Chapter Ten

20 7 0
                                    

Ilang araw ang nakalipas ng makarecover si Wendy kay Felix. Nalaman naman lahat ni Felix ang katotohanan kaya galit na galit ito sa kanyang sarili. Akala niya'y pinabayaan siya nito. Kung wala pa si Grace ay hindi siya nakalaya. Agad niyang jinudge si Wendy.

Pinatawad naman ito ni Wendy ngunit si Felix ang hindi makapagpatawad sa sarili.

Matapos ang araw na 'yon ay nagpursige naman si Felix na magtrabahong muli sa mas maayos at may mataas na sahod. Napagtapos nito si Wendy kung kaya't si Wendy naman ang nagtatrabaho para kay Felix. Para naman magpatuloy sa kanyang pag-aaral.

Ngunit nasangkot si Felix sa kasong cheating kaya may petition na mapatalsik ito sa school kung sakaling mapatunayan na kasali nga siya sa nasabing pagchi-cheat. Halos mabaliw na si Felix tungkol dito dahil graduating student na siya at nasangkot pa siya sa napakalaking kaso. Frustrated siyang tumingin sa labas ng opisina ni Wendy na tila hindi mapakali.

Pagkalabas na pagkalabas ni Wendy ay agad na lumapit sa kanya si Felix. "Kailangan ko ng pera." bungad nito. Marami namang tumingin na co-officemate ni Wendy sa kanila.

"Magkano?" tanong nito.

"Mga limang libo."

Agad namang binigay ni Wendy ang limang libo kay Felix. Walang salita salita si Felix na umalis. Wala man lang thank you o I love you sa kanyang girlfriend.

Inihagis ni Felix ang limang libo sa mga taong pinupuntirya siya. Mga taong walang pangarap sa buhay. Mga taong sumisira sa buhay ng mga estudyante sa Borealis University. Ang gang na hindi mapatalsik dahil sa malakas ang kapit ng kanilang mga magulang kaya't ganon na lang sila katapang.

Maangas na tumayo ang leader ng gang. Kinuha ang pera at binilang. "Kulang pa ng limang libo."

"Sabi mo limang libo lang?"

"Kulang pa."

Sa totoo lang ay hindi totoo ang paratang sa kanya. Gawa gawa lamang ng mga taong 'to. Alam niya ring wala siyang laban dito dahil nga malakas ang kapit nila sa school, marahil ay sila ang papanigan kung kaya't walang magawa si Felix kundi sundin ang gusto nito.

Humingi na naman si Felix kay Wendy. Agad namang binigay ni Wendy ang hinihingi ni Felix dito. Ayaw niya nang sabihin kay Wendy ang problema dahil nakikita niya itong laging problemado at pagod na nakatingin sa laptop. Ayaw na niyang dagdagan pa.

Dahil sa ilang beses nang humingi si Felix kay Wendy ay nahiya na 'to kung kaya't nilakasan niya ang loob na mangupit sa kanilang ipon.

Naging sapat naman na iyon sa gang kung kaya't nakahinga ng maluwag si Felix tungkol dito ngunit sa pag-uwi niya ay nakatingin si Wendy sa kanya ng masama.

"What did you do? Why do you need so much money? Umabot ka na sa pangungupit sa ipon na tin. Magpaliwanag ka." Si Wendy habang hawak hawak ang lalagyanan ng pera.

"Wala akong alam diyan." pagsisinungaling nito at umakyat sa kwarto. Ayaw na ni Felix na pag-usapan 'yon o malaman ni Wendy dahil baka mas lalong lumaki ang away at umabot ito sa school. Hinding hindi sila mananalo.

Sumunod naman si Wendy dito at pilit na hinaharap si Felix. "Magtapat ka. Alam mong alam ko na ikaw lang may alam kung saan ko inilalagay 'to." galit na sabi nito. "Grabe naman ang kupit mo, Felix, mahigit 20k. Binibigyan naman kita ha."

Humarap si Felix dito. "Sorry."

Napaiyak naman si Wendy dito, "Ang hirap kitain ng 20k, Felix! Hindi ako o ikaw ang nagtatae ng pera, wala ni isa sa 'tin."

"Sorry."

"Sorry ba ulit Felix? Sorry na lang palagi?" hindi na nakayanan ni Wendy ang hinanakit niya dito. "Pagod na pagod na ko, Felix. Sabihin mo na kung saan mo ba ginastos 'yung 20k.".

"Babayaran ko din, pagnakagraduate ako. Patience please, Wendy."

Nilabas naman ni Wendy ang kanyang maleta at binuksan ang cabinet nito.

"Our dream will never happen, Felix. This won't work." umiiyak na sabi ni Wendy habang nag-iimpake ng kanyang mga damit. "I am giving up! Sawa na ko sa paulit ulit mong 'patience' when the thing is, it will never happen, NEVER."

Nakatingin lamang si Felix sa kanya na tila hindi alam kung paano pipigilan si Wendy. "Pagod ka na?" ayun na lamang ang tanging lumabas sa bibig.

Napatigil naman si Wendy sa kanyang iniimpake at tumingin kay Felix. Ang mga mata nito ay namamaga na sa sobrang pag-iyak, ang ilong nito ay namumula narin. "Ikaw ba Felix, hindi?"

"Hindi." plain na sagot nito.

"Ako, pagod na pagod na pagod na ko. Puro problema na lang meron sa punyetang relasyon na 'to! Kaya ayoko na!" gumagaralgal na pagsasalita nito habang dinuduro si Felix. "Ni wala na nga ata akong nararamdaman pang saya, puro na lang lungkot, away, problema. Hindi ko pinangarap ang ganitong relasyon kaya mabuti pang maghiwalay na lang tayo."

Pinagpatuloy naman ni Wendy ang kanyang pag-iimpake ng damit at si Felix ay wala nang nagawa para pigilan si Wendy sa kanyang nais gawin.

Bago pa man makaalis si Wendy ng tuluyan ay may nakita itong mga lalaki na nag-aabang sa kanilang gate. Hindi niya ito mamukhaan kung kaya't dumeretso na lamang siya sa paglabas. Bago pa man siya makalayo ay sumigaw ang mga ito.

"Felix!" sunod sunod na kalampag ang ginawa ng mga 'yon sa gate para lang lumabas si Felix. "Kulang pa ng 10k 'to!"

Natigilan si Wendy kung kaya't gumilid siya at pinanood ang mga ito.

Agad namang lumabas si Felix at humingi ng sorry dito. Hinagis kay Felix ang hawak nitong sigarilyo. "Bakit ang tagal mong lumabas?"

"Akala ko ba ay okay na?"

"Akala ko din, e." natatawang sambit nito.

"Tigilan niyo na ko." giit ni Felix at papasok na sana siya ng bahay ngunit agad naman siyang sinuntok ng isang lalaki. Binugbog si Felix sa harapan ng kanilang bahay kung kaya't dali daling tumawag si Wendy ng baranggay tanod.

Nahuli ang isa sa kanila at dinala sa baranggay. Si Wendy naman ay agad na dinaluhan si Felix. "Bakit hindi mo sinasabi na may utang ka sa mga 'yon? Ako nang bahala sa 10k." nag-aalalang sambit nito Kay Felix.

Tumayo naman si Felix na parang walang nangyari. "Wala akong utang sa mga 'yon. Sila ang may utang sa 'kin." pag-amin ni Felix dito.

Naguluhan naman si Wendy sa sinabi ni Felix. "Bakit ikaw ang sinisingil nila?"

Wala nang nagawa si Felix kundi ikuwento ang lahat kay Wendy. Galit na galit nitong hinampas ang lamesa kasabay ng pagsermon kay Felix. "Sinabi mo sana nung una pa lang."

"Hindi ko alam, hon. Ayoko nang dagdagan sakit mo sa ulo." napakamot na lanh si Felix ng ulo. "Kaso mas lalo ata akong naging sakit sa ulo dahil sa makasarili kong desisyon."

Hinawakan ni Wendy ang mga kamay nito at tumingin sa mga mata ni Felix. "Mauunawaan kita. Sino ba ako sa 'yo? Hindi mo lang ako girlfriend, Felix. Simula ngayon ay sasabihin mo sa 'kin lahat ng problema mo, gano'n din ako. Ilang taon na tayong nangangarap para sa relasyong 'to. Marami na tayong pinagdaanan, ngayon ka pa ba maglilihim sa 'kin?"

"Akala ko kasi malulusutan ko agad 'yon. Una nilang hiningi ay 5k, hanggang sa... gano'n na nga." paliwanag pa nito.

"Ipaglalaban natin 'yang kaso mo." sabi ni Wendy.

"Hindi tayo mananalo sa kanila."

"Trust me, hon. I know this. We've experienced it for a long time, the injustice before when only one speaks with lies, and the truth remain silent."

Tumingin sa kanya si Felix at nagtanong muli. "Totoo ba 'yung sinabi mong pagod ka na sa 'kin?"

Natahimik sandali si Wendy saka muling nagsalita. "Pagod akong umunawa sa mga oras na 'yon dahil ayaw mong sabihin ang totoo. Napagod ako pero hindi ko ibig sabihin no'n ay hindi na kita mahal."

"Mahal na mahal kita, Wendy."

A Million Dreams [Completed] - RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon