Nagising sa dilim ng gabi
Tuyo ang lalamunan
Habol ang hininga
Akala mo ay malalagutanPawisang katawan
Tulirong isipan
Masakit na alaala
Pinaginipan na namanIsang basong tubig
Tinungga't ininom
Wari bang maiibsan nito
Ang pusong lulongLulong sa sakit at pait
Sa pag iwan mo sa kin
Ilang araw na bang lumipas
Hindi ka pa rin mawaglit sa isipHanggang sa panaginip
Hinahabol kita
Tama na Pwede ba
Ako'y pagod na...durog naHihimbing muli
Sa lambong ng gabi
Sana Bukas pag gising
Wala ka na sa isip.
YOU ARE READING
Heart Beat
De TodoThese are my poems. Some are new but most of it I've written a few years back. Some pages will be filled with my random thoughts, musings and ramblings. Thanks for giving this oddly written words a go.