Nakaraan

48 4 3
                                    

Sa bawat  hapdi man ng nakaraan
Di maiwasan balikan pa minsan minsan
Hindi man sinadya mapalingon
Ngunit talagang  malakas ang hatak ng kahapon

Minsan ramdam ko pa rin
ang mga hawak mo't pag lalalambing
Saksi ang buwan at mga butiin
Sa tuwing tinatangis ko ang pangalan mo sa hangin

May mga hindi man tayo noon napag ka sunduan
Kaya nauwi tayo sa hiwalayan Pero ganon pa man
Hindi ko pa din maiwasan lumingon sa ating nakaraan

Sa mga bisig mo't mga halik mo naalala ko
Doon nagkaroon ng kahulugan
Ang buhay ko
Hanggang ngayon kahit nakatanaw sa malayo
Mukha mo ang nais masilayan ko

May pait man, may tamis din naman naidulot
Ang pag sasamang nauwi nga lamang sa iyakan at lungkot
Kaya't sa aking puso at isipan pilitin ko man
Sadyang hindi ko maiwasan tanawin ang ating nakaraan. 

Heart Beat Where stories live. Discover now