ITIF - Part I

470 13 5
                                    

Ako si Miley Keiko Montepauco, but you can call me Maiko. Ito ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang panibagong yugto ng aking buhay.

Sa wakas kasi ay isa na akong ganap na college student. Hindi ko alam kung paano mababago ng panibagong yugto ng aking kapalaran ang pagiging isang College Student.

"Maiko!" tawag ng pamilyar na boses sa aking likuran na sya namang aking nilingon.

Hindi ako nag kamali at si Halo ang tumawag sakin.

Hasan Lorgin Hernandez, o mas kilalang Halo ang chick boy ng aming University noong Senior High pa kami. Heylo ganyan i-pronounce ang kanyang pangalan. Kasama nya si Red o Richard Edward Valdevin at si James Akira Montelava na mas kilalang Jak.

"Oy, men unang araw palang parang nag papakitang gilas kana ha! Wala pa nga tayong nakikitang babae na maganda." pang aasar ni Halo.

"Ulol. Wala naman ng nag bago sakin ako lang to. " sagot ko at sabay tawa.

"Ayun!" turo ni Red na sabay sabay naming ikinalingon. "Sya si Paris ang kilalang President ng Cheerleader. Napakaganda mga bro." dagdag pa nito.

"Asa ka Red! Ang mga magugustuhan lang nyang Paris na sinasabi mo ay wala ng iba kundi si Hasan Lorgin Hernandez." sabat ni Halo.

"O di kaya'y Miley Keiko Montepauco." sagot ko naman. At itinaas ko ang dalawang kamay ko at iminuwestra sa hangin ang aking pangalan.

"Wow. Target lock na ba?" si Jak.

"Sabi ng Kuya ko mas marami pa daw magagandang estudyante dito hindi lang daw si Paris kaya after nitong month sabi ni Kuya Jai mag sisimula na daw mag hanap ng panibagong mga miyembro ang mga Club dito. " dagdag pa ni Jak.

"O alam na boys kung saan tayo. Kahit hindi tayo marunong sumayaw sa Cheerleading Club tayo." sabat ko at sabay sabay kaming ngumiti.

Nag lakad na kami sa napakalaking unibersidad . Halos parehas lamang ito noong nasa Senior High pa kami na iisa lamang naman ang nag mamay-ari pero malayo ito sa isa't isa. Kumpara sa ngayon mas malawak ang lugar. Para itong isang napakalaking village.

Marami gusali na mag kakalayo. Lahat ng course ay naririto. Kaya naman magandang pumasok rito at isa pa iba't ibang estudyante na galing sa iba't-ibang eskwelahan ang mas gugustuhin dito tapusin ang kanilang courses. Bukod sa kumpleto na dito ay mura pa ang mga dormitoryo na titirahan.

Dahil malayo ang aming tirahan sa unibersidad na ito na pag-syahan namin na kumuha ng dorm. Si Halo at Red mag kasama sa iisang kwarto. Si Jak naman ay umuuwi dahil sinasabay sya ng kanyang Kuya at ako mag isa lang ako sa kwartong inupahan ko. Kaya malaya kong nagagawa ang mga gusto ko.

At isa pa kumportable ako na ako lang mag isa. Para naman kapag may babae akong kasama pwede sya sa Dorm ko. Hahaha for sure iba nanaman tumatakbo sa isip ko.

Nag lalakad kami paikot sa napakalaking oval na kung saan makikita mo ang Football Field, Gymnasium at pwedeng pag praktisan ng iba't ibang club.

Panay panay naman ang tingin sa kaliwa at kanan ng mga ulupong. For sure busog na busog na ang mga mata nila sa mga binibining aming mga nasisilayan.

Mga Freshmen kami kaya panibagong mukha kami sa mga to. Na dito na namamalagi araw-araw. Ang sabi pa ng Kuya ni Jak. Malamang ay pag titinginan kami ng mga estudyante dito.

Dalawang bagay lang daw ang pwedeng mangyari samin ang ma-amazed sila sa aming kagwapuhan o ma-bully kami. But wait, syempre hindi kami papayag no. Doon kami titignan sa una. Maa-amazed sila sa amin. Saan pa sila baka unang araw palang ay kumbinsihin na kaming sumali sa iba't-ibang club.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon