Chapter Nine

18 7 0
                                    

Pagkauwi ni Wendy sa kanilang tahanan ay nadatnan niya na lang si Felix na tulog na. Pinagmasdan niya ito ng matagal saka hinalikan sa noo. Humiga siya sa tabi nito at niyakap. Umiiyak si Wendy'ng namahinga sa gabing iyon.

Pagkadilat ni Felix ay naabutan niya si Wendy na nakayakap sa kanya. Agad niya naman itong tinanggal at bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi man lang nito tiningnan si Wendy bagkus ay nakita nito ang nakasabit na uniporme ni Wendy na galing sa bar. Galit na tumingin si Felix sa walang kamalay malay na si Wendy. Agad niya itong ginising gamit ang kanyang paa.

Nagising naman si Wendy at agad na napabalikwas. "Gising ka na pala." yayakap na sana si Wendy dito ngunit umiwas si Felix. Natahimik naman si Wendy tungkol dito kung kaya't isinantabi niya muna ang pananabik sa kasintahan. Bakit ba ito galit?

"Hindi ko alam na nagtatrabaho ka pala sa bar na ganito ang uniporme. Anong klaseng babae ka Wendy? Kating kati ka na ba?" masasakit na salita ang ibinato ni Felix sa dalaga.

Hindi nakapagsalita si Wendy dahil tila parang nawalan ito ng boses. Yumuko na lamang ito at dinibdib ang sinabi ni Felix.

Bumaba na lang si Felix at nagtungo sa sala. Inis na inis niyang binuksan ang ref at tinungga ang bote na punong puno ng tubig. Pilit na pinapakalma ang sarili sa ginawa ni Wendy.

Hapon na ng bumaba si Wendy bitbit ang uniporme sa bar. Hindi siya kumain ng tanghalian pero si Felix ay nakakain na gamit ang perang ibinigay sa kanya ni Grace. Isang order ng kanin at ulam. Wala man lang natira sa girlfriend nito.

"Oh, saan ka pupunta? Sa punyetang bar? Doon ka magpapatira ulit?"

Pinigilan ni Wendy ang pag-iyak. Ngayon lang siya tinrato ni Felix ng ganito at hindi niya alam kung bakit. "I-isasauli ko lang 'yung uniform."

"Sinungaling." ani Felix. "Bilhan mo ko ng maraming alak pagtapos ka nang magpakaputa." walang pusong sabi nito sa girlfriend.

Hindi na siya pinansin ni Wendy at umalis na lang ng bahay. Isinauli niya na ang uniforme sa bar at nagpasalamat sa mga crew. Dumaan na rin siya kay Cindy para bayaran ang kaniyang utang. Ngumiti na lamang ito kay Cindy na pilit siyang pinapapasok sa kanilang bahay para makapagkape.

"Sa susunod na siguro, Cindy. Kailangan ako ni Felix ngayon." dahilan nito na siyang inaprubahan naman ng kaibigan.

Pagkauwi ni Wendy ay nadatnan niya si Felix na natutulog sa sala. Nakabukas lang ang TV na tila natulugan nito. Kumuha naman ito ng kumot sa taas para may ipangkumot kay Felix. Nang maikumot ito ni Wendy ay hindi na nito napigilan ang pananabik ni Felix. Hinalikan niya ito.

Nagising si Felix dahil don at naitulak si Wendy. Pinunasan naman ni Felix ang kanyang labi na parang nandidiri.

"Nasaan na 'yung alak na pinabibili ko?" tanong ni Felix dito. Walang emosyong ibinato ni Wendy ang sampung libo na natira sa kanya. Napatingin si Felix dito mula ulo hanggang paa. "Ang mahal naman ng katawan mo."

Hindi na nagsalita ito at pumunta sa kusina para magluto ng ulam ni Felix. Kumakalam na rin ang kanyang sikmura. Ngayon niya lang naramdaman ang gutom mula pa kanina.

Isang case nga ng beer ang binili ni Felix. Tatlong beer pa lang ang nauubos nito ng handaan siya ni Wendy ng adobo. Tinapon ito ni Felix. Hindi na tumingin si Wendy kay Felix at pumunta na lang sa kusina para doon kumain mag-isa. Pinigilan naman siya nito at hinawakan sa pulsuhan.

Hinalik halikan ang kaniyang leeg nito. Agad naman na pumiglas si Wendy dito. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Felix dahil pilit itong tinatanggal ni Wendy. "Felix, nasasaktan ako. Ano ba..."

Tumingin dito si Felix at tumawa. "First time mo?" pang-iinsulto pa nito. "Balita ko hik! ay marami nang hik! gumalaw sa'yo. Bakit sa'kin ayaw mo?" dagdag pa nito.

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ni Wendy dito. "Ginawa ko la-"

Hindi na naituloy ni Wendy ang sasabihin niya ng ihiga ito sa may sofa. "Ano ba! Bitiwan mo 'ko!" hinawakan ni Felix ang magkabilang kamay nito at pinatungan si Wendy upang hindi makawala.

Hinalikhalikan ito ni Felix na tila walang naririnig. Pinunit nito ang damit ni Wendy at hinalik halikan ang kaniyang dibdib. Balak na sanang tanggalin ni Felix ang natitirang saplot sa dibdib nito ngunit napatigil siya ng makita ang luha ni Wendy. Para bang natauhan ito at umalis sa pagkakapatong sa dalaga.

Agad namang niyakap ni Wendy ang kanyang sarili. Rinig na rinig ng buong sala ang iyak nito. Agad naman itong dinaluhan ni Felix ng matauhan sa iyak ng kaniyang kasintahan. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikhalikan sa noo habang nagso-sorry.

Kinabukasan ay bumangon si Felix at agad na tumingin kay Wendy na mahimbing na natutulog. Tinitigan niya ito. Halos malaki din ang ipinagbago ni Wendy. Sobrang payat nito kumbaga dati. Ang mga mata ay parang malalaglag sa sobrang laki ng eyebag. Ang kaniyang noo na makinis ay may mga tigyawat na. Napatingin naman ito sa kamay ng dalaga. Halos mamula mula ito na para bang binalatan ng buhay.

Hinawakan niya ito at hinalikan. Hinalikan niya rin ito sa noo at muling humingi ng paumanhin kahit na hindi alam ng dalaga.

Nagising naman si Wendy na walang Felix sa tabi. Hindi na siya magtataka kung bakit. Madumi na ang tingin sa kanya ni Felix. Sirang sira na ang kanyang puri.

Dumating naman si Felix na may dalang pagkain sa dalaga. Umiwas naman si Wendy dito ng iabot sa kanya ang mga niluto ni Felix. "Kumain ka na. Alam kong gutom ka."

Tumingin si Wendy dito. Tinitingnan niya kung seryoso ba si Felix dito, baka mamaya ay itapon sa kanya iyong pinapakain sa kanya. Kilala niya kasi kung paano magalit si Felix. "Kumain ka na." pagpipilit ni Felix dito.

Nanginginig ang kamay nitong inaabot ang kutsara. Hindi pa man niya naaabot ay agad iyong kinuha ni Felix kaya dali daling hinarang ni Wendy ang kanyang kamay sa kanyang mukha dahil sa takot na baka itapon sa kanya ni Felix ito.

Dahan dahan namang inalis ni Felix ang kamay na iniharang ni Wendy. Unti unting dumilat si Wendy. Ngumiti dito si Felix habang hawak hawak ang kutsara. "Hindi ko gagawin ang naiisip mo. Susubuan na kita."

"K-kaya ko." pagpupumilit nito.

"Alam kong hindi." ani Felix. "Ngumanga ka na nang masubuan kita." malumanay nitong sabi.

Unang subo pa lang ni Felix dito ay umiyak na si Wendy. Hahawakan sana siya ni Felix ngunit takot na umiwas si Wendy sa kanya. Umaagos ang luha nitong nagmamakaawa na huwag siyang sasaktan.

Gustong suntukin ni Felix ang kanyang sarili sa mga oras na 'yon. Sinasabunutan niya ang kanya sarili habang sinasabi na "Kasalanan ko 'to."

Takot na takot si Wendy ng lumapit muli sa kanya si Felix. "Hindi ka madumi. Malinis ka, okay? Malinis ka." halos maiyak na si Felix habang sinasabi iyon.

Nawala ang takot ni Wendy dito ng marinig ang binata. Ayaw na ayaw niya pa naman umiiyak ang pinakamamahal niyang lalaki.

Agad itong niyakap ni Wendy. Yumakap naman pabalik si Felix dito habang patuloy na humihingi ng kapatawaran sa dalaga. "Napakagago ko, Wendy. Napakagago ko!"

A Million Dreams [Completed] - RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon