Chapter 8: The Truth

0 0 0
                                    

Shan.

Late na 'ko naka-tulog kagabi dahil masakit yung pag-hatak sa'kin ni Jacob. Hindi ako nag-iinarte pero sobrang sakit niya, namumula na siya at papunta na sa pamamaga. Ewan ko din kung bakit naging ganito ang nangyari. Around 9 o'clock na 'ko ng umaga nagising, dito din pala nakitulog si Jacob. Hay nako, ang kapal talaga niya! Kapang kapa ko yung pagmumukha niya, bumaba na 'ko para kumain. Nagulat nalang ako dahil may nakahanda ng pagkain dito, may nakasulat pa sa sticky note. Bwiset, at sa'n naman siya nakakuha ng sticky note ha!

Hi Amazonang Vieneese,

Kumain kana, nakakahiya naman kung ikaw pa ang mag-ahin para lang sa'kin kaya ako nalang ang nag-ahin para sa'yo, kasi naman nakitulog ako dito. Sana 'di kana galit, tignan ko nalang mamaya yung namumula mong braso. Pakshet ka <3

Aba, may hiya din pala 'tong lalaking 'to. Awh, pero na-appreciate ko yung ginawa niya. Pero hindi ibig sabihin non bati na kami, yari sakin 'yon mamaya. Bwiset siya, anong Amazona? Grrrrr. Teka--- Nasan na nga pala siya? Hayaan mo na nga 'yon, baka umuwi na. Natapos na 'ko sa pagkain ko ng may biglang nag-door bell sa gate, tinignan ko naman sa monitor kung sino yon... Sila Calyx lang pala... Teka, wala naman kaming pinag-usapan na pupunta sila dito ngayon. Wala din silang sinabi sakin. Lumabas na 'ko ng pinto para pagbuksan sila ng pinto.

"Oh, ba't nandito kayo?" tanong ko.

"Ayaw mo ba? Sige bye." sambit ni Calyx.

Napaka matampuhin talaga nitong lalaking 'to!

"May sinabi ba 'ko ha, Calyx?" saad ko.

"Oo na, wala na. Papasukin mo na kaya kami?" sambit nito.

"Pumasok na kayo!" sambit ko.

Pumasok na sila ng bahay at baka mangitim 'tong mga kutis mayayaman. Wala daw si Jacob dahil pumunta daw sila ng pamilya niya sa Airport para salubungin yung ate niya. Kailan kaya ang uwi nila Mama? Miss ko na kasi sila e. Lalo na si Kuya.

"Bakit pala kayo nandito?" sigaw ko sa kanila habang kumakain ng biscuit sa kusina. "Wala naman tayong napag-usapan na tambay pala tayo ngayon ah." dagdag ko habang nginunguya ang kinakain ko.

"Wala lang, ano naman gagawin namin sa bahay? Tutunganga, tsaka wala din akong kasama sa bahay kasi nasa abroad sila Daddy." sabi naman ni Seah.

"Kaya nga, wala kaming gagawin sa bahay, tsaka puro babae don 'no. Hindi pa umuuwi si Daddy, kaya ako lang ang lalaki don. Nandon naman yung guard naman tas yung driver namin lalaki naman 'yon pero hindi ko naman sila masyadong nakakausap dahil nagtatrabaho sila." sambit ni Calyx.

"Pauwi na daw sila Jacob, diretso daw siya dito kapag uwi nila. May dala daw siyang pizza, tsaka may nuggets tas fries din daw lutuin mo nalang daw Shan." sambit ni Aethan.

Biglang naghugis puso yung mata ko nang marinig kong may dala siyang nuggets, totoo ba? Gusto ko na tuloy siya makita para makain na yung nuggets, pero hindi ibig sabihin no'n bati na kami.

"Ano, ako pa magluluto? Bahala siya diyan magluto, may kasalanan pa 'yon sakin e. Walang hiya siya!" Pagmamaktol ko habang papunta sa kanila. Hindi kasi ko makapag luto dahil sumasakit pa din yung hatak niya sa braso ko kaya naka jacket ako ngayon dahil pasa na siya, hindi na ito normal 'no!

"Sige ako nalang." sambit ni Seah. Alam kasi niya na may pasa ako sa braso e, napaka talaga no'n ni Jacob!

Maya maya pa, dumating na din si Jacob. May dala nga siyang nuggets, na-excite lang ako.

"May bagong lipat sa village ah, naglilipat na sila ng gamit. Kalahati lang ng bahay nila Shandria yung bahay nila, yon yung tantsa ko ha." sunod-sunod na sambit ni Jacob, parang may biglang tumusok sa puso ko ng tawagin niya akong 'Shandria' hindi naman n'ya ako tinatawag ng gan'yan 'e. Ayaw niya kaya 'yang itawag sakin dahil daw katunog ng pangalan ng ex jowa niya. Ano namang kinalaman ko d'on.

Inlove with the Bad BoyWhere stories live. Discover now