Chapter 5

25 5 1
                                    

CHAPTER 5

Huwebes.

Sumakit tiyan ko kakatawa ng madulas si Desa sa upuan niya. Tumawa kaming magbabarkada sa nangyari at bumalik sa aming pinagkainan. Wala kaming paki kung may kahihiyan man ang ginagawa namin. As long that we are having fun. Napu-push rin nila kasi ang confidence ko. Kwela sila at masayang kasama, magmula kasi nung niligtas nila ako sa kamay ni flourite naging malapit na sila sa akin at ganun din ako sa  kanila. First section nga pala si Chenie, ngunit sina genie at desa ay sa ikalawang section.

Kasulukuyan kaming kumaikain ng tanghalian sa canteen. Nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na magpakita sa may canteen. Nag-cool off narin sa akin si Flourite, ilang araw ko na kasing di siya nakikita magmula nung away nila ni Chenie sa classroom. Wala naman ding paki si Maam sa kanya kasi di naman niya hinahanap.

Nakakalahati na kami sa pagkain ng adobo at kanin. Sa wakas nagtinda rin ang canteen ng ulam na kaya sa sikmura ko. Lumipas ang ilang minuto ay napapansin ko ang dalawang lalaking siga-sigang naglalakad papunta sa amin. Nakasuot sila ng itim na relaxed shirt at pinarisan ng itim na rip jeans at puting sapatos. May mga hikaw silang nakasabit sa tenga at ang siga-siga nilang tingnan. Para silang sasali sa isang dance competition dahil sa suot nila. Hys! Di mo talaga makakayang tingnan ang pagka-fancy siga nila.

Tumigil sila sa paglalakad at huminto sa pwesto namin. Maganda ang pagkakagupit nag kanilang buhok. May mga kulay din ang kanilang buhok, ang isa ay red na nasa kanan at ang isa ay blue sa kaliwa. Hahaha! Natatawa ako ng sobra sa isip ko. Kulang nalang yellow para mabuo ang watawat ng pilipinas! Hahaha!

"Chenie tara?" Pangunguna ni Genie at kinapitan ang kamay ni desa. Nakikita ko sa mga mukha nila ang pagkadismaya. Dismaya sa alin?

"Gurls...gurls...." Itinaas ng lalaking pula ang buhok ang kanang kamay niya at pinipigilan kaming maka-alis, may kalandian rin sa boses niya na di ko gusto. Sino ba siya? Ang lakas ng tama niya para pigilan kami. Kumapit sa akin ng mahigpit si Chenie. Di ko maintindihan ang mga nangyayari. Para kaming naglalaro ng 'mauna pumikit pangit' . Nakatingin lang sila at walang balak na ipikit ang mga mata.

"We need to go and excuse me?" Mataray na saad ni Chenie na pumutol sa aming pagtititigan. Sa mga oras na iyon ay nilalamon na si Chenie ng kaniyang galit. Nilukot niya ang kaniyang kamao na parang susuntok na siya. Di kami pinagbigyan ng mga lalaki na makaalis at mas lalong dumilim ang mga tingin ni Chenie, yung tipong nanunuklaw.

Tumawa lang yung lalaking nakapula ang buhok na parang isang joke lang expression ni Chenie sa kaniya. Di ko talaga alam ang mga nangyayari dito. Mistula akong na-OP at di makasakay sa kanilang ginagawa. Mas lalong humigpit ang kapit ni Chenie sa akin at lalo akong kinabahan. Ang kaniyang kaliwang kamao ay super ready ng sumuntok.

"Oh...chenie don't hide it to me. I know that you still hate me kasi nasaktan ko one of your friends and its not my fault that I'm handsome." He said it with thick sarcasm. Mas lalong kumulo ang dugo ni Chenie kasi namumula talaga siya ng sobra." Oh...are you gonna blow?" Pang-aasar pa niya ng sobrang ikinapikon ni Chenie. Chenie punches that maniac's face at saktong tumama ang kamao niya sa ilong. Napangiwi kami nila Genie at Desa sa mga nangyari. Inawat agad namin si Chenie habang yung lalaking nasuntok niya ay nasa sahig at dumugo pa ang ilong.

"Yes. Infact i'm a bomb and don't mess with us Ralph." May halong pagbabanta si Chenie sa kaniyang sinabi at tuluyan ng umalis sa kinatatayuan niya. Bagi siya umalis tiningnan niya ng matalim si Ralph at yung lalaking color blue ang buhok.

Lahat ng tao sa canteen ay naghahamon uli ng isang suntok mula kay chenie, kaso chenie refuses at umalis nalang sa canteen. We never bother to finish our food at umalis nalang sa Canteen. Nawala na rin ang gana naming kumain kasi dahil sa nangyari.

Beating HeartWhere stories live. Discover now