Hi. I wrote this poem last February 2017. I was talking to my best friend after work and we were hanging out at the back of an office building, when she told me a story about someone she knows. She said, the woman and her husband recently got separated because the husband fell out of love. My best friend then said, "Pwede pala yun no? Na after more than 10 years of being married, eh you'll fall out of love and then just decide not to work on your marriage." Sabi ko Oo naman nangyayari yun. Lalo na pag suko na.
So, that story inspired me to write this.
UNTITLED
Kumain ka na ba?
Yan ang bungad mo pag Bukas ko ng pinto
Pina pasok mo man ako
Pero sarado naman na puso moHirap din pilitin
Hirap din Ítago
Tunay mong damdamin
Alam kong papalayoKamusta ang araw mo?
Pangalawang tanong mo sa akin
Sa likod ng malambing mong boses
Alam kong hindi ka na akinHirap din talaga pilitin
Hirap din talaga itago
Tunay mong damdamin
Alam kong papalayoHeto na, heto na nangingilid ang luha
Bitbit ang mga gamit na iyong niligpit mula sa sala
Na pag tanto, na pag tanto ko ngayon
Buong buhay ko naka silid na lamang
Sa iilang mga kahonKung sana'y kasing gaan ng mga ito ang aking nararamdaman
Subalit tila ako ay pinag saklubanKay hirap pilitin
Kay hirap itago
Tunay mong damdamin
Alam ko nang kay layoMag iingat ka huling namutawi sa iyo
Paalam mahal ko tugon ng bibig ko pero hindi ng puso ko
Nilingon kita sa huling pagkakataon
Pininid mo ang pinto kasama ng ating kahaponSadyang mapait ang ating mundo
Hindi ko namalayan, hindi ko alam Bakit nag bago
Pag mamahalang binuo ng dalawang puso
Noo'y walang kasing alab, nag babaga, umaapoy
Ngayon mahal, isinantabi mo lamang at iyong tinaboyWag na nating pilitin
Kakakaying kong tanggapin
Hindi na nga naitago ang tunay mong damdamin sa akin
Sadyang ika'y kay layo
Ang layo layo mo na
Ano pa ba?
Paalam na mahal, paalam
Tigmak man ng luha ang aking mukha
Malaya ka na. Malaya.
YOU ARE READING
Heart Beat
RandomThese are my poems. Some are new but most of it I've written a few years back. Some pages will be filled with my random thoughts, musings and ramblings. Thanks for giving this oddly written words a go.