ITIF - Part 3

98 8 0
                                    

Simula noong naganap last week ay hindi na muling nanggulo pa si Ruru sa akin. Kahit madalas kaming magkasalubong kasama ng aking barkada.

"Himala Maiko. Hindi ka na pinagtitripan ni Kuya Ruru." paninita ni Jak sakin.

Nag kibit balikt nalang ako.

"Eh diba busy na sila sa pag pa-practice para sa Mr. and Ms. University. Tiyak akong wala ng time yang Ruru na yan para pag tripan si Maiko." sabat ni Halo.

"Lakas tama din talaga yan! Kung hindi lang dahil kay Kuya Jai. Baka sinuntok ko nayang si Ruru." Sagot naman ni Red.

"O'ngapala Maiko. Balak mo sa Mr. and Ms. U. Batikan ka na sa larangan na yan tiyak akong BA ang mag uuwi nanaman ng korona. Dapat galingan nyo ni Margaux. Balita ko hakot award daw last year sila Pearl at ng dating Escort." pag iiba ni Jak ng usapan.

"Speaking of Mr. and Ms. U guys! Mauna na ko may practice pa pala kami. Alam nyo naman pag late pinapatakbo sa buong oval." mabilis ako nag paalam at tumakbo sa gymnasium.

Ayokong tumakbo no. Mapapagod at mababawasan ang kapogian ko. Pumunta agad ako sa locker para makapag palit ng pam practice.

Tinignan ko ang oras at 5 minutes nalang ay mag start na ang practice. Inilapag ko nalang muna ang gamit ko sa bench at nag tungo sa comfort room para mag palit. Pag balik ko ay wala na ang bag ko kung saan ko ito nilagay.

Takte naman kung kailan nag mamadali tsaka naman nawala ang bag ko. Naroon lahat ng importanteng bagay sakin. Tatakbo nalang ako ng oval kaysa hindi ko mahanap ang bag ko.

Ilang minuto narin ang pag hahanap ko pero bigo akong mahanap ito. Hindi pwede nandon ang susi ng dorm ko. Allowance at cellphone ko.

Nawalan na ko ng tiwala na mahahanap ko kaya nag pasya akong mag tungo na sa gymnasium at inisip nalang na lalabas ang bag ko pag tapos ng practice.

Tulad ng inaasahn ko ay paparusahan ako dahil sa late ko. Kahit anong paliwanag ko sa instructor ay hindi ito nakinig at wala na din akong nagawa kung di tumakbo pa-ikot ng oval.

Tumatakbo ako ng may biglang sumabay sa akin si Ruru. Nalate din tong mokong na to ano nanamam kayng ginawa nito.

Hindi ko na sya tinapunan ng pansin. Tumakbo lang ako ng tumakbo para matapos na tong parusa sa akin.

Bigla naman may pumasok sa isip ko hindi nalelate si Ruru sa practice palaging nauuna sya. Paanong nalate sya. May hinala na ako na sya ang nag tago ng bag ko kaya late ako. Ang dumi mo mag laro.

Matapos kong tumakbo sa oval ay pumasok na ako sa Gymn. Hindi ko alam kung bakit halos lahat ng makita ako ay tumitingin sa akin. Kakaibang tingin. Parang may mali. May iba talaga sa mga tinginan nila. Hindi ko lang ito pinansin at pumwesto na.

"Bakit ka na late." tanong ni Margaux ng makita ako.

"Basta mahabang kwento." sagot ko.

Kahit may nararamdaman akong hindi maganda ay hinayaan ko nalang at normal na ipinag patuloy ang pag papractice.

Bago matapos ang practice ay nakita kong pumasok ang mga kaibigan ko sa Gymn. Alam kong may ibang mangyayari kaya andito sila.

Matapos ang practice agad akong tumakbo sa kinaroroonan nila. Wala akong ideya kung bakit andito sila ng usapan namin ay magkikita kami sa unit ko para gumawa ng project.

"Maiko! Bad news." paunang bati ni Red sa akin.

"Ano yun Brad?" tanong ko at nakita ko pang nag mamadaling tumakbo palabas ng Gymn si Ruru.

"Nabasa mo na ba yung post mo?" tanong ni Jak.

"Anong post? Wala akong maalala na post? Hindi din ako nag popost." sagot ko dito.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon