CHAPTER 6
Lunes.
Umuulan.
Sa kalagitnaan ng paglalakbay ko patungong paaralan, may nakikita akong mga batang naglalaro sa may tubig ulan.
Nakasakay kami nila Ate Mayda sa tricycle kaso di parin 'yun sapat para di kami mabasa ng ulan. Lalo na't may butas pa ang kisame ng tricycle. Si Tito naka kapote at kami ni ate ay may baong mga payong, si papa naman ay sinosolo ang ulan. Wala siyang kahit na anong kapote o payong tanging sumbrero lang niya ang nagpro-protection sa kaniya.
Mabagal ang usad ng sasakyan at sa tingin ko ay matatagalan kami sa biyahe. Maaga man kaming umalis ay paniguradong male-late parin kami.
Mga quarter to seven nung makarating ako sa harapan ng gate. Malakas parin ang ulan kahit nung maka-abot kami sa harap ng school. Malamig at malakas ang ihip ng hangin at wala masyadong mga tao sa labas ng school.
Binuksan ko ang aking payong at lumusob na sa rumaragasang ulan. Nagpaalam na ako kina ate at papa bago umalis. Sa aking pagpasok wala ang guard sa post niya tanging log book lang nandoon.
Nang umabot na ako sa loob ng corridor. Isinara ko na ang aking payong at naglakad. Medyo basa pa iyon kaya kailangan kong maghanap ng paraan para matuyo 'yun. Walang tao sa paligid o kahit na teachers. Tahimik ang kahabaan ng corridor, kaya napagisip-isip ko kung saan kaya sila pumunta. Wala ring tao sa mga classroom at sa iba pang silid.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa umabot ako sa library. Nakita ko ang mga ilaw na bukas, ngunit walang librarian. Malakas parin ang buhos ulan at para atang magdamagan ang buhos neto.
Nasa entrance door na ako ng Library ng may bagay na tumama sa likod ng ulo ko dahilan para sumobsob ang mukha ko sa siradong pintuan. Sa lakas ng Impact para atang made-deform tong ilong ko.
Tumingin ako sa aking likuran habang hawak-hawak ang parte kung saan ako tinamaan. Isang Soccer ball iyun. Katapat lang pala ng library ang soccer field. Paglingon ko sa taong pinagmulan ng bola ay napaatras ako.
Si Ralph Garnet.
Ugh! Hanggang dito ba susundan ako ng kamalasan. Kailangan ko na talagang umalis sa lugar na toh!
Naka-plain white t-shirt lang siya at black shorts habang pinarisan ng itim na soccer shoes. Kitang-kita ko sa mukha niya na dismayado siyang makita ako matapos niya akong nahalikan. Suspended lang sila ng halos three days kaya bumalik na sila ngayong lunes. Oh! Diba unfair?
"Your back?" Taka kong tanong kahit na alam ko na yung sagot." Walang sorr—"
"Fuck off!" Galit niyang sambit sa harapan ko. Napaatras ako nang lumapit siya sa akin, baka kasi halikan ulit ako netong baliw na toh! Kinuha niya ang kaniyang bola at patakbong umalis sa harap ko. Well that was rude?
Habang siya'y tumatakbo nakikita ko sa likod niya ang malapad niyang balikat at magandang arko sa bewang at likod. Naalala ko tuloy nung hinalikan niya ako sa labi.
Pwe! Hoy! Jonathan wag mo nang balikan yun! Kadiri kang bakla ka!
Napansin kong siya lang mag-isang naglalaro. Asan kaya talaga mga tao dito. Baka may mangyari pa sa amin dito lalo na't kami lang dalawa. Yuck!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng maabutan ko ang grade 10 na classroom. Nakita ko ang isang ginang na patalikod na nakatayo sa mesa. Nakatalikod siya at may tinitingnan ata sa kaniyang cellphone.
Lumapit ako sa pinto at kumatok." Excuse me po? Asan po yung ibang estudyante maam?" Tumingin siya sa akin at pinatay ang Cellphone. Naglakad siya patungo sa pinto kung saan ako nag-aabang at ipinakita niya sa akin ang isang masayahing ngiti.
YOU ARE READING
Beating Heart
General FictionBeating heart | Bl series#1 Jonathan Pamintuan, a gay transferee from another school will face misfortunes as he uncover his new chapters in his life. Yup! He is gay. And being gay isn't that easy to handle. Life wasn't being nice to Jonathan. Alth...