ITIF - Part 5

151 8 5
                                    

Gumising ako ng maaga para puntahan si Ruru sa apartment nya para narin humingi ng pasensya.

Dumaan muna ako sa fastfood upang bumili ng almusal doon nalang siguro ako mag aalmusal sabay na kami. Baka siguro kulang lang talaga sa aruga ang isang iyon kaya ganon ang ugali.

Wala kayang kapatid yun? Abnormal na utak eh.

Matapos umorder ay pumunta na ako sa apartment ng mokong.

Sakto andon ang kotse nya. Wala atang practice ang mokong. Mamaya pa kasi ako mag papractice sa Badminton.

Badminton kasi ang sinalihan kong sport. Hindi naman ako marunong pero gusto ko lang hindi masyadong pisikalan kumpara sa Basketball o Taekwando.

Kumatok muna ako. Pero walang sumasagot. Katok ulit. Pero wala padin.

Sinubukan kong pihitin ang seradura at nabuksan ito. Aba ang mokong nakalimutang ilock ang pintuan.

Pag pasok ko naabutan kong isang plastic bag ng pag kain na hindi man lang nagalaw at sa tantsa ko ay kagabi pa ito nabili.

Mas lalo tuloy akong nakonsensya dahil umalis ako ng walang paalam at kaya pala parang matagal sya kagabi ay bumili ng makakain.

Paano kaya ito sayang naman yung binili nya.

Sumulyap ako sa kanyang kama at mahimbing itong natutulog. Napatingin ako sa kanyang maamong mukha. Iba din talaga ang angking kagwapuhan nitong si Ruru. Deserve nya talagang manalo dahil bukod sa itsura may talino din talaga ito. May kakibang ugali lng talaga.

Kinuha ko ang mga pag kain at nag pasyang initin nalang ito. Inihanda ko na ito sa hapag kainan kasama ng aking mga binili.

Pumunta ako sa kinaroroonan nya para gisingin.

"Ruru." pag tawag ko at tapik sa braso nya.

"Ruru." pag ulit ko pero hindi parin nagigising.

Sipain ko kaya itong mokong na ito para magising. HaHaHa

"Ruru." pag ulit ko pa ulit. Medyo nilakasan ko na at sa di inaasahang pag kakataon ay hinigit nya ako bumagsak ako sa nakahiga nyang katawan.

Panandaliang nag lapat ang aming labi at kita ng mata ko ang pag dilat ng mga mata nya.

Agad akong bumangon at tumalikod ni hindi ko alam kung anong aking gagawin. Tila ba nawala ako bigla sa aking sarili sa kaganapang iyon. Hindi ko inasahn ang ganong bagay.

Wala naman akong nakuhang response sa kanya sa halip ay nag tungo sya sa banyo at pag kalabas at ay nag tama nanaman ang paningin namin ay agad akong nag iwas. Hindi ko alam pero naiilang ako sa kanya.

Umupo sya sa hapag at sinimulang kumain. Ako din ay umupo nadin paharap sa kanya pero hindi ko na ito tinapunan pa ng pansin. Hindi na ako nag aksaya ng oras at kumain na din.

Kita ko kung paano nya lantakan ang mga pag kain sa harapan nya. Gutom na gutom ang mokong marahil siguro ay hindi ito kumain kagabi.

Matapos kumain ay agad kong iniligpit ang pinag kainan namin.

Matapos ay naupo nalang ako at nag browse nalang sa cellphone. Nag aantay na lamang ako ng pwede nyang ipag utos.

Habang abala ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Margaux.

"Oo, mag pa-practice ako mamaya Marg." sagot ko sa kabilang linya.

"Sige. Mag kita nalang tayo sa oval." dagdag ko pa at bigla nalang hinablot ang aking cellphone.

Ayan nanaman mukhang nalugi nanaman itong mokong na to. Ewan ko ba kung bakit dinadamay pa ko nito sa kanila ni Margaux. Pwede naman nyang ligawan ulit yun at magbalikan sila. Tama ayon kaya ang gawin ko para hindi na ko tumagal ng isang buwan sa kanya.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon