ITIF - Part 8

49 7 2
                                    

RURU'S POV :

Nanatili lang ako sa balcony upang mag isip-isip ng mga bagay. May isang espesyal na tao pa kong hinihintay na alam kong sya lang ang makakaintindi sakin. Alam kong sya lang ang tanging makikinig sakin.

Habang tumatakbo ang oras maraming bagay din ang tumatakbo sa aking isipan. Maraming gumugulo maraming katanungan at maraming ding sagot ang aking naiisip.

Bigla naman tumunog ang doorbell ng aking unit at agad akong nag tungo para pag buksan ito.

"Russel!" bungad sakin ng napaka gandang babae at agad akong niyakap nito.

"Ate Yuri." ang tanging nasambit ko at gumanti nadin ako ng yakap sa kanya. Yuri Anika Ulrich ang pinaka closed ko sa aming mag pipinsan. Simula bata palang ay lagi na kaming nag uusap. Sya ang takbuhan ng aking problema.

Pero itong problemang aking dinadala ay hindi pa nya alam at alam kong maiintindihan nya ko kapag sinabi ko sa kanya.

Nag tungo kami sa sala at naupo sa couch at namutawi ang katahimikan sa apat na sulok ng kwartong kinalalagyan namin.

"Spill it out!" pag basag ni Ate Yuri sa aming katahimikan. "Mukhang malala ang problema mo ha. Nababawasan ka ng pogi points." pag bibiro nito.

"Posible bang mag kagusto ka sa lalaki? Kung lalaki ka din?" tanong ko na ikinabigla nya at halata mo ang gulat sa kanya. Kaya naman hindi agad ito nakapag salita.

"Hindi ako bakla Ate!" dagdag ko dahil alam kong nabigla sya sa sinabi ko at alam ko kung ano agad ang nasa isip nito.

"Pero, Ate Yuri may isang tao. Iisang tao lang talaga na nag papakaba ng puso ko. Hindi kaba yon eh, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit sya sakin." pag papatuloy ko.

"Kakaiba ang nararamdaman ko Ate Yuri. Every time he's around me. Pag malapit sya sakin. Gusto ko ako lang kausap nya. Gusto ko walang lalapit sa kanyang ibang tao bukod sa mga kaibigan nya." mahaba ko pang pag kwento.

"Baliw ka na Ru." tanging nasabi ni Ate Yuri sa akin. "Baliw kana sa kanya at patuloy kang mababaliw kung ganyan ang thinking mo." dagdag pa nito.

"Ate Yuri kaya nga kita pinapunta dito para tulungan ako." dismayado kong sagot sa kanya.

"Tulungan? Kailangan mo ng payo para makalimutan sya o kailangan mo ako para mahulog sya sayo." sagot naman ni Ate Yuri.

"I already know his answer. He doesn't care sa feelings ko sa kanya. Nag tapat na ko sa kanya Ate. Pero nagalit lang sya." sabi ko.

"Weak!" sagot naman ni Ate Yuri. "Nag tapat ka kaagad?" dagdag pa nito.

-

Masaya akong nakikipag laro sa napaka lawak na field ng aming paaralan. Bully ako aminado ako. Kaya naman halos lahat ng dadaan sa field ay aking napag titripan at sa hindi inaasahan saktong pag angat ko ng baseball bat ay may tao sa aking likuran kaya naman nahampas ito ng bat na aking hawak.

Agad ko itong nilingon at doon na nag umpisa ang pag babago ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit. Bago pa ito bumagsak sa lupa agad ko itong nasalo at unti-unti ng dumaloy ang dugo sa kanyang noo. Agad akong kinabahan at humingi ng saklolo sa mga taong nakapaligid samin.

Dahil sa nangyari ay agad na nagalit ang aking magulang at nag pasyang ilipat muli ako ng school. Gusto ko man tumutol pero wala akong magawa. Second Year High School palang ako ng mga panahon nayon. 

Nag balak akong mag palipat ulit ng school sa dating school na pinasukan ko sa mga susunod na tao pero hindi parin ako pinayagan.

-

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon