Chapter 1

67 4 13
                                    

CHAPTER 1

Bumungad sa aming dalawa ang ma-alacoliseum na function hall. Di mo talaga maiisip na sa ganitong school may pa bonggang coliseum pa itong hatid.

"Sige nandun ang mga classmate ko, nice to meet you nga pala Jonathan." Kumalas na siya sa pagkakaakbay sa akin at umalis. Parang biglang gumaan ang loob ko ng umalis siya sa tabi ko, wala ng gwapong magpapakilig ng ganito kalala sa akin.

Nakatingin ako sa kaniya hanggang sa umabot siya sa kaniyang upuan. Sinuri ko ng mabuti ang mga kasamahan niya at mas-fancy pa sila kesa sa amin. At doon ko napagtanto na ang kanilang section ay ang nangunguna sa Grade Eight-sila ang mga first section. Kaya pala magaling um-ingles si Iben kanina.

Hinanap ko ngayon ang mga kasamahan ko. Di naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita ko naman si Christine na dumudutdut sa kaniyang Cellphone. Ang problema nga lang wala akong mapaguupuan kaya naghanap ako ng bakante sa likod at di naman ako nabigo.

Saktong pag-upo ko nagsimula na ang Orientaion. Siyempre magsisimula muna sa taimtim na pagdadasal at sumunod ang National Anthem.

"Okay, good morning! Welcome all MAXIMILLANS. I will be your MC for this morning, by the way I'm Ma'am Donna Borja. And for the first speaker let us welcome Mrs. Maria Milagros, our dear principal.

Lumabas sa likod ng stage ang isang babaeng naka-itim at medyo tadtad ng make-up.

"Morning all students"

Ang langya niya at parang walang ganang humarap sa amin.

"So since this is our Morning oriention, let me introduce myself. I am Maria Milagros, you dear principal. Today I will be discussing with you the major rules in the campus."

Everybody is not listening and some of them ay nagsecellphone at parang walang balak makinig sa Orientation.

"TAHIMIK! AND LISTEN!"

Sumigaw si Ma'am Maria sa kalagitnaan ng Orientation. Nanamihik ang lahat at umayos ng upo.

"Good."

Mas lalong bumibigat ang atmosphere ng nagsimulang maglakad-lakad siya sa Function hall na parang sinusuri kami mula ulo hanggang paa.

"Rule №.1, everybody should dress right! No spaghetti strips! Like this girl. "

Hinila niya ang isang babaeng naka-itim na spaghetti strips at parang G.R.O. ang dating. Mga grade 10 ata yung babae.

"The first rule! Is to dress right!"

So tama naman tong suot ko kasi di naman ako sobrang sexy. Chos!

"Here are some kinds of violation in terms of dress coding."

Marami siyang pinost na mga rules sa isang malaking projector at nakita ko ang iba't ibang dress code na dapat at di dapat suotin. Bawal daw ang magsuot ng to fitted to short na ibang damit.

Madami pang mga sinabi si Mrs. Principal, tungkol pa sa iba't ibang dress codes at ipinakilala niya ang faculty at staff. So yung Counselor na pumunta sa amin kanina ay si Ma'am Pipay Alfuentes at napakilala rin sa amin ang aming Prof. na si Sir. Anastacio Bayani na kasalukuyang wala dahil may importante raw'ng pinuntahan at baka mamayang ala-una ay narito na siya.

Di parin mawala sa isipan ko yung nangyari kanina sa Corridor. Ang lapit talaga ng mga mukha namin nun at magkikiss na kami. Nakatutok sa ang aking atensyon sa kaniya na masayang nakikihalobilo sa mga kasama niya. Para talaga siyang pinaglihi sa gluta dahil sa sobrang kinis at puti ng balat niya. Mga ngiti niya ay sobrang ganda na parang hinulma mismo ng diyos at yung buhok niyang mapula-pula dahil sa kulay.

Beating HeartWhere stories live. Discover now