Shan.
Nandito na ako sa Gym hinihintay si Jacob, paka tagal naman non. Aalis na sana ako kaso biglang may nagsalita. Nilibot ko yung mga mata ko pero wala namang tao.
"Hoy, nandito ako sa likod mo." boses ni Jacob 'yon ah. Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin.
"Buti naman at sumipot ka, ikaw na nga may kailangan sakin ikaw pa yung late d'yan. Alam mo bang kanina pa 'ko----" Tinakpan nya ang bibig ko.
"Ang daldal mo naman, dami mong sinasabi." Tinignan nya ako mula sa mata. Nakita ko yung kulay brown nyang mga mata. Ilang saglit pa, bigla nalang ulit sya nagsalita kagulat naman 'tong dragon na 'to hindi man lang nagsasabi.
"ANO? AYOKO 'NO, MAMAYA SABIHIN NILA NA NAGD-DATE TAYO. AYOKO MA-ISSUE, TSAKA 'DI PA 'KO PWEDENG MAG BOYFRIEND." Bulyaw 'ko dito.
"Choose one... Be my girlfriend or I will tell to your Kuya that you used his car, and... Muntik ka na ng makulong dahil don. Naku po, patay na! Kapag nangyari 'yon, sigurado akong mawawalan ka ng kotse. Edi bye bye, Pikachu na." Pang aasar pa nito. May collection kasi ko ng pikachu sa kotse ko, jusko nag-ipon ako don para lang ma-design yung loob non ng pikachu. Ayaw ko naman i-asa kala Mama yung pampa-design non. Inabot din ako ng mahigit kumulang na 20k dahil do'n.
"Joke lang naman, 'eto naman hindi mabiro. Sino ba kasi may sabing ayaw kong mag-panggap na girlfriend mo? Sige na nga, basta don't say to Kuya ha. Kung hindi, nako po!" saad ko.
Taena, napasubo yata ako. Bwiset talaga 'tong si Jacob. Sinasamantala pagiging mabait ko.
"So? Deal or No deal?" Masayang tanong nito.
"D-deal." pilit kong sagot.
"Good." tipid n'yang sambit habang naka-ngisi.
"Wait lang, bakit ba kasi kailangan natin mag-panggap?" iritadong tanong ko.
"Abaaa, gusto mo ba totohanin natin?" Tanong nya.
"Bobo, ibig kong sabihin bakit kailangan natin mag-panggap? Para san? At bakit kailangan na ako pa?" tanong ko.
"Shempre, pake mo ba ikaw gusto ko maging girlfriend." natigilan ako sa sinabi nya. Bwiset, ano ba pinagsasabi nito? "Tsaka para 'to kay Shantal, para hindi na nya 'ko kulitin. Manloloko s'ya." saad nito.
"Oo na, galit na galit." Pang-aasar ko.
"Let's go, Babe." Pag-aya nito.
"Wait... Wait, Anong babe? Baka sampalin kita d'yan, kaliwa't kanan." Pagbabanta ko.
"Tanga ka! Endearment lang 'yan, pero kung may malisya sa'yo ibahin ko nalang. Sige na nga, Pam nalang. Tutal naman 'e Pampam ka palagi sa buhay ko, always and forever. Okay ka na? Baka naman pwede na yung Pam, kasi ikaw yung Pa-pam pam sa buhay ko." sabi nito.
"Dami mong alam, baka PAM-palipas oras lang ako." saad ko.
"Bobo ka talaga, manhid pa. Lika na nga, My Pam." sabi nito tsaka hinawakan yung kamay ko.
Bakit parang may kuryente na dumadaloy sa kamay 'ko? Eto ba yung sinasabi nilang Spark?
"Ayoko ng Pam! Ibahin mo, pampam ka talaga." Pagrereklamo ko.
"Ano ba gusto mo? Ako?" Nakangisi sya habang sinasabi nya yon sakin.
"Tanga, bahala ka na nga dyan."
"Joke lang, magiisip lang ako ng Endearment natin." sambit nito habang nilagay yung kamay baba. Kala mo talaga may maiisip sya. "Alam ko na, Bah bih. Parang Baby sya pero kapag binasa mo Bah bih. Ayos ba? Ayos na 'yan, baby naman kita." Saad nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/222639814-288-k974633.jpg)
YOU ARE READING
Inlove with the Bad Boy
Novela JuvenilIsang tahimik at simpleng babae ang magbabago sa buhay ng bad boy... Alamiiiiin!!!! Date Started: April 21, 2020