Bago umuwi si Felix sa kanilang tahanan ay napadaan siya sa bakeshop. Naalala nito ang promise nito kay Wendy na gusto niya ng cake at wine sa unang sahod nito. Bakit ngayon ko lang naalala? Papasok na sana siya ng bake shop ng may makita siyang babae na nagmamadali. Napakaikli ng buhok nito pero natatakpan ang mukha habang tumatakbo. Nagkibit balikat na lang ito saka pumasok sa bakeshop para bumili ng cake.
Cake lamang ang nabili ni Felix, maliit pa. Sapat na siguro iyon para sa aming dalawa ni Wendy. Hindi na nakabili ng wine si Felix dahil nakalaan ang sahod niyo sa ibang bagay at saka ang mahal ng wine.
Pagpasok ni Felix ng bahay ay bumungad sa kanya si Wendy na nagluluto ng banana-q. Iba na ang kasuotan nito kumpara kaninang nasa tutorial center siya.
"Bakit ang ikli ng buhok mo?" bungad na tanong nito sa girlfriend at nilapitan ito. "Nasaan na 'yung buhok mo?"
"Nagpagupit ako, ang init kasi." pagsisinungaling nito dito. Magkano rin ang nabenta niyang buhok, nasa 700.
"Inalagaan mo 'yung buhok mo tas pinagupit mo lang?" tanong pa nito dito. "Sobrang ikli naman ata nito?"
Tinanggal ni Wendy ang kamay ni Felix na nasa buhok niya at inayos. "Ganito ang uso, ano ka ba." pagpapalusot nito.
Wala nang nagawa si Felix tungkol dito kung kaya't dali dali niyang kinuha ang cake at pinakita kay Wendy. "Cake para sa pinakamamahal ko."
Pilit na ngumiti si Wendy dito, "May okasyon ba?" umiling naman si Felix. "Bakit nag-abala ka pang bumili niyan?"
"Hindi ka ba natutuwa?"
"Hindi naman sa gano'n, hon. Ang iniisip ko lang ay 'yung bayarin sa bahay nang magka-kuryente na tayo." positibong sabi nito at kinuha ang cake kay Felix para ilagay sa lamesa. "Magdadalawang linggo na nung mawalan tayo ng kuryente."
Nilabas naman ni Felix ang pitaka at inabutan si Wendy ng pera. Kinuha naman 'yon ni Wendy at binilang saka kumuha ng papel at doon ibinalot. Pagtapos non ay masaya nilang pinagsaluhan ang niluto ni Wendy na banana-q at ang cake na inuwi ni Felix.
"Hon." tawag ni Felix dito. "Lumabas ka ba kanina? May nakita kasi akong babae na tumatakbo, ganyan din kaikli 'yung buhok." pagtatanong nito dito bago isubo ang cake.
"A-ahh," halos mautal naman si Wendy sa tanong ni Felix. Ang kamay niya ay namamawis na naman. "A-ano, 'di ba... 'di ba sinabi ko nang uso 'tong buhok na 'to?"
Tumango na lang si Felix dito bilang pagsang-ayon.
Kinabukasan ay nagkaroon na nga ng kuryente sila Felix. Nilinis lahat ni Wendy ang sulok ng bahay na hindi niya malinisan dahil sa dilim. Iniba niya rin ang ayos ng sala. Itinalikod niya ang couch sa may hagdan ngunit may pagitan doon para magsilbing daanan. Nilinis niya din ang maduming lababo at hugasin.
Halos mamaga na ang kamay niya dahil sa pagkuskos ng dumi sa lababo. Hindi pa din siya nakakapunta sa school matapos ang exam week kung kaya't hindi niya pa alam kung nakapasa siya. Hindi naman siya makakapunta ng school ngayon dahil ngayon ang araw ng kanyang pagtuturo.
Pagdating nito sa tutorial center ay humingi siya ng paumanhin dahil sa biglang pagkawala niya kahapon. Maayos naman itong nakapagturo kahit na nanginginig ang mga kamay dahil sa pamamaga. Mababait ang mga batang napunta sa kanya kung kaya't mabilis na lamang siyang natapos.
Sumunod ang mga araw at unti unti na namang umaangat ang buhay nila Wendy dahil sa pagtitiyaga nitong matulungan si Felix na kahit ang mga mahahalagang gamit nito ay nagawa niyang ibenta, maging ang mahaba nitong buhok. Halos pawala na rin ang kanilang utang nung sumahod si Wendy. Malaki laki din ang nalikom niyang pera dahil pinagsasabay niya ang pagbebenta ng iba pa niyang mga gamit at pagtuturo.
May nahuhulog na din siyang pera sa kanilang alkansya kaya tuwang tuwa si Wendy tungkol dito. Halos parehas na sila ni Felix na kumakayod sa araw araw. Pagod at puyat ang naging puhunan nila sa mga panahong iyon.
Tuwing aalis si Felix ng 8 am ay nagmamadali namang mag-ayos si Wendy dahil 9 am naman ang pasok nito. Hindi siya pwedeng mahalata ni Felix dahil tiyak niya na magagalit ito sa kanya. Kaya nga nagdouble job ito ay para hindi na magtrabaho si Wendy at tumutok na lang sa pag-aaral.
Sununod na araw ay pagabi nang nakauwi si Wendy, pagod na pagod dahil pagtapos ng tutorial ay dumeretso siya sa kanyang 5pm class. Ilang oras na lang ay uuwi na si Felix pero hindi iyon nakayanan ng mata niya't nakatulog ito.
Nagising naman si Wendy dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Nadatnan niya na lang doon si Felix at ang mga kasamahan nito sa trabaho na nag-iinuman habang nagkukuwentuhan.
"Pre, si Wendy. Girlfriend ko." pag-introduce ni Felix dito at inakbayan niya ito. Amoy na amoy ni Wendy ang alak kay Felix kung kaya't tinanggal niya ang pagkakaakbay dito. "Bakit?"
"Amoy alak ka." bulong na sabi nito kay Felix.
"Hi, Wendy. I am Bryan." pakilala ng lalaking nakasalamin na nakipagkamay sa kanya. Tinuro niya naman ang iba nitong kasamahan. "This is Ken," tinuro ni Bryan 'yung Ken na umiinom ng beer at kumaway naman sa kanila. "Garry," 'yung lalaking katabi ni Ken na tahimik "and Rhys." ngumiti na lang yung Rhys sa kanila at kumain na ng pulutan.
Ngumiti na lang si Wendy sa kanila.
"Wendy, bumili ka pa ng alak sa may kanto." utos ni Felix dito. Inabutan niya naman ng pera si Wendy at umupo na kasama ang mga kaibigan.
Nainis naman si Wendy dito at walang nagawa kundi sundin si Felix. Mamaya lang ay mag-uusap tayong lalaki ka. Ayun ang gigil na sabi nito sa isip habang masamang nakatingin kay Felix.
Pagkabalik na pagkabalik pa lamang ni Wendy ay inutusan na naman siyang bumili ng yelo at dahil nandyan ang mga kaibigan ni Felix, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang.
Matapos ang mahabang inuman at kwentuhan ay nagpaalam na rin ang mga kaibigan ni Felix. Madaming kalat ang naiwan. Mga bote ng alak, balat ng chichirya at mga upos ng sigarilyo.
Agad naman iyong niligpit ni Wendy at hinugas ang mga pinagkainan. Lumapit naman si Felix dito at nagdagdag pa ng hugasin saka umakyat ng kwarto. Bago pa man makaakyat si Felix ay sumigaw si Wendy.
"Mag-uusap pa tayo, Felix!"
Hindi siya pinakinggan nito at nagdabog pa ng pinto sa kwarto. Agad naman itong sinundan ni Wendy.
"Felix, ano ba?!" galit na bungad niya dito. "Ano bang problema mo't uminom ka? Imbis na itabi mo na lang 'yung pera, ipinang-inom mo pa."
"Bakit?" galit ang tono ni Felix. "Wala ba akong karapatan magsaya?!" lasing nitong pagkakasabi. "'Wag mo kong turuan. Alam ko ginagawa ko." papaiyak na sana si Wendy ng sumigaw na naman si Felix. "Huwag mo kong idaan sa pag-iyak iyak mo ha."
Pagtapos non ay humiga si Felix at natulog. Naiwan namang nakatayo si Wendy na umiiyak. Lumapit si Wendy dito at niyakap niya si Felix.
"Pagod ka lang siguro kaya mo nasasabi 'yan. Tama, patience lang, Wendy. Patience." humahagulgol nitong sabi sa sarili.
BINABASA MO ANG
A Million Dreams [Completed] - Revision
Short StoryA couple was recognized as happy and ideal, realizing all of their goals and aspirations in tandem. What happens to a union that was once strong and united when one person leaves? Will they ever reach the very top of their dreams? ©2020