ITIF - Part 4

95 9 0
                                    

Kinakabahan ako sa maaring maging resulta. Do or Die na to. Ako si Ruru at katabi ko ito. Parehas naka suot ng head phone sa aming mga tenga. Wala kaming marinig kahit malakas nahiyawan ay hindi namin marinig. Tanging ang tugtog lang na nanggagaling sa headphone ang aming naririnig.

Iniisip ko kung anong pwedeng maging tanong. Dahil intrams ng school malamang tungkol ito sa sports pero hindi ko lang ipinocus ang sarili ko sa mga ganoong tanong. Isinaisip ko din ang ibang mga posibilidad na tanong.

Sa tingin ko isa isa na kaming tatawagin dahil nag simula ng mag salita ang MC na si Pearl.

Mataas ang posisyon nya sa Counsil kaya madalas sya ang nagiging tagapagsalita ng Counsil. Sadyang napaka ganda ni Pearl hindi ko lang sure kung ito ay may boyfriend na. Madalas kasi talagang nasa Officer's office or Counsil Office lamang ito. Mabait at matalino pa.

Pumwesto na ang unang isa samin nila Ruru. Habang pinag mamasdan ko ang crowd alam kong maganda ang naging sagot nito.

Hinihiling ko lang talaga na manalo ako o manalo ang unang kalahok na nasa harapan. Para matapos natong kalokohan ng mokong na si Ruru.

Marahil natapos ng sumagot si Rocco ang Mr.PolSci.

Gagawin ko nalang ang best na pwede kong isagot.

Inalalayan na akong tanggalin ang head phone sa tenga ko. Agad akong lumapit kay Pearl na syang mag bibigay ng tanong sa akin.

"Hi Mr.BA, medyo kakaiba ang tanong at may twist. Ready ka na bang sumgot?" tanong nito sa akin.

"Ready naman po." sagot ko dito

"Bago ko ibigay sayo ang tanong. Maari ko bang malaman kung ano ang iyong nararamdaman?" balik tanong ni Pearl.

"Medyo kabado pero kakayanin. Para sa BA Department!" sagot ko sabay kaway sa pwesto ng mga BA Student.

"Here's your question Mr.BA."

"Kung papipiliin ka? Mahal mo o mahal ka?" tanong nito. "Wait ang twist is kung anong mapili mo sa dalawa paano kung ang Mahal mo ay kaparehas ng iyong kasarian o ang nag mamahal sayo amay kaparehas mo ding lalaki?" sa narinig kong tanong ay bigla akong nawala sa sarili ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong tanong.

Marahil sa panahon namin ngayon hindi na iba ang same sex relationship. Kahit saan makakakita ka ng ibang tao pero I'll answer what's on my mind at kung anong lalabas sa utak ko.

"Thank you po sa tanong. Base to our society now hindi na po kaso ang samesex relationship but for me. Para sa aking pananaw I will choose the one that I love. Pero paano kung lalaki ito tulad ko. Simple lang po If you can love someone you can let go it too. I know it is hard bit for me ito ang best nagagawin dahil para po sa akin ang pag mamahalan ay para sa lahat subalit nararapat lamang po na ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae lamang po. I'm not against to third sex but doon tayo sa realidad hindi magiging normal ang pag sasama ng mag kaparehas na kasarian. Yun lamang po. Thank you!" sagot ko at kita ko ang pag ka dismaya ng iba sa aking naging sagot lalo na't ang mga kabilang sa ikatlong lahi.

Hindi ko nalang pinansin ito dahil sinagot ko lang naman ito kung anong nasa isip ko. Bumalik na ko malapit sa kinatatayuan ng naunang sumagot at hindi na muli ibinalik ang aking headphone.

Nakita ko naman na pumunta na sa harapan si Ruru at sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao. Sadyang maraming taga hanga din ang lalaking ito kahit magaspang ang kanyang ugali.

Kinamusta rin ito ni Pearl at muling itinanong ang tanong sa akin.

"Hi mga Arki! Before I answer that question magandang gabi po sa inyong lahat. Kung papipiliin po ako sa taong Mahal ko o Mahal ako. I rather chose yung Mahal ko dahil mas okay ng iparamdam ang pag mamahal mo sa taong minamahal mo. Dahil ang pag mamahal ay walang hinihintay na kapalit. Kung i-refused man nila ako I'll accept it. Atleast ibinigay mo lahat na pwede mong ibigay. At kung sakaling lalaki ang mahal ko. It doesn't matter who he is. Kasi ang pag mamahal ay bulag you can't choose kung kanino ka tatamaan ng love. So, what gender ang mamahalin mo ay okay lang para sa akin dahil ang pag mamahal ay walang pinipili. Handa kong isugal kung anong meron ako para lang sa pagmamahal." sagot nito at isang napakalakas na hiyawan at tilian ang narinig sa buong oval.

I Think I'm Fallen (BL Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon