CHAPTER 16
Napalingon ako sa madilim at malawak na kalangitan walang mga bituin dahil may nakaharang na mga ulap. Napahinga ako ng malalim bago muling itinapat ang mukha sa isang blankong papel. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay. Tahimik ang buong paligid at wala nang taong rumoronda sa paligid. Dinampot ko ang lapis na nahulog sa lupa at ipinatong iyon sa blankong papel. Nakaupo ako sa isang silyang sira-sira na pero kaya pa namang suportahan ang bigat ko. Humugot muli ako ng hininga bago nagsimulang sumulat.
Musta na Jonathan, oyy sarili! Musta na...naririnig kong may bago ka ngayong kinababaliwan sa school mo. Alam ko kung sino yun at alam kong baliw na baliw ka sa lalaking iyon. Kahit na alam mong malabo hala sige! Basta in love, Inlove!
Pero masaya ka ba ngayon sa estado mo? Masaya ka ba na kasama mo ang pamilya mo? Kahit pa nawala yung kuya Joseph mo? Mahirap talaga, alam kong matagal pang humilom ang sugat sa iyong puso. Pero not to worry! Gagaling din ang sugat na iyan.
Sa kasulukuyan nararamdaman kong madami kang mga kalabang nais kang pabagsakin at pahirapan. Pero lumaban ka self! Laban para sa sarili. Wag kang pangunahan ng depresyon at takot! Kaya mo ang laban na to! Kaya mong pangunahan ang lahat ng to!
Kung umiibig ka sa lalaking yon, edi umibig ka! Walang masama ang humanga sa lalaking ilang beses kanang iniligtas sa peligro. Mahal mo siya di lang sa hitsura kundi dahil sa dedikasyon at katapangan nitong iligtas ka sa peligro. Di mo man nararamdaman sa kaniya na mahal ka niya pero okay lang 'yan. Kasi minahal ka niya bilang kaibigan at alam mo sa sarili mong sapat na 'yun.
Jonathan! Ikaw'ng bakla ka! Lumaban ka! Laban! Di lahat ng panahon nasasabi ko sa iyo na kaya mo pero lumaban ka! Kaya mo ang lahat ng ito! Kaya mong makawala sa kamalasang ilang taon mo nang tinatakasan. Kaya mo to!
Jonathan, unahin mo munang mahalin ang sarili mo kaysa sa lalaki iyon. Masyado ka na kasing bugbog na bugbog at inabuso. Alam kong baliw na baliw ka sa lalaking iyon pero nararamdaman ko ding kulang ka sa pagmamahal. Love your self before loving him.
I know its hard, but in order to fully love him and fill him with love you must fill your empty heart first.
And when your done, let your beating heart decide.
Love,
self.Di ko namalayang lumuhaluha na pala ako habang sinusulat ang letter sa sarili ko. Nasasaktan na kasi ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Kahit na nandyan yung inspiration ko di parin sapat para sabihing okay lang ang lahat.
Ilang minuto pang pag-iyak ng magsimula akong humikbi. Nakaramdam ako ng sakit at kakaibang kirot sa dibdib. Ilang buwan palang ang lumipas ang dami ng nangyari sa buhay ko. Nasaktan, nawalan ng kapatid, pinahiya, at minalas. Puno talaga ako ng kamalasan.
Siguro tama ang sarili ko. Mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Masyado na akong wasak, masyado na akong sira. Susubukan ko munang tanggapin ang sarili ko.
Tinupi ko na ang letter bago inilagay iyon sa talaarawan ko. Isang letter na madaming hinaing. Madaming mga kaartehan at madaming feelings. Ang arte ko kasi!
Isinara ko na ang diary at umakyat na sa loob ng bahay at doon ay humiga na sa kama ko sabay yakap sa aking talaarawan.
"Ipangako mo sa sarili mong, lalaban ka!" Bulong ko sa sarili.
<><><>
A/N:
Di po to yung regular na chapter. Isa lamang tong short scene sa buhay ni Jonathan. Alam kong madami siyang pinagdaanan kaya naisipan niyang isulat sa papel ang kaniyang hinaing at pangako sa sarili. Next chapter pa po ang continuation nung secret admirer ni Jonathan. Abangan!❤️
Dimple dash022|D.D
YOU ARE READING
Beating Heart
General FictionBeating heart | Bl series#1 Jonathan Pamintuan, a gay transferee from another school will face misfortunes as he uncover his new chapters in his life. Yup! He is gay. And being gay isn't that easy to handle. Life wasn't being nice to Jonathan. Alth...