Shan.
"Ellieeee!!!"
Dali dali kong pinuntahan ang aso kong si Ellie, namiss ko agad si Ellie parang kaninang umaga lang nagkita kami.
"Oh anak, nandito kana pala." pagbati ni Mama.
"Opo, Mom! Kumusta naman po kayo rito? Pinakain nyo po ba si Ellie? Saan po sila Yaya Sabel?" Tanong ko.
"Ah nandon sila sa garden ni Yaya May." sagot nito.
"Ano po bang ulam? Pakitawag nalang po ako sa kwarto ko kapag luto na."
"Okay sige, Anak!"
"Ah sige po, Mom. Akyat muna po ako sa taas."
Grabe ang pagod ko sa unang araw ng pasukan, grabe mga gawain.
Naisipan ko munang magcellphone habang nag-aantay sa pagkain namin. Tinext ko na din si Kuya Sach, dahil hanggang ngayon wala pa din s'ya.
Nagbukas na'ko ng facebook ko, at muntik ko nang mahulog yung cellphone ko sa sofa sa kwarto ko.
Nang makita kong in-add ako ni Calyx, OMG! Totoo ba 'to? I-aaccept ko ba siya?
Calyx Ramos sent you a friend request.
Accept | Delete
Shempre ia-accept ko siya, tinulungan nya ko sa tatlong bruha kanina. Pero mas bruha pala ako.
Gusto ko lang magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa niya sa'kin kanina, hays. Ang swerte naman ng magiging girlfriend niya.
Gusto ko siyang maging kaibigan, ma-imessage ko na nga.
Bago ko pa siya maichat, ay nagmessage na pala siya sa'ken.
• Calyx Ramos
active now: Hi, Shandria! Ayos
kana ba? May masakit
ba sa'yo?; Ah, wala namang
masakit sakin, tsaka
ayos lang ako. Salamat
nga pala kanina.: Ay, wala 'yon! May
itatanong sana 'ko
kung pwede lang.; Ay oo naman,
ano ba 'yon?: Ay wala, bukas nalang.
Sige, ingat ka nalang sa
susunod.; Ah gano'n? Sige,
salamat. Ikaw din.
seen: 2:41pm
Ano kaya yung gusto niyang sabihin? Sana makipagkaibigan siya sakin, pero wag nalang pala. Loner nga pala ko.
Makababa na nga lang, nagugutom na'ko sana luto na yung ulam.
Bago pa man ako makatayo, may kumatok sa pinto ko.
"Pasok." sabi ko. "Oh! Kuya? Bakit nandito ka? May problema ba?" Tanong ko.
"Ah wala naman, namiss ko lang yung nerdy kong kapatid. Minsan nga magsuklay ka, para maging tao ka naman kahit minsan." Sambit niya habang tumatawa na nakakaasar. >_<
"Kuya Sach, kung nandito ka para lang asarin ako. Umalis kana nga, nakakainis kana ha." Inis kong sabi.
Lumapit sya sa'ken tapos kiniliti ako, kahit kailan talaga.
YOU ARE READING
Inlove with the Bad Boy
Novela JuvenilIsang tahimik at simpleng babae ang magbabago sa buhay ng bad boy... Alamiiiiin!!!! Date Started: April 21, 2020