Shan.
Break time na namin at himala hindi ako pinapansin ng Kumag na Jacob na yon.
Ano bang problema non at bigla nalang syang hindi namansin. Hayaan mo na nga, mas maganda nga 'yon walang nang-iinis sa akin.
Naguusap lang naman kame ni Calyx sa may hagdan, tungkol sa project namin.
By pair kasi iyon, lalaki sa babae. Wala akong choice kung hindi maghanap ng kapartner. Si Lui sana kaso kapartner na nya si Seah, kaya inaya ako ni Calyx na kami nalang dalawa.
Sakto pa at wala si Jacob, buti nalang. Duon kami gagawa ng project sa bahay namin, pupunta silang tatlo sa bahay sa Sabado.
Yun lang naman tas bigla nalang nya akong hindi kinausap.
Pumunta na ko sa library, lagi lang naman akong nandito e.
Uupo na sana ako ng may biglang tumawag sakin.
"Hoy Vieneese." sambit nito.
Sa tono at tawag palang nya sa pangalan ko alam ko na kung sino siya.
"Bakit, Mr. Sy?" sabi ko.
"Sa park, mamayang uwian. Magkita tayo roon." sambit nito sabay alis.
Aba at ano naman ang gagawin namin don?
May kung ano na pumasok sa isip ko.Siguro aasarin na naman ako nang lalaking yon, Aish. Kahit kailan talaga!
Mabilis ang oras, at uwian na. Balak ko sanang hindi sumipot sa Park, dahil nararamdaman ko na pagti tripan lang ako ng kumag na yon.
Nandito na ko sa may gate, nagdadalawang isip ako kung sisipot ba ako o hindi?
Hay nako, bahala na. Napasigaw ako ng biglang may kumalabit sa akin.
Si Calyx lang pala, at ano namab ang ginagawa nya dito? Bakit hindi pa s'ya umuuwi?
"Oh, Bebes. Bakit nandito ka? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.
"Ah, pauwi na din. Kaso nakita kita e, san ka ba pupunta?" Pagtatakang tanong nya.
"Ah si Jacob kase, magkita daw kami sa Park ngayon. Sige una na ko ha, baka nandon na yon." Paalam ko.
May sinabi sya pero hindi ko narinig, hayaan mo na nga.
Sumakay na ako ng taxi at pumunta na ng park, ano na naman kaya ang balak ng lalaking yon?
Pagka baba ko, nakita ko agad ang kumag. Ang bilis naman nya yata.
"Bakit ngayon kalang?" tipid nyang tanong.
"Ay sorry, kanina ka pa ba? Si Calyx kasi kinausap pa ako, bakit nga pala tayo nandito?" tanong ko.
"Puro nalang Calyx..." Mahina nyang sambit.
"Hah? May sinasabi kaba?" Tanong ko.
"Boploks mo talaga, tinatanong ko kung may ka partner ka na ba sa project?" tanong nya.
"Meron na."
"Sino??!" Tanong niya.
"Si Calyx." sagot ko.
Wala syang imik at parang nawalan ng gana, nag aya na agad syang umuwi. Stupid!
"Tara na." sambit niya.
"San tayo pupunta? Kaka dating ko palang, magpa pahinga lang ako."
"Aishhh, Stupid. Bahala kana nga, uuwi na ko."
"Ano?!! Uuwi ka agad, e kaka dating ko lang. Baliw ka ba? Bahala ka dyan."
"Sus, gusto mo lang akong kasama e." Sambit nito.
YOU ARE READING
Inlove with the Bad Boy
Teen FictionIsang tahimik at simpleng babae ang magbabago sa buhay ng bad boy... Alamiiiiin!!!! Date Started: April 21, 2020