Si Wendy ay malungkot na tumingin kay Felix na kanina pa nagsisisigaw habang pilit na kumakawala sa rehas na nasa harapan nito. Malaki laki rin ang babayaran pangpiyansa dito. Gusto na lamanhmg umiyak ni Wendy ng mga oras na 'yon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Lumapit si Wendy kay Felix. Niyakap naman ito ni Felix kahit na may nakaharang na rehas sa pagitan nila at hinalik halikan sa noo. Hinawakan nito ang mukha ni Wendy panay ang sorry.
"Wendy, ilabas mo ko dito. Please." pagmamakaawa ni Felix dito. Hinawakan naman ni Wendy ang kamay ni Felix na nasa kanyang mukha. "Wala akong kasalanan...".
"Ano bang nangyari, Felix?" malungkot na tanong ni Wendy dito.
Bago pa man makapagsalita si Felix ay dumating ang lalaking sinuntok niya. Halos manlaki ang mata ni Wendy dito. "Ikaw?"
Tinuro naman ng lalaki ang sarili niya, "Ako?"
"Ikaw 'yung room owner ng dati kong pinagtatrabahuhan. Room 416." ani Wendy.
"Ah? Oo. Bakit?" nagtaas ang makapal na kilay nito.
"Pwede bang iurong mo na lang 'yung demanda mo?" pagmamakaawa ni Wendy dito.
Agad naman siyang hinila ni Felix. "Huwag kang magmakaawa sa lalaking 'yan." halos umusok ang ilong nito sa galit. "Y-yung ipon na 'tin, g-gastusin muna. Please, Wendy. Basta huwag kang magmakaawa sa lalaking 'yan."
"Nakakulong ka na lahat, ang tapang mo parin." pagsasalita ng lalaki. Napalingon naman si Wendy dito. "Boyfriend mo 'yan?" parang nandidiri nitong sabi. "Halos wala pa sa kalingkingan ko 'yan."
Nagwala naman si Felix doon habang ang lalaki ay nakangisi lang.
"Hayop ka!" sigaw ni Felix dito.
"Nakita mo ba 'to, miss?" pinakita nito ang kaliwang panga na may makaking pasa. "Nadaplisan 'yung maganda kong mukha." pagsasalita nito na siyang ikinagalit ng sobra ni Felix.
Pinakalma naman ni Wendy si Felix. "Shhhh, ako nang bahala. Kalma ka na muna ha? Ilalabas kita dito." hinawakan ni Wendy ang kamay nito ng napakahigpit.
Bumitaw din agad ito at lumapit sa lalaki. Laking ngiti naman ng lalaki na sa akala niya'y nakabingwit na naman siya ng babae. "Hindi porket mayaman ka ay kaya mo nang bilhin lahat. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, hindi ka naman gwapo." galit na galit na sabi ni Wendy dito. Pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na masaktan ito dahil nasa prisinto sila. "Oo, sige. Wala sa kalingkingan mo 'yung boyfriend ko, pero tandaan mo, hindi siya nagwawaldas ng pera gaya mo." dinuro duro niya pa ito. "Ayang perang winawaldas mo, galing pa 'yan sa magulang mo kaya ang kapal ng mukha mong magmalaki, e palamunin ka pa rin hanggang ngayon."
Hindi nakapagsalita ang lalaki sa mga salitang binitiwan ni Wendy. Pilit silang inaawat ng mga pulis na nandoon pero nagtuloy tuloy pa din si Wendy. "Etong mga pulis na 'to, nasilaw sa 'yo kasi may pera ka."
"Miss, sumosobra ka na." galit na sabi ng isang pulis.
"Bakit? Hindi ba one sided opinion lang ang hiningi niyo, ni hindi pa nga mukhang reliable 'tong tao na 'to. Ang sabihin niyo mukha kayong pera! Magkano ba 'yang piyansa na 'yan ha ng mabayaran ko?!"
Nakaupo si Wendy na nanlulumo. Kulang pa ito para sa pangpiyansa kay Felix. Tatatlong libo lamang ang laman ng alkansya. Kulang pa ito ng siyam na libo. Umiyak na lamang siya ng umiyak sa mga oras na 'yon pero agad niyang naisip ang mga kasamahan nito sa trabaho. Agad niyang naisip si Cindy kung kaya't tinawagan niya ito.
"Pasensya ka na, Wendy. Dalawang libo lang ang kaya kong mapahiram sa 'yo." pagpapaumanhin ni Cindy sa kaibigan na si Wendy.
Malugod namang tinanggap ito ni Wendy at nagpasalamat. Problemadong problemado niyang tiningnan ang hawak niyang dalawang libo. Kulang pa ito para mabuo ang 12k. Pumasok na rin siya sa mga kung anong racket para lang makaipon ng piyansa ni Felix ngunit napakatagal para makaipon agad ng syetemil.
Dumalo si Wendy sa presinto para magdala ng pagkain ni Felix. Halos magmakaawa naman si Felix para makalaya na ngunit bigo si Wendy. Mahigit anim na libo pa lang ang mayroon siya para sa piyansa ni Felix.
"Pasensya na Felix. Ito pa lang naiipon ko." 'yun na lang ang tanging naiisip ni Wendy.
Nagalit naman si Felix sa kanyang narinig. "Ayaw mo ba akong makalaya, Wendy? Ayoko na dito, ilabas mo na ko." ngumiti na lang si Wendy dito bago umalis ng presinto.
Nakatulala lang si Wendy habang naghuhugas ng mga plato. Isa ito sa mga raket niya. Halos masunog na ang kanyang palad dahil sa mga sili na nasa hugasin. Allergic pa naman siya dito ngunit hindi na ininda iyon ni Wendy. Wala pang tutorial sa ngayon dahil bakasyon kung kaya't wala talagang choice si Wendy.
Tulala din itong naglakad hanggang sa mapatingin ito sa bar na halos abot sa labas ang ingay. Nahanap agad ng mata nito na kailangan nila ng waitress. Pumasok si Wendy dito habang dala dala ang hinablot na wanted sa labas. Agad naman itong tinanggao ng manager dahil sa maganda si Wendy at may balingkinitang katawan.
Hindi na pumayag si Wendy na bukas na siya magsimula. Agad niyang sinuot ang costume ng waitress. Itim na stockings, maikling palda at puting fitted na blouse. Hindi na niya ininda ang hiya. Kailangan na kailangan niya ng pera, kailangan na niyang mailabas si Felix.
Ilang araw din nagtrabaho don si Wendy ng gabi. Halos malalaki ang tip na natatanggap niya bawat tapik sa pwet nito. Minsan nga'y may humahawak sa kanyang bewang at pasimpleng dinadampi ang mga braso sa dede nito ngunit lahat 'yon ay hindi na binigyang pansin ni Wendy.
Hindi na tinapos ni Wendy ang isang buwan dahil sa tip pa lang ay nakaipon na agad siya ng malaki.
Halos tumakbo ito sa presinto dala dala ang pera. Tuwang tuwa na mayroon na siyang pangpiyansa kay Felix. Makakalaya na ito. Ngunit ang tuwang iyon ay agad napalitan ng lungkot at selos.
Nakalaya na si Felix habang may kasamang babae. Ayun yung babaeng kasama ng room owner ng 416 nung una siyang nagtrabaho sa Klient, si Grace, na siyang tinulungan ni Felix nung mga araw na binabastos siya ng lalaking nagkulong dito. Napakalaki ng Aurora para sa coincidence na 'to.
Masayang niyakap ito ni Felix at natigil ito ng mapansin niya si Wendy na nakatingin sa kanila. Hindi ngumiti si Felix dito bagkus ay nagpasalamat ito kay Grace at dinaanan lang si Wendy. Marahil ay napiyansahan na siya ni Grace.
Lumapit naman si Grace kay Wendy. "I'm Grace. Felix's friend. Nagkakilala kami sa dati niyang pinagtatrabahuhan." pakilala nito kay Wendy. "You are Wendy right? Felix's girlfriend?"
Tumango lang sa Wendy dito bilang sagot.
"I gotta go." paalam ni Grace dito.
Wala na si Felix sa presinto. Iniwan siya nito. Halos mapaupo sa lupa si Wendy dahil sa pagod at lungkot. Kagagaling niya lamang sa bar ngunit hindi niya ininda ang pagod para lamang mapuntahan si Felix.
Umiyak na lamang ito habang naglalakad pauwi. Hawak hawak ang 12K na pangpiyansa sana ni Felix.
BINABASA MO ANG
A Million Dreams [Completed] - Revision
Short StoryA couple was recognized as happy and ideal, realizing all of their goals and aspirations in tandem. What happens to a union that was once strong and united when one person leaves? Will they ever reach the very top of their dreams? ©2020