Chapter 5: School Project

0 0 0
                                    

Shan.

"Oh bakit ganiyan mga itsura nyo? Parang natalo kayo sa lotto ah." Pang aasar ko.

"Ahe, ikaw kaya pag antayin ng ilang oras dito sa baba. Tapos yung isa dyan tamang hilata lang sa higaan niya." Sambit ni Seah.

"O sya, magluluto lang ako. Ano gusto nyo kainin?" Tanong ko.

"Kahit ano nalang." sambit nila.

Habang nagluluto ako ay nadulas sa kamay ko yung baso kaya nabasag yon at nakagawa ng ingay.

Nagulat nalang ako at lahat sila nagsi puntahan sa kusina.

"What happened?" Tanong ni Seah.

"Hindi ka kase nag iingat, Bebes e." sambit ni Calyx.

Tutulungan na sana nya ko ng bigla nalang tinulak ni Jacob si Calyx.

Lahat kami nagulat sa ginawa niya.

"Ako na." tipid na sabi ni Jacob.

Tinulungan niya ko, at alam ko ang nasa isip ng mga to! They thought that we're such a sweet enemy, little did they know that we are about to kill each other!

Hawak hawak ni Jacob ang kamay ko. Bigla nalang akong natigilan at natulala, may kung anong kuryente na dumaloy sa katawan ko.

Ano ba to, mali tong nararamdaman ko.

Pag tayo ko palang napatid na agad ako, ano bang katangahan 'to.

Someone suddenly helped me to stand up. It's Calyx.

"Are u okay?" he asked while checking me out.

"Oo, nanghihina lang tuhod ko kaya siguro napatid ako." sambit ko.

"Next time, be careful..." Paalala nya.

"Salamat." I just gave him a smile.

Nagpaalam muna ako sa kanina na maliligo muna ako dahil amoy ulam na ako.

I went to my bathroom para maligo, pagtapos ko maligo naghanap lang ako ng damit pambahay dito. Eh sa bahay lang naman ako e.

Bumaba na ko tas bigla nalang silang natigilan sa ginagawa nila.

"What's wrong?" I asked them.

"Nothing, ang blooming mo yata ngayon." Sambit ni Lui.

"Blooming your head." Pagsu sungit ko.
"Bakit nga kayo tumigil sa paggawa? Mag dikit na kayo dyan. Wag niyo akong titigan, baka matunaw ako.

"Ang ganda mo talaga, Bal!" Sambit naman ni Seah.

"Isa ka pa, babatukan ko kayong lahat. Umayos na nga kayo." Utos ko.

"Maganda ba yan? Ang kapal ng kilay tas naka glasses." Pang aasar ni Jacob.

"Alam mo ikaw, kahit kailan ka talaga dapat hindi kana sumama sa amin dito e."

"Ang puti mo pala." Natigilan kaming lahat ng biglang nagsalita si Calyx.

"Weird nyo, magsi gawa na kayo. Hindi na ko natutuwa." sambit ko.

Natapos na kaming gumawa ng project namin, at umuwi na din sila.

Wala nga pala dito si Kuya, may inutos kase sa kanya si Mommy.

Ako lang mag- isa dito sa bahay, hindi ko alam ang gagawin ko.

Gabi na din at natulog na din ako, tutal linggo naman bukas.

Nagising ako dahil sa ingay sa labas... What the, 8:00am palang ng umaga.

Who the hell is beeping in front of my house?

Inlove with the Bad BoyWhere stories live. Discover now