ITIF - Part 7

44 7 0
                                    

RURU's POV :

Simula noong isang araw na nag tapat ako na gusto ko sya at nakuha ko kung anong magiging reaksyon nya ay iniwasan ko na si Maiko. Hindi dahil nakuha ko na ang kasagutan nya kundi dahil alam kong wala nadin akong pag asa pa sa kanya.

Ilang araw nalang naman at matatapos na ang pwedeng maging ugnayan namin. Akala ko madali lang yun, yun pala hindi.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko noong araw na iyon. Hindi na ko pumunta ng club ko kundi ay nag punta ako sa kung saan ako lang mag isa.

Ilang araw nalang naman mas okay ng hindi na kami mag kita. Mas okay ng labanan ko nalang itong nararamdaman ko.

Sa condo muna ko umuuwi. Medyo malayo sa University pero mas okay na to.

Nag cut nadin ako ng mga classes ko para siguro maibsan tong sakit na nararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko mawawala din to lalo na't nakuha ko na ang sagot nya.

Oo nga, bakit nga ba? Nahihibang na ba talaga ako? Hindi ko alam kung bakit.

I also deactivated my social media accounts para iwas nadin. Kaysa makita ko pa ang mga stories and post nya.

Ilang araw na nga ba akong iwas sa lahat. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi ako mahagilap.

Ilang araw na nga ba? At ilang araw nalang din ang bibilangin. Ano kayang ginagawa nya? Nakikipag landian sa mga babae?

Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang iniisip ko. Paano ko sya kakalimutan e, sa simpleng bagay naiisip ko sya.

Hindi nanaman ako pumasok sa class ko. Nanatili ako dito sa condo. Pero bukas na bukas din taas noo akong papasok at magsisimulang muli. Walang guguluhin tao o buhay kundi sarili ko lang. Si Ruru ata to ang Chickboy ng University.

MAIKO'S POV:

Simula ng maganap ang panggagago sakin ni Ruru ay hindi ko na sya muli pang nakita.

Nababaliw na ba sya! Gagawin nya pa kong bakla para lang layuan ang mga babae sa paligid nya. Pwede ko naman iwasan ang mga babae didikit sa kanya na nagkakagusto sakin!

Waaaaaaaah. Ang sakit ng ulo ka kaisip at ilang araw nalang matatapos na ng kontrata ko sa kanya wala ng Ruru sa paligid ko.

Pero itong mga nakalipas na araw hindi ko talaga sya nakikita. Pinuntahan ko din sa Apartment nya pero wala akong Ruru naabutan. Walang bakas na nanggaling sya don. Nasaan kaya ang mokong.

"Maiko, alam mo daw ba kung asan si Kuya Ruru?" napalingon ako kay Jak. "Hinahanap kasi ni Kuya Jai, ilang araw na daw hindi pumapasok." dagdag pa nito.

Gunggong talaga yun. Bakit kaya hindi pumasok. "Ah... Eh... Hanapan ba ko ng taong nawawala?" sagot ko.

"Edi ba kayo lagi mag kasama at tsaka diba may usapan pa kayo?" sagot naman ni Jak.

"Oo nga Maiko! Siguro LQ kayo no!" dagdag pa ni Halo. Na agad ko naman binatukan.

"Gunggong!"

"Maiko!" tawag ng isang babae sakin na agad kong ni lingon.

Nakita ko si Margaux kasama ang ibang muses ng iba't-ibang courses na kumaway kaya naman lumapit agad ako dito at nakipag usap.

Nag uusap sila para sa mga darating na events kung anong pwedeng maiambag ng mga MEC (Muses and Escorts Club). Ginawan nila ng Club ang mga Muse at Escort na agad naman in-approved ng counsil at ng mga Deans.

Mabilis na tumibok ang puso ko ng may biglang humablot sakin palayo kina Margaux.

At agad kong bukang bibig ang pangalan ng isang tao gumagawa lamang sakin nito.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon