa ay wala itong pinakinggan at umalis na ng bar. Bago pa man makaalis ay hinagis nito ang nakuhang baso sa loob ng bar na siyang nakakuha ulit ng atensyon sa mga taong nandoon saka umalis.

Madaling araw na nang makauwi si Felix sa kaniyang bahay. Pagkabukas ng ilaw ay bumungad sa kanya ang tulog na si Wendy na tila nag-aabang sa may sala. Gegewang gewang itong pumasok at dumeretso kay Wendy na himbing na himbing sa pagtulog.

Hinalikan niya ito na siyang nakagising kay Wendy. "Felix, saan ka galing?" tanong ni Wendy na tila inaantok pa. "Bakit amoy alak ka?"

"Trabaho. Hik!"

"Bakit madaling araw ka nang umuwi?" hinaplos ni Wendy ang mukha nito at inayos ang magulo nitong buhok na tumatakip sa mukha ni Felix. "At saka ano ba 'yang kalmot sa leeg mo?"

Inalis naman ni Felix ang pagkakahawak sa kanya ni Wendy. "Wala 'to. Hik! Pasyon 'yan." hinalikan niya ulit si Wendy. "Tara sa kwarto!" pilit niya namang binubuhat si Wendy ngunit nagpumiglas ito.

"Umayos ka nga, Felix." reklamo nito at tumayo. "Bukas mo na 'ko kausapin kapag hindi na alak dumadaloy sa utak mo." at saka ito umakyat sa kwarto.

Naiwan naman si Felix na tumatawa at doon na natulog sa couch. "Aylabyu!" pahabol na sigaw nito bago makatulog.

Paggising ni Wendy ay naabutan niya si Felix na patapos ng nagbihis. Napatingin si Felix sa kanya gamit ang salamin bago siya hinarap nito at nagpaalam na papasok na. Napatingin pa ito kay Wendy bago tuluyang makaalis ng bahay.

Dahil wala nang trabaho si Felix ay nagapply siya sa iba't ibang company as a Customer Service gamit ang perang natira nung huling sahod pa niya. At dahil sa marami ang applicant ay napakatagal bago siya natawag. Maraming oras ang nasayang sa paghihintay. Maaga nga siyang pumunta ngunit tanghali na siya nung tinawag. Hindi siya natanggap sa una niyang pinag-applyan dahil bagsak siya sa online assessment. Tanging 53% lamang ang nakuha nito, kulang na kulang pa sa passing rate kung kaya't naghanap pa ito ng maaapplyan.

Halos mawalan na ng pag-asa si Felix sa araw na 'yon at tanggapin na lang na sumusuko na siya. Umupo siya sa tabi ng kalye, gutom na gutom at uhaw na uhaw.

Sa gitna ng kanyang pagpapahinga ay may tumawag sa kanya ngunit hindi 'yon pinansin si Felix dahil sa sobrang kalungkutan. Yumuko na lamang siya at sumusuko na. Sabihin ko na kaya kay Wendy? Ilang linggo na kong walang trabaho.

Natigilan naman siya nung may tumatawag ulit at tiningnan niya na iyon. Si Wendy. Agad naman niya itong sinagot. "Hon... nasa trabaho ako—"

"Hon, nasaan ka? May naghahanap sa'yo dito. Mga pulis. Ano bang ginawa mo?" Mangiyak ngiyak ang tono ni Wendy sa kabilang linya na tila hindi alam kung anong gagawin.

Napatayo si Felix sa sinabi ni Wendy at agad na tumakbo para sumakay ng bus. "Pauwi na 'ko, okay? Kalma, hon. Wait mo 'ko, nakasakay na 'ko ng bus."

Ilang sandali pa ay nakarating na rin si Felix sa bahay nila. May mga pulis sa labas kung kaya't dumaan siya sa may bintana ng second floor. Nang makita niya si Wendy ay agad niya itong niyakap. "Magpapaliwanag ako mamaya, hon."

Pumunta sila sa baba para kausapin 'yung mga pulis. "A-anong kailangan niyo?"

"Ikaw ba si Feliciano Arquiza?" tanong ng isang police dito.

"Oo, ako nga po." kinakabahang sagot nito.

"Hinuhuli ka namin sa kasong assault at destruction of bar's equipment." Agad naman itong pinosesan.

"Teka, teka. Wala naman akong nasaktan ha? Ipinagtanggo—" hindi na natuloy ni Felix ang kanyang sasabihin ng hilain siya palabas ng bahay.

"Sa presinto ka na magpaliwanag."

"Wendy!" sigaw nito. Umiiyak na lamang si Wendy na inaawat ng isang police. Pilit na inaabot nito ang kamay niya kay Felix ngunit wala naman itong nagawa dahil nakaposas ang parehong kamay nito.

"Felix!"

A Million Dreams [Completed] - RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon