Shan.
It's been a week...
Linggo na ang lumipas simula nung nagkasakit ako, malapit na exam namin kaya heto ako nagre- review. Kailangan ko makapasok sa with honor, I want to make my parents proud. Gusto ko din patunayan na kahit ganito ako may ipagmamalaki din ako.
Nagre- review ako dito sa baba namin, tahimik ang lugar kaya makakapag- focus ako. Magluluto sana ako ng makakain ko dahil wala pa akong kain simula kaninang umaga, nang may biglang bumusina sa labas.
Sino na naman kaya 'yon? I opened the door... I was shocked when I saw them, bakit nandito sila?
"Bakit ba nandito kayo? Hindi ba kayo nagre- review? Malapit na ang exam natin ah." sambit ko.
"Dito kami magre review, dito din kami matutulog. Masaya yon diba?" sabi ni Jacob.
"Bakit dito?" Tanong ko.
Sinamaan ko sila ng tingin, at tinanong kung sinong may pakana. Tinuro nila si Jacob.
"Pake mo ba, e gusto ko dito e." sambit nito.
Ang bossy niya! Bahay ko kaya to.
"Auh, Stupid! Ayoko!" tinignan ko sila at lahat sila naka- pout.
Aha, may dala pa silang sandamakmak na pagkain ah! Naawa naman ako sa kanila kaya napa oo nalang din ako.
Ano bang trip ng mga to?
Chelseah's POV
Wala si Shan dito sa bahay ni Jacob, kaya napagplanuhan namin na mag sleep over sa kanila. Group study na rin.
Actually, si Jacob talaga ang may pakana neto. Pumayag na lang kami.
"Baka hindi niya tayo papasukin sa bahay nila? And for sure nagre review yon ngayon." sambit ko.
"Edi bumili nalang tayo ng makakain natin sa kanila, wala na siyang palag kapag nakita nya mga pinamili natin." Sambit ni Jacob.
"Nice idea, may isip ka din pala kahit minsan." sabat ni Aethan.
"Oh, ano pang inaantay nyo? Magsi uwi na kayo para kumuha ng dami, makiki swimming tayo sa kanila pag tapos mag- review." sambit ni Jacob.
"Sige, mauna na ako ha!" paalam ko.
"Sige, Seah! Sunduin ka nalang namin, bilisan mo ha!" Sambit ni Calyx.
"Okay."
Umuwi na ako sa bahay para kumuha ng mga damit na susuotin ko kila Shandria, dalawang araw din kami duon sa kanila. Today is Friday, half day lang kami kaya naisipan namin na mag over night sa kanila.
Wala pang isang oras ay nandito na silang tatlo, sumakay na ko at inayos nila ang gamit ko sa compartment ng kotse.
Nandito ako ngayon sa likod katabi si Aethan, tinanong ko kung anong bibilhin namin?
"Ano nga palang bibilhin natin?" tanong ko.
"Mga kakainin lang natin sa kanila, worth five thousand." sambit ni Jacob.
Nag- ambagan kami para sa kakainin namin, para naman memorable yung pag- stay namin kila Shan.
"Bumili tayo ng nuggets, favorite ni Shan yon." sambit ni Calyx.
"Bakit alam mo? Ikaw haaaa!" Pang- aasar ko.
"Baliw, nabanggit lang niya sa akin." sambit nito.
Biglang nag- iba ang awra ni Jacob, para bang natalo sa lotto.
"We're here." tipid niyang sambit.
"Tara na bumili na tayo." sambit ko.
Bumili nalang kami ng mga kakainin namin sa baha... este mansion nila Shan.
YOU ARE READING
Inlove with the Bad Boy
Roman pour AdolescentsIsang tahimik at simpleng babae ang magbabago sa buhay ng bad boy... Alamiiiiin!!!! Date Started: April 21, 2020