ITIF - Part 9

56 4 1
                                    

Nabigla ako sa ginawa ni Ruru hindi ko alam kung bakit wala akong lakas para itulak sya. Sa pag lapat ng aming mga labi ay para akong nakalutang. Ibang sensasyon ang aking naramdaman. Hindi ko namalayan na tinugon ko ang halik nya.

Tsaka ko nalang na realized na nasa labas kami ng Bar. Agad ko syang itinulak dahil baka may makakita sa amin. Laking pasasalamat ko na ni-isa sa mga kaibigan namin ay walang nag tangkang sumunod sa amin.

Napag tanto ko kung ano yung ginawa namin ni Ruru at namutawi ang kahihiyan sa aking buong pag katao. Sana lamunin nalang ako ng lupa. Ilang minutong katahimikan para sa aming dalawa bago sya nag salita.

"Maiko, pasok na tayo?" tanong nya. Hindi agad ako makasagot ni hindi rin ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako. Anong dapat kong gawin?

"Maging normal ka Maiko!" bulong ng anghel sa aking tainga.

"Masyado mong pinahahalatang may gusto ka na sa kanya." bulong naman sa kabila.

"May gusto ka na nga ba?" dagdag pa nito. Agad kong ipiniling ang aking ulo upang mawala ang mga boses na ako lang ang nakakarinig.

Mukhang mababaliw na ko.

"Maiko?" pag tawag sakin ni Ruru. Hindi ko na ito nilingon sa halip ay nag ayos ako ng aking sarili at muli ng pumasok sa Bar.

Pag pasok ko at hinagilap ng aking mga mata ang aking mga kaibigan ngunit wala na sila sa table namin kundi nandoon na sa table nila Kuya Jai.

"Akala namin umuwi na kayo!" bungad agad ni Jai sa amin.

"Oo nga Maiko! Kung hilahin mo naman si Ruru kala mo may ginawang masama." sabat naman ni Axel.

Ilang sandali pa ay nakasunod na agad si Ruru sa akin.

"Russ! Here." sigaw ng Babe na malandi! At talagang tinapik tapik pa yung upuan para sila mag katabi ni Ruru. Malandi talaga.

Tapos itong gunggong naman umupo sa tabi nito. Teka-teka bakit ganto yung nararamdaman ko. Napaka malandi kasi ng Babe-Babe na to!

Maiko please act normal! Umupo ako sa tabi ni Red at Halo. Katapat naming bangko ay kina Ruru at sa Babe na malandi. Kulang nalang ingudngod ang sarili nya kay Ruru. Kung mag pa-cute at tumawa hindi naman bagay sa kanya!

Kalma lang ako. Ipinagpatuloy namin ang pag iinuman walang tigil padin sa pag lalandian ang dalawa panay ang bulungan minsan kinikilig pa si Babe na malandi at sabay pipisilin pa yung mag kabilang pisngi ni Ruru. Patay na patay lang te?

"Patay na patay lang Kyah?" bulong nanaman ng aking diwa. "Napaka seloso mo namang tao?" dagdag pa nito. 

Ibinaling ko nalang ang isipan ko sa ibang bagay at hindi na nag bigay pa ng pansin sa dalawang taong nag lalandian.

Nakipag kwentuhan nalang ako kay Halo na andami ring kwento tungkol sa mga babae nya at tuwang tuwa naman kami ni Red dahil sa mga kagaguhang ginagawa nya. Matinik kasi ito sa babae. Pag katapos nyang paikutin tsaka nya iiwanan. Diba baliw.

Habang palalim ng palalim ang gabi ay unti-unti nadin kami nilalamon ng alak. Ilang bote na nga ba ang aming naubos. Muli kong ibinaling ang paningin ko kay Ruru at sa Babe na malandi.

Hindi nakaligtas ang mga matang nakatingin sakin ni Ruru kaya naman nilihis ko agad ang ang paningin sa kanya. Bago ko pa man maibaling ang paningin ko sa iba nakita ko pa kung paano yumakap si Babe na malandi kay Ruru. Si Ruru naman hawak-hawak ito sa bewang.

Lasing-lasingan si Babe na malandi oh. Gustong gusto. Nag paalam muna ako na mag CCR sa kanila dahil kanina pa puputok ang pantog ko. 

Matapos kong gumamit ng palikuran ay agad nadin akong lumabas. Nakasabay kong lumabas sa CR ang mga babae dahil tapatan lang naman ang CR ng babae at lalaki.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon