Chapter 7: Bonding

0 0 0
                                    

Calyx.

Pag tapos kong pumunta sa bahay nila Shan dumeretso na ako sa bahay, gabi na din kasi at gagala pa kami bukas para mag-bonding na lima.

Humiga na ko sa kwarto ko para matulog, nagmuni-muni muna ako dito sa higaan habang naka tingin sa kisame.

Miss na miss ko na ang kapatid kong si Callie, tiyak 'pag nagkita silang dalawa ni Austin. Na'ko po, Gulo na naman 'to! Gustong gusto kasi nito ni Austin ang kapatid kong si Callie, panigurado talaga akong gulo ang mangyayari kapag nagkita sila dalawa.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala 'ko.

Kinabukasan....

Nagising ako dahil sa ingay sa baba, ano namang meron at bakit ang ingay ingay? Rinig na rinig ko ang boses ni Callie, nananaginip ba 'ko? Wait... WHAAAAAAT???! Kakaisip ko lang sa kan'ya kagabi nandito na siya? Kinagat ko yung balat ko, akala ko nananaginip lang ako. Totoo nga, agad akong bumaba para tignan kung totoo yung hinala ko.

What the... Totoo nga, nandito na siya! Abaaaaa, dalaga na ang kapatid ko. Tumakbo ako para yakapin siya nang mahigpit.

"Callieeeeee!!!" sigaw ko.

"Kuyaaaaa!"

"Kumusta kana? Dalaga na ang kapatid ko ah! May boyfriend na ba?" tanong ko habang naka-taas ang kaliwang kilay.

"Ma oh! Si Kuya!" pagmamaktol nito.

"Biro lang, namiss ka lang ni Kuya. Bakit pala nauwi ka dito? Parang biglaan naman yata?"

"Since I am here now, sa Vinn University na ako mag-aaral. Ayaw mo ba?"

"Really??! That's good, mag-aayos lang ako may lakad kasi kami e."

"Kami???" pagtatakang tanong nito.

"Ah, yea! Kami nila Andrew, wanna join with us? Pupunta kami ng EK ngayon, maghanda kana kung gusto mo sumama may papakilala din ako sa'yo."

"Sino na naman?" iritang tanong niya.

Hay, kahit kailan talaga tong babaeng to! Napaka maldita.

"Basta, bilisan mo na maligo kana din amoy gabi ka e HAHAHAHAHAHAHA"

"Whatever!!!"

Umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos, sinabi ko na din kila Shan na kasama ko ang kapatid ko. Sana naman hindi pakitaan ni Callie si Shan ng masama.

Nag-ayos na ako para maaga ako makapunta sa bahay nila Shan.

"Caaaaaal, let's go. Nag-aantay na sila duon." Sigaw ko.

"Okay, pababa na."

Umalis na kami sa bahay at nagpaalam kala Mommy, sabi ko gagala lang kami nila Andrew.

»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

Shandria's POV

Papunta na daw sila Calyx kasama ang kapatid niya, nandito na kaming lahat sa bahay at siya nalang ang inaantay namin.

"Paka tagal naman ng gunggong na yon!" pag-rereklamo ni Jacob.

"Maghintay ka kaya, napaka reklamador mo!" saad ko.

"Tse! Manahimik ka na d'yan, bugahan kita ng apoy 'e!"

"Nye nye."

Napaka buwiset talaga nitong dragon na 'to!

Maya maya bigla nalang dumating sila Calyx.

Inlove with the Bad BoyWhere stories live. Discover now