Chapter 9: Surprise

0 0 0
                                    

Jacob.

Nandito ako ngayon sa shop ni Ate, dinaanan ko muna sya dahil maaga syang umalis kanina binilhan ko na din sya ng pagkain nya, dahil sigurado akong hindi pa sya kumakain. Busy si Ate dahil kakapasok nya palang dito, si Ate may ari nitong shop. Matagal na talaga nito samin, pero hindi pinasara ni Ate nung umalis sya. May ibang nagooperate nito nung wala s'ya.

Umalis na ko ng shop para bumili ng mga ibibigay kay Ven. Nandito ako ngayon sa isang shop na puro teddy bear lang, naghanap ako ng Pikachu na teddy bear para ibigay sa kanya. Nung nakahanap na ako pumunta na ako sa counter para magbayad na, sinunod kung pinuntahan yung mga damit dito. Bumili ako ng isang pares ng damit at isang pajama, mahilig kasi si Ven sa mga pajamas dahil kada punta namin don nakapajama sya.

Hindi nya kasi masyadong ine-expose yung balat nya, kapag naman aalis kami minsan naka hoodie sya tas minsan naka pantalon at t-shirt pero may dala syang jacket. Pumili ako ng kulay na dark, dahil maputi naman sya kaya litaw na litaw yung kulay ng balat nya. Nagbayad na ko sa counter, at umalis na.

Bago ko gawin yung surprise sa kanya tinawagan ko muna sila Aethan at Seah sabi ko paalisin muna nila si Ven at igala kung saan at bumalik ng saktong 5 o'clock ng hapon, sinunod naman nila yung utos ko sabi ko isama nila si Calyx tutal mukhang nagkakamabutihan naman silang dalawa. At kapag tinanong ako ni Ven kung nasan ako sabihin nila na nasa bahay ako at nagpapahinga, as if naman na hanapin ako non.

Nandito pa ko sa bahay, dahil nag-aayos pa sila para umalis. 1:26pm na ng hapon, sana bago mag 2 naka alis na sila. Dami ko pa kasing gagawin sa garden nila. By the way, may susi ako ng bahay nila dahil palagi akong nasa kanila nuon. Halos araw-araw akong tambay sa kanila, bumili din ako ng mga bulaklak dahil ilalagay ko sa lapag yung mga petals at lalagyan ng 'Sorry' ako lang mag-isa ang gagawa non dahil wala yung dalawang ugok dahil kasama sila para ipasyal si Ven.

Nagtext na si Aethan sakin, nakaalis na daw sila ng bahay nila Ven. Lagi kasing duon yung spot namin para magkita kita, kapag aalis kami duon kami naghihintayan. Nag-ayos na ko para pumunta sa kanila, naka-pambahay lang muna ko dahil baka mapawisan ako at mag-amoy araw. Nakakahiya naman kung maamoy ako non ni Ven, tsaka ginagawa ko lang 'to para mag-sorry sa kanya. Para naman malaman nya na sincere ako sa paghingi ng sorry dahil sa ginawa ko, ang tanga ko kasi e. Pumunta na ako sa kanila para ayusin na yung surprise ko, magaayos lang ako mga goiz. Punta muna kayo kay Ven, hahahahaha

Ven's POV

Bigla akong inaya nila Seah na gumala, parang biglaan naman yata? Parang may kakaiba sa kanila. By the way guys, pinaiba na ni Tita Luissa yung name ng school namin. Wala dito sila Tita, pero may isa syang assistant sa school na parang namamahala habang wala sya. Pinalitan na nila ng Golden East University, like what I said papalitan nila 'yan dahil masyadong ma e-expose yung apelyido namin.

Nagpaalam muna ko kila Seah para umihi, naiihi na kasi ako 'e. Pumunta na 'ko sa cr ng mga babae, nung matapos na 'kong mag-cr may nakabangga akong tatlong babae.

"Aray!" bulyaw nito sa'kin.

"Ano ba, Ate? Hindi ka man lang nagiingat natapunan tuloy yung kaibigan namin." sabi nung babaeng kasama ng nakabangga ko.

"Sorry, Miss." tipid kong sagot. Aalis na sana ako kaso bigla nyang hinablot yung braso ko, shutanginamerts talaga kailangan sa may pasa ko talaga? Potainis naman. Tiniis ko nalang yung sakit dahil hindi naman nila alam na may pasa ako, dahil naka hoodie ako.

"Anong sorry ka d'yan? Ugly Creatures." sambit nito habang hinihigpitan lalo yung pagkakahawak nya sa braso ko. Taeinis napaka sakit na, 'pag ako nang-gigil dito sa babaeng 'to sisigawan 'ko 'to.

"Aray ko naman, Miss masakit na. Baka pwede mong ng bitawan yung braso ko?" Pagma makaawa ko. Mas lalo nyang hinigpitan yung kapit nya, juice colored! Maawa naman sana 'tong babaeng 'to, Mapapatulan 'ko na 'to!

Inlove with the Bad BoyWhere stories live. Discover now