CHAPTER 11
Nasa kalagitnaan ng pagle-lecture si Ma'am Pernitez sa'min ng biglang may tumawag sa phone niya, lumabas naman siya saglit at tinugon ang caller.
Mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung di namin pagkakaintindihan ni Iben pero okay na kami ngayon. Nakumpirma ko rin na meron ngang away na naganap sa pagitan nila ate jiji at ate Mika. At magpahanggang ngayon wala parin si Kuya. Walang kahit na anong balita tungkol sa kaniya. Alalang-alala na nga si Mama sa kaniya eh.
"Uyy, malalim ba yang iniisip mo?" Tanong ni Iben sa'kin na pumukaw sa isip ko at bumalik sa reyalidad.
"Wala okay lang ako." Saad ko habang nakatingin sa may pisara. Pumasok na si Ma'am Pernitez atsaka kinuha ang ibang gamit niya sa lamesa.
"Sorry to disturb this class, but there is a emergency that i needed to attend. Just wait for Mr. Hidalgo he'll be here soon." Umalis na si Ma'am sa silid dala-dala ang gamit niya.
Nagingay ang klase at balik sa daldalan ng mawala si Ma'am. Ako naman ay tuod na naka-upo sa upuan at hinihintay ang susunod naming guro.
"Hey, wanna join volleyball? This coming August na ang Bigban's Cup, na move lang siya kasi Mr. Amethyst wants us to be more prepared." Masayang tugon ni Iben. Inilabas niya ang isang papel sa loob ng kaniyang bulsa at ibinigay iyon sa akin. It was a parent consent.
"Ahh ... di ako marunong magvolleyball." Pagsisinungaling ko. Well nung nasa elementary days ako nakikipaglaro na ako ng volleyball, kaso naudlot lamang 'yun ng magalit sa akin si Ate jiji. Basta mahabang storya.
"Well you could atleast try?" Saad niya. Well sabagay matagal ko na ring pangarap ang makasali sa isang tunay na laro. It might be best if i give it a shot.
"O-okay I'll think about it." Lumawak ang ngiti niya ng marinig niya ang sinabi ko.
"Good." Ngumiti siya na kita ngipin. Uminit ang mukha ko ng magtama ang mga mata namin. Naputol nalang ang eye contact namin ng may pumasok sa room. Si sir! At mukhang magqui-quiz ata kami ngayon.
"Okay go get ready we are gonna have a long quiz." Anunsyo ni Sir. Hidalgo. Napanga-nga nalang ang karamihan at kaming dalawa naman ni Iben ay nagulat.
"But sir, wala naman po kayong sinasabi na may quiz na magaganap." Pangangatwiran ni Flourite. Yah right I forgot! Pumasok pala ang bruha ngayon, maybe mga ilang araw na siyang pumapasok pero thank God wala naman siyang inaaping tao.
"Well, miss Flourite if you study in advance. The quiz will be not a burden to you, kung nagstudy ka lang." Sarkastikong pambabara ni sir kay flourite. Walang nagatubiling umimik at itinuon nalang ang lahat sa pags-scan ng notes. Ganito talaga si Mister Hidalgo pag wala sa mood, nagpapaquiz pero di naman ako natatakot kasi nakapag-advance scan na ako.
"Nakapagstudy ka?" Takang tanong ni Iben. Bakas sa mukha niya na hindi siya nagstudy." Siguro nakapagstudy ka na. Can i borrow your notes." Nahihiya niyang pasabi. Tumawa lang ako ng mahina at kinuha ang notebook na naglalaman ng importanteng lessons.
"Go! bilis study ka na." Saad ko habang tumatawa ng mahina.
Lumingon ako sa harap at nakitang may isinusulat si sir sa pisara. Huminga ako ng malalim tsaka pumikit. Nagdadasal ako ngayon na sana maipasa ko tong exam na toh. Pagkatapos kong magdasal ay biglang nagsalita si Iben.
YOU ARE READING
Beating Heart
General FictionBeating heart | Bl series#1 Jonathan Pamintuan, a gay transferee from another school will face misfortunes as he uncover his new chapters in his life. Yup! He is gay. And being gay isn't that easy to handle. Life wasn't being nice to Jonathan. Alth...