ITIF - Part 2

153 7 0
                                    

Matapos ang klase ay ng paalam na ako sa mga kaibigan ko. Tatambay daw muna sila sa Cafeteria.

Dadaan nalang ako sa kanila o di kaya ay mag message kapag maagang natapos ang meeting ng Counsil. Hindi ko alam kung bakit kailangan kasama pa kami. Good thing is classmate ko si Margaux kaya may kasabay ako at bagong kaibigan na rin. Ang mga ulupong kasi ay mga Marketing Management kumpara sa kinuha ko na Financial. Mabuti na lang talaga at kasama ko si Margaux.

Habang palabas ng Building ay ping titinginan kami ni Margaux. Pinagbubulungan.

"Sila ang bagong muse at escort ng BA." rinig kong pang chichismis ng isang bakla sa iba nitong kasama.

"Ay deserve naman nila Girl! Pogi si Maiko at maganda si Margaux." pag sang ayon naman ng isang kasama nila. Napailing nalang ako sa inasal nila dahil kahit malapit lang pinag uusapan nila ay okay lang sa kanila.

Hindi nalang namin pinansin ni Margaux at agad na nilisan ang building pumunta na sa Gymnasium.

Iba't ibang estudyante ang naroroon. Halos lahat may itsura at halos lahat mag kakakilala. Para kaming tanga ni Margaux lingon ng lingon kung may BA Officer na sa loob.

Nag palitan nalang kami ng kwento ni Margaux. Nag kwentuhan kami ng mga karanasan namin noong High School palang kami at lubos kong ikinatataka bakit hindi ko sya nakita noon sa iisang university lang naman kami nag high school. Masaya kaming nag kekwentuhan ng mag biglang...

"BLAG!" malakas na bumangga sa aking likuran na bahagyang nag payuko sa akin. Masakit dahil malakas ang pag kakbunggo nito sakin.

Nilingon ko ito at nakita ko Ruru kasama si Kuya Jai at Axel sa likod nito.

Napatiim bagang nalang ako. "May problema ka ba sakin Ruru?" hindi ko napigilan nag sarili ko.

"Ikaw may problema ka ba sakin?" balik tanong nito sa akin.

"Maiko, sorry. Pag pasensyahan mo na to. Simula pa kaninang umaga bad mood na to!"sabat ni Kuya Jai at tsaka hinawakan sa balikat si Ruru.

"Brad, kung may problema ka sa ibang bagay wag mo sakin ibuntong. Hindi mo ko kilala." inis kong sabi kay Ruru. Handa nakong makipag suntukan sa kanya oras na may gawin pa sya.

"Ako hindi mo kilala?" tanong nito.

"Hindi! At wala akong balak kilalanin at kaibiganin ang tulad mong magaspang ang pag uugali." sagot ko sa kanya na mas lalong ikinanuot ng kanyang noo. Halos lumukot ang kanyang mga kamao sa sinabi ko.

"Ruru, ano ka ba! Hindi ka naman ina-ano nitong si Maiko. Nag hahanap ka ba ng gulo. Hanggang ngayon hindi ka parin nag babago!" biglang sabat ni Margaux na ikinagulat namin tatlo nila Kuya Jai at Axel.

Ngumisi naman si Ruru bilang tugon sa naging pag sabat ni Margaux.

"Talaga ba? Kaya mo ko iniwan kasi ganto ugali ko." sagot naman ni Ruru. Namas lalo ko pang ikinanganga sa gulat.

Kaya siguro ako nito binunggo marahil kasama ko ang babaeng nang iwan sa kanya. Dahil sa ipinakita nyang ugali mas may dahilan ako para mas lalo ko pa syang inisin. Sinimulan mo ako ngayon makikipag laro ako sayo Ruru.

Sya pala ang dahilan kung bakit ka ganyan sa akin.

"Tara na Maiko! Mag hanap tayo ng ibang pepwestuhan malayo sa mayabang na to!" pag anyaya at hila sa akin ni Margaux.

Mag kahawak ang aming kamay ni Margaux na sabay umalis sa aming kinaroroonan. Bago pa man kami makalayo ay narinig ko pang bumulong si Ruru.

"Kung anong akin ay sa akin!"

Napangisi ako ng lubusan sa aking narinig. Mas mag eenjoy ako sa laro nyang sinimulan. Si Margaux pala ha! Humanda ka pa.

Matapos ang meeting ng counsil ay agad na kaming lumabas ng gymnasium. Nag paalam naman sa akin si Margaux at ako naman ay pupuntang Cafeteria para kumain. Nagutom din kasi ako.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon