ITIF - Part 6

89 9 5
                                    

Pag pasok namin ng Jix ay agad akong nag tungo sa table ng mga ulupong.

Isa-isa silang lumingon at nag manly hug kami at appearan. Napansin nila ang mga daliri ko na may mga bandaid.

Bago pa man ako makapag paliwanag ay agad naman sumulpot ang mokong sa likuran. Agad na nag si pag tayuan ang barkada ko.

"Hoy! Pre anong ginawa mo kay Maiko!" si Red sabay kinwelyuhan si Ruru.

Aawat sana ako pero hindi ko nakakitaan ng takot si Ruru.

"Kung si Maiko kaya mo. Kami hindi." sabat naman si Halo.

"Ano ba kayo Brad. Hindi si Ruru may dahilan nito." pag sisinungaling ko. "Bakit ko isasama dito kung sya may gawa nito. Baka bago pa nya magawa ito sakin ginulpi ko na sya." dagdag ko pa at tinaas taas ko pa ang mga kilay ko para kumalma ang mga ito.

Naging kuntento naman sila sa sagot ko at bumalik na sa kani-kanilang pag upo.

"Akala ko gawa yan ni Ruru. Kahit kaibigan pa sya ni Kuya hindi ko talaga sya papalampasin." sabat ni Jai. "Hinahanap ka pala ni Margaux kanina sa practice ng badminton." dagdag pa nito.

"Hindi nga ko nakapag pa alam na hindi ako makakarating dahil dito." sagot ko at itinaas ng mga kamay ko.

Sa harap ko si Halo at Red. Sa gitnang upuan naman si Jai at katabi ko si Ruru.

"Alam nyo mga brad. Mabait to si Ruru." paglalahad ko sabay inakbayan ko si Ruru. Bakas parin kasi dito ang hiya sa mga kaibigan ko.

Kailangan kong iparamdam sa kanya na welcome sya samin at hindi na sya naiiba.

"Diba Kuya Ruru." dagdag ko pa sabay tingin sa kanya.

Nag bigay lamang ito ng isang napaka tamis na ngiti.

Nag pakalango sa alak ang tatlo samantalang ako ay sinasakto ko lang kasi kung lahat kami malalasing ay walang mag asikaso pauwi sa mga ulupong.

Si Ruru naman ay hindi mo din kakakitaan ng pag ka lasing.

Matapos ang inuman ay agad kong inalalayan si Red at Halo. Si Ruru naman ay kay Jai.

Nag offer naman si Ruru na sya na ang mag dadrive pauwi sa unit ni Red at Halo.

Nag pasya na din ako na patulugin nadin si Jai sa unit ng dalawa dahil kung ihahatid pa ni Ruru ito lalayo pa ito sa apartment nya.

Matapos maihatid sa unit ang tatlo ay pumunta na ako sa unit ko ngunit nakasunod si Ruru sa akin.

"Oh, bat di ka pa umuwi?" tanong ko.

"Nahihilo na ko." sabi nya.

"Wow. Nakapag drive ka nga at naihatid mo kaming lahat eh." sagot ko sa kanya.

Bago pa ko mag salita muli inagaw nya na ng susi sa akin at sya na ang nag bukas ng pinto.

Pag kabukas ay tuloy tuloy ito sa aking higaan at sabay humiga.

"Oy Ruru! Single bed lang yan. Umuwi kana!" pangungulit ko sa kanya pero pumikit na ito na tila moy walang naririnig.

"Ruru?" tawag ko pero wala akong sagot na narinig sa kanya sa halip ay gumilid sya upang mag karoon ng space sa tabi nya.

Tulad ng lagi kong ginagawa ay pina bayaan ko na lamang ito sa nais nya. Isa pa'y parehas naman kaming lalaki.

Dalawa lang ang aking unan. Tag isa kami pero hindi ako makakatulog ng walang matatandayan na unan at mayayakap. Pero bahala na pipilitin ko nalang matulog tutal na kainom naman ako.

Ilang saglit pang pag scroll sa social media account ko ay nilamon nadin ako ng antok.

-

Nagising ako ng parang may mga matang nakatitig sa akin. I just realized naka katabi ko ang mokong at worst. Nakatanday ako sa kanya at nakayakap ako sa kanya. Ang ulo ko ay nakaunan sa kanyang braso.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon