Chapter 4

26 4 3
                                    

CHAPTER 4

Nasa loob na kami ng sasakyan at papunta na kami sa kanilang bahay.

Nasa backseat kaming dalawa ni Iben. Habang nagmamaneho ang kaniyang driver. Nanatiling naka-akbay sa akin si Iben at sinisiguradong hindi ako malalamigan. Medyo soaked na ang sweater ko e at parang nakakadagdag pa sa lamig yung Aircon ng sasakyan.

"I am truly sorry." Bulong ni iben sa akin. Napalingon ako sa kaniya at sobrang lapit na ang aming mga mukha dahil naka-sandal ang kanang braso ko sa kaniya. Naamoy ko rin ang Mint freshness ng kaniyang bibig." I shouldn't have suggested this dumb idea. I was being insensitive." Saad niya. Napa-upo naman ako ng maayos at tinapatan siya.

"N-no need to apologize, I'm okay now." Utal-utal kong tugon. I don't know kung bakit ako nauutal, sa lamig ba to? O sa kaba?

"No, you don't. Your wet." He said it with a soft voice." Don't you worry I have baked you cookies back home."

Di ko na dinugtungan ang usapan namin at itinuon nalang ang pansin sa ulan sa labas. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa anumang mga piligro o kamalasan, laging may nakahandang swerte sa tabi ko. Napalingon ako ngayon kay Iben na hindi na nakaakbay sa balikat ko.

Sa pagkakataong iyon nararamdaman ko uli ang kakaibang kuryente nung tinangal niya ang kaniyang kamay sa balikat ko. Napapa-vibrate tuloy ako ng maramdaman ko ang kakaibang sensation.

He is truly a gentlemen, no wonder madaming nagkakandarapa sa kagwapuhan niya. Para siyang Prince charming.

Naka-abot na kami sa kaniyang bahay. Malaki at engrande ang bahay nila iben. Kaya pala sa pinaka-una ng paglalakbay ko patungo sa kanila ay mahirap dahil pinapasok pa pala ang West side. Ang west side, exclusive only for higher ranks.

Ikinwento ko rin sa kaniya ang napakamalas kong araw. Bigla-biglang nag-iba ang reaskyon ng kaniyang mukha at animo'y natalo sa isang competition. Nararamdaman ko rin ang labis na lungkot at guilt sa kaniya.

"I'm so sorry." Panghihingi niya ng dispensa sa akin habang nakayuko at di ako matingnan ng direkta sa mata. 

"Diba sabi ko wag mo nang problemahin." Nasa loob na kami ng bakuran at maraming mga bulaklak at maberdeng halaman sa paligid. Dalawa pala ang daanan patungo sa kanilang mismong bahay. Isa sa harapan at isa sa may bakuran.

Tinikom na niya ang kaniyang bibig at naglakad nalang patungo sa ikalawang gate ng bahay. Medyo secured at maraming pasikot-sikot sa likod kasi secret garden pala yung pinasukan namin.

Pagbukas ni Iben sa ikalawang gate, tumambad sa amin ang Malawak na pool at sa di kalayuan ay ang mini bar. Napahanga ako sa kung gaano iyon ka laki. Kasing laki non ang basketball court sa barangay namin.

Napapansin ko rin ang lawak ng kanilang lupain. Kasi kung may garden at may swimming pool na sobrang laki. Ano nalang kaya ang hitsura ng bahay nila.

"Napahanga ka ba?" Nakangising tugon ni iben sa akin.

"Sobra! A-ang yaman mo pala!" Masigla kong sagot. Napatawa nalang siya at naglakad muli patungo sa susunod na pintuan.

"It's my parents house, but they are not around so... I lived here, just me." Malumanay niyang tugon.

"Do you miss your parents?" Tanong ko.

"Yes, but I appreciate their hardwork. I'm used to it." Malumanay niyang sagot sa tanong ko. Di ko nalang dinugtungan at baka mas lalo pa siyang lumungkot.

Sa aking paglilibot ng aking paningin sa paligid, masasabi kong limpak-limpak ng yaman nila iben. Pero sa reaksyon ng kaniyang mukha nung tanungin ko siya nakikita kong hindi siya masaya na wala mama't papa niya sa tabi niya. Siguro nga totoo yung kasabihan. Money can't buy your happiness.

Beating HeartWhere stories live. Discover now