Sana

62 4 5
                                    

Sana
Sana hindi hanggang pangarap lang
Itong aking nararamdaman
Umiigting sa puso ang bawat sandali ng pananabik
Matunghayan ang iyong magandang mukha at matamis na ngiti

Sa bawat pag daan ng madilim
Na gabi
Aabangan ko naman ang pag sibol ng hari
Nag babadya ng panibagong
pag-asa
Makausap ka at maparamdam sa iyong mahal kita

Binibilang ko ang bawat minutong mag kalayo tayo
Pagitan ay karagatan sa magkabilang dulo
Sinasaisip Kahit papaano,
katulad ng Buhangin hinahampas ng alon
Sana'y bahagi ako ng malayo mong mundo

Hindi lamang panahon at distansya ang kalaban ko 
Minsa'y pati na rin ang isip at puso ko
Nag tutunggali kung ano ang mas tama
Kung mag papatuloy ba o kakalimutan ka

Subalit ang totoo, ako ay May sikreto
Alam na alam ni Bathala ang nais ng puso ko
Ang masilayan ka sa bawat sandali ng aking buhay
Ang makasama, pag silbihan at mahalin ka araw-araw ang siyang totoo kong tagumpay

Kung kaya't nag sumamo ako muli kay Bathala
Na balang araw ika'y ibigay niya sa akin talaga at hindi sa iba
Nang sa gayon ay hindi na kita papakawalan pa
Dahil ang totoong mithi ko lamang ay
Ikaw at ako hanggang sa dulo mag kasama.

— June 3, 2020

Heart Beat Where stories live. Discover now