ITIF - Part 11 : MAIKO

40 3 2
                                    

Nakakainis! Ewan ko ba. Hindi ko na alam itong nangyayari sakin. Ano nga ba itong nararamdaman ko.

Naalala ko pa yung huli nyang sinabi kagabi na hindi na nya itinuloy.

"Naalala mo yung sinabi ko sayo noong nakaraan? Na gusto kita? I mean it. Gustong gusto kita mata......" hindi nalang ako tumugon pa dito kunwari ay tulog na ako hinihintay ko pa kung anong sasabihin nya pero hindi nya na ito itinuloy marahil akala nya siguro ay nakatulog na talaga ako.

Gusto gusto ka pang nalalaman. Eh samantalang pag gising mo halos mag lampungan nalang sila ng Babe nyang malandi. Bakit naiirita ako pag mag kadikit sila. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganto ang nararamdaman ko. 

One hour nang makauwi ako kanina ay agad akong nag text kay Ruru dahil may mga bagay na bibilin din naman ako at baka may gusto lang syang ipasabay sakin pero ang totoo ay gusto ko lang talaga syang makita. "Ru, may ipapagawa ka ba or ipapabili? I'm going to supermarket baka lang may ipapasabay ka?"

But I received no response from him. Siguro busy sya. Sabagay nandon ang Babe nya. Bakit ba kasi ang tanga ko sa part na hindi ko naramdaman ito kung kailan meron na syang iba. Pero tama rin naman siguro ito kasi abnormal tong nararamdaman ko. Una parehas kaming lalaki. Pero kasi sa panahon ngayon normal na ito. Alam kong tanggap na ito ng lipunan at malawak na ang pananaw ng bawat tao ngayon sa ganitong relasyon.

Teka, bakit ba ganto ang naiisip ko. Hindi pa masyadong malinaw kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Pero alam ko sa sarili ko...

Isang message mula sa aking mga kaibigan ang aking na received. Sakto at papunta ako ng supermarket kahit wala naman talaga akong bibilhin ay nag text ako kay Ruru na kung may ipapasabay sya. Kaso wala akong nakuhan response sa kanya. Busy nanaman sa Babe nyang malandi!

Ewan ko ba pag nakikita ko silang nag haharutan sobrang irita ko. Hindi maganda sa paningin.

Ilang oras pa kong nag hintay ngunit wala talagang balak mag reply ang gunggong. Kaya naman nag handa na ako para kitain ang mga ulupong sa mall. Hindi na ako mamimili kasi wala naman talaga akong bibilhin.

Mabilis lang akong nakarating sa aming tagpuan at usual na ginagawa namin mag libot, manggulo at mag hanap ng magagandang babae. Tuwang-tuwa naman sila Halo , Jai and Red sa mga nasisilayang mga nag seseksihang babae. Mabilis lang din lumipas ang oras. Habang nag lalakad at nag hahanap sana ng makakainan.

"Kuya Ruru!" biglang sigaw ni Jai. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pag kakabanggit ng pangalan ni Ruru.

"Oh boys! What are you doing here?" Tanong ng Babe na malandi! "Malamang nag shopping." sagot nya din na agad kaya nag tawanan ang tatlo. May sapak na ata to eh. 

"Hi Ate Yuri." pagbati ni Halo sa Babaeng malandi! Naka ngiti pa ang mokong kala mo naman papansinin sya ng malandi na yan eh kasama nya yung hinaharot nya.

"Oh Hi Halo." sagot naman nito kay Halo. Aba, talaga nga namang malandi. "Ru, what you think ang ganda ng couple shirt na to no?" tanong nito kay Ruru. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero may kirot sa puso ko ng marinig ko ang mga salitang binitawan ni Yuri. Couple Shirt? Couple Shirt. Paulit-ulit na nag sisirkulo sa aking utak ang salitang couple.

"Wow! Ate Yuri ang gandang couple shirt naman nyan." sabat naman ni Red at tuwang-tuwa pa. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero ang bigat bigat. "Feeling ko tatagal kayo Ate Yuri ni Kuya Ruru." dagdag pa nito na lalong nag pa wala sa mood ko kaya naman inaya ko na ang ito umalis.

"Tara na mga bugok. Bigyan nyo naman ng babe time yang dalawa! Tssss." inis na sabi ko sa tatlo at tumalikod na ako ngunit agad naman akong tinawag ni Yuri. 

"Maiko wait!" pag tawag nito sakin gusto ko man syang hindi  lingunin at ipagpatuloy ang pag lalakad pero isang kabastusan para sa kanya ito at lalo na sa mga kaibigan ko. Kaya nilingon ko ito.

"Sabay-sabay nalang kaya tayo mag dinner. Okay lang naman sa akin. Bayaran ko lang to." sabi ni Yuri ang Babe na malandi. Gustohin ko man tumanggi pero hindi talaga pwede. 

"Yun naman pala eh." sagot ni Jai sabay-sabay nag appear ang tatlo. Talagang tuwang-tuwa silang makita ang Yuri na to. Sinulyapan ko si Ruru na parang hindi din mapakali sa mga nangyayari.

Sumusunod lang ako sa kanila. Sila lang ang masayang nag ke-kwentuhan at wala akong time para makisali sa kanila. Napag pasyahan nalang namin na isang fast food chain nalang kami kumain para mabilis ang servings.

Habang kumakain walang sawang nag bubulungan ang gunggong na si Ruru at ang higad nitong kasama. Ewan ko ba naiinis talaga ako. Any moment sasabog nalang ako bigla. 

Bakit ganito yung pakiramdam ko. Bakit nga ba? Ilang minuto pa ang nakalipas at nanatili padin silang nag lalandian at sa kasamaang palad hindi ko na kaya pa ang nakikita ko. Si Ruru na hindi man lang ako kinakausap. Ilang araw pa naman bago matapos ang napag kasunduan namin. 

"CR lang ako." sabi ko at madaling madali ako sa pag punta sa Comfort Room.

"Maiko. Calm down. Anong problema mo." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at nag hihilamos. Kalma Maiko. Wag kang papadala sa emosyon mo ngunit bigla naman sumulpot si Ruru malapit sa akin na agad nahagip ng aking mga mata.

"Maiko." tawag nito pero nanatili akong nakatulala sa kanyang kinatatayuan at nang tatalikuran ko na ito ay muli nya akong tinawag.

"Maiko." muli ay hindi ako sumagot at ilang saglit pa'y ihiniharap ako nito at dali daling niyakap ng mahigpit. Isang yakap na nag palusaw sa akin. Lahat ng mood na naramdamanko kanina ay biglang nawala isang yakap lang ni Ruru lahat nawala. Ibang pakiramdam ang naramdaman ko sa mga oras na yon. Napaka komportable. Parang safe na safe ako pag malapit sya sa akin gusto lagi syang malapit sa akin.

Bigla kong naisip na kung anong ginagawa namin at kung nasaan kami at hindi tama itong nangyayari samin. Una sa lahat may girlfriend sya.

"Nahihibang ka na ba Ruru? May girlfriend ka!" inis kong sabi sa kanya. "Wala kabang magandang iisipin kundi pag laruan ang feelings ng ibang tao?" dagdag ko pa. Hindi nakakatuwa ang mga ganitong bagay lalo na may girlfriend sya at hindi pa sakin clear kung ano ba talaga ito.

"Feelings ng ibang tao?" naguguluhan nitong  tanong sakin.

"Hindi ko alam kung manhid ka pero napaka gunggong mo para pag paikut-ikutin ang mga taong gusto mo pag tripan." galit kong sagot sa kanya.

" Maiko hindi ko magets." sagot naman nito.

"Hindi mo magets? Ang maganda mong gawin don ka sa dapat! Sa Babe mo!" galit kong sabi at sabay nag lakad patalikod sa kanya ngunit bago pa ako makalabas ay agad akong  napigilan at muling iniharap sa kanya.

"Babe?" tanong nya sa akin at kunot noo. " Are you jealous?" dagdag pa nito na nag paistatwa saking kinatatyuan.

"Maiko are you jealous kay Yuri?" pag ulit nitong tanong at isang malakas na suntok ang aking binitawan sa kaniyang pisngi. Kita ko pa ang daing nya at may dugong tumulo sa gilid ng kanyang labi. Gustohin ko man bawiin ang mga nangyari ngunit nagawa ko na. Siguro ito yung tama at sa galit ko ay nasuntok ko sya. Isang buntong hininga muna ang ginawa ko bago ko pakawalan ang mga salitang gustong gusto ko ng sabihin kanina pa.

"OO! NAG SESELOS AKO. PERO WALA KANG KARAPATAN PARA PAG LARUAN ANG FEELINGS NI YURI AT NG FEELINGS KO." sabi ako tumalikod na. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay agad agad naman nag bagsakan habang mabilis akong naglalakad papunta sa basement ng mall. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko sa ngayon gusto ko lang mapag-isa.

Lakad takbo na ang ginawa ko upang makapunta agad sa basement nakakahiya naman na makita ako ng mga tao na umiiyak.

Ano ba itong nararamdaman ko. Bakit sa tuwing nakikita kong mag kadikit si Yuri at Ruru ay nag seselos ako. Bakit gusto ko sa akin lang malapit si Ruru. Bakit gusto ko ako lang kausap nya. Bakit gusto ko ako lang. Siguro nahuhulog na ko sa kanya. Posible palang mangyari ito. Siguro nga gusto ko sya. I think I'm Fallen for Ruru.

---------------------

A/N : Sorry ngayon lang nakapag upload at hindi ko alam kung okay ba tong update ko. NAg rerefresh pa ko ng utak. HAHAHAHA



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon